Chapter 4

20 3 0
                                    

Chapter 4

-Jinx's Point of View-

Months passed by and activities in our school increased. Just like now, loud screams and music instruments can be heard everywhere in this school.

"Its your band, again" sabi ko kay Yamara. Nagtitilian nanaman ang mga schoolmates namin sa baba. Saka ako napabuntong hininga.

"Alam ko kaya nga manonood ako" pairap pa nitong sabi sa akin sabay hawak sa kamay ko at hinatak ako pababa. I get a deja vu with this.

Sa pagbaba namin ay s'yang paglakas ng mga tili at palakpakan ng mga estudyante.

Ang alam ko practice ng iilang school idol groups ngayon dahil may sinalihan ang aming school na contest at mamimili sila sa mga grupo. Its either Black Aces or Blazing Tops ang mapipili panigurado.

Isang group lang naman need. Maya maya pa huminto si Yamara at nasa likod kami ng ibang mga estudyante. Buti naman hindi kami lumapit kasi nagkakatulakan at napakainit pa naman.

"Si Xen ba 'yon?" I shrugged. Gusto pa din n'ya yata kahit alam niyang may nobya na ito. Pero tinignan ko pa din. Siya yung lalaki na kasama ni Talia.

Sa pagkakaalala ko sabi ni Yamara ay miyembro ito ng Black Aces. Sa sobrang daming hiyaw ay napatakip ako sa tenga ko at dahang dahang umalis sa tabi ni Yamara. Hindi naman niya ako mapapansin dahil nasa harapan pa din ito.

Gustong gusto n'ya nga si Xen pero noong tinangka ko s'yang i-comfort ay biglaan n'yang sabi ay "ayos lang. Aba, May Prestley pa!"

Nung nalaman ko 'yon... Hindi ko pa din naman s'ya kilala. Hayys. Akala mo naman papatulan s'ya nito. Kaya hindi na ako nag-abalang kilalanin pa.

Bago pa man ako makaalis sa lugar na iyon ay nakaramdam ako ng paghila pabalik sa siksikan na lugar iyon. Nabibingi ako sa sigawan at nandidiri ako sa pagdikit ng pinagpapawisan nilang braso sa braso ko. Nakakdiri, gusto kong umalis.

"Huwag mo akong iwan dito!" Pinanliitan ko ng mata si Yamara saka napabuntong hininga. "Dapat man lang doon tayo sa---" naputol ang sasabihin ko ng sumigaw si Yamara at tumalon kasabay ng ilang nanonood. Maya maya pa niyugyog ako ni Yamara saka tinuro ang isang lalaki sa entablado.

Matangkad at Makisig ito. Halatang may dugong bughaw ang lalaking tinitignan n'ya.

"That's Prestley, leader and Rythm Guitarist sa banda. Ilang beses ko na ba nakwento sayo?" Napaisip naman ako. May nakwento ba s'ya sa'kin? Naalala ko lamang ay gusto niya ito.

Napasapo naman ito sa mukha saka ako tinignan ng masama "Ang panget mong kwentuhan. Ang gagwapo kaya nila para makalimutan lang"

Ha? Gwapo pala silang lahat. Sige. Hmm? Yung lalaking 'yon... S'ya yung nabunggo ko diba? Adrien yata ang pangalan niya. Hindi ko namalayan na natulala na at natitigan ko na ito. Habang ito ay umaawit ay napagawi ito sa pwesto ko. Nakangiti ito.

"Beautiful
Just the way that you would look at me
Was so much I’d never wanna leave"

Sa gitna ng maingay na paligid ang tanging naririnig ko lamang ay ang pagtibok ng aking puso. Ni hindi ko magawang ilayo ang sarili ko na tignan ito. Ang linya na binanggit niya ay tila nakuha lalo ang aking atensyon. "Beautiful..." Bulong ko sa sarili ko saka napaiwas ng tingin at tumakbo palayo.

Ang lakas ng kabog ng puso ko!






"Wala ako maintindihan kay Ma'am" I agree with Yamara. Parang ulap lahat ng sinasabi nito at wala akong maisip hanggang ngayon.

I Fell In Love With A Kiss StealerWhere stories live. Discover now