Chapter 5

20 3 0
                                    

Chapter 5

-Jinx's Point of View-

Ilang araw na ang nakakalipas at nandito ako sa canteen kasama si Yamara at masama pa din ang loob ko dito dahil sa panunukso niya.

"Oh kalma na. Ito cheesestick" naguumpisa nanaman s'yang mang-asar at hindi ako natutuwa.

Kinuha ko pa din naman saka kinain. Nakakairita. Sarap manakal ngayon. Dahil din don madaming masasamang tingin ang nakukuha ko.

Lumala lamang 'to dahil sa delusion n'ya e.

"Eto footlong Yamyam, say ah" nandiri naman si Yamara kay Yzac saka lumayo ng kaunti dito. Grr! Kaklase pa namin si Adrien. Kung pwede lang siguro mabutas katawan ko sa pagtitig nila baka 'yon na nga ang nangyari sa'kin

"Si Jinx nalang tol subuan mo"

"Tado"

"Tigil tigilan niyo si Jinx sa pagiging target ni Yzac ha. Sasampalin ko kayo Lucas" sumubo naman si Yzac ng kinakain niya saka ako tinignan

Akala mo din naman hindi n'ya ako tinukso sa pinsan n'ya. Minsan pa nga duo sila ni Lucas.

"Hindi ko naman type 'yang kaibigan mo"

Heh, after mapunta sa zones ay nauwi na sa rejection.

Tinignan ako ni Yamara saka natawa. This... Hindi ko yan kaibigan.

"Sabagay babaero ka e" asar pa ni Yamara saka niya kinuha yung juice box ni Yzac

Sumama naman ang tingin ni Yzac saka tinuro yung mga babae sa likod namin "paninirang tao"

Yamara acted like she was surprised and asked, "Which part?" At d'yan nanaman nagumpisa ang pagaasaran nilang dalawa.

"Kapag ikaw nasaktan sa babae, tatawanan talaga kita," sabay subo nito saka tinutok sakanya ng tinidor, "Tipong broken-hearted ka tatawanan talaga kita hanggang death"

Kahit naman ganyan siya magsalita hindi din naman n'ya gagawin. Well, depends.

Natawa naman si Yzac saka napasandal sa upuan niya "Umasa ka lang" uminom muna ito ng tubig bago ulit magsalita, "Wala pang babae ang umaayaw sa'kin"

Everyone on the table falls in silence and stares at Yzac. He was... Casually drinking his water when Vander spoke.

"Ang lakas ng hangin"

"Tangina mo" singhal ni Yzac saka binatukan si Vander. "Kapag ako nahulog sisiguraduhin kong ako ang end game" dagdag nito na ikinatawa ni Liam at Lucas

"Phew! Mahihirapan yata ang isa ah" sinamaan ko ng tingin si Lucas saka tumayo si Yamara.

"Ang kapal talaga ng mukha" bulong ni Yamara at narinig ni Elias. Kung ano man naiisip niya. Huwag na niya gawin dahil panigurado maiirita sakan'ya si Yamara.

"Makapal talaga m---"


"Di pa rin kita gusto kahit sumang-ayon ka sa'kin" mabilis na pinutol ni Yamara si Elias. Sabi ko na, dapat di na siya nagsalita muna.

I Fell In Love With A Kiss StealerWhere stories live. Discover now