Chapter 19

14 2 0
                                    

Chapter 19

-Jinx's Point of View-

Napabuntong hininga ako nang marinig ko ang iilang sigaw sa court. Napagisipan kong sumali sa Volleyball kaya nandito ako habang nag-aantay sa practice.

Iilan palang kilala ko sakanila lalo na yung captain namin. Naiilang silang sabihin sa'kin kung sino or di naman kaya bigla silang aalis.

Biglang may isang malakas na kalabog at sunod ang pagkasigaw ni ma'am sa apelyido ko kaya napatayo ako sa kinauupuan ko saka tinignan si ma'am.

Nakatingin sa'kin ng masama si ma'am, "Salvacion, practice with your team! Last year mo na dito kaya i-enjoy mo."

Napatango ako saka tumayo. Ang bait niyan ni Ma'am kahit na masungit.

"Dapat kasi ilayo mo muna si Adrien sa isipan mo," sinamaan ko ng tingin rito si Yamara. Naguumpisa nanaman siya mang-asar.

Lalo na nung nakwento ko kung nasaan kami ni Adrien nakaraan nang iwan namin siya sa tapat ng pinto.

"It's okay, it's okay. I understand you saka mas pabor sa'kin na isipin mo 'yan kaysa sa pinsan ko." Nakangiting saad nito na kinakilabot ko dahil tila ba parang may laman ba ang sinabi nito.

"Besides, I will totally support you kahit piliin mo si Adrien. Kung tutuusin lang wala kang mapapala sa pinsan ko."

Wala ba 'tong awa sa pinsan niya kaya gan'to siya? Speaking of Yzac, hays, nagpakawala ulit ako ng hininga. Iniisip ko kung may nagawa nanaman ba 'kong mali?

Hindi nanaman ako pinapansin at iniiwasan pa nga ko nito. Hindi kaya may problema yung isang 'yon?

"Yamara, okay lang ba si Yzac?"

Kumunot noo ni Yamara saka tinamaan ang bola bago sumagot sa'kin, "Huh? Okay naman siya. Bakit?"

Narinig kong muli ang pangalan ko kaya tinamaan ko muna yung bola papunta sa kabilang side, "Parang iniiwasan ako,"

"Huh?"

"Hindi niya ko kinakausap at pinapansin kako..."

"Pwahahahaha!" Napatingin ako sakan'ya sa paghagalpak niya ng tawa sa sinabi ko. Ok, I think she finds this funny. We asked for a break at umupo sa malapit na bleacher.

"Ayun si Yzac oh." Turo ni Yamara saka uminom ng tubig. Tama nga siya dumaan si Yzac dito pero hindi ako tinignan.

Siguro di lang niya ako nakita.

"Tell me, Jinx. Do you still like him?"

... do I still like him? Hindi ko alam.

"... Yeah."

Nakita ko ang pagngisi sa gilid ko si Yamara at sabay sabing, "Wrong Answer."

*****

May humawak naman sa balikat ko at napabuntong hininga, "back to our topic earlier..." Napapikit ako. Hindi pa pala kami tapos?!

"Edi balak mo pa ding umamin kay Yzac after your deal is done?"

Tumango ako at napasapo ito sa noo niya, "why?!"

"Because I want to tell him. Isn't that a reason?" Nakauwang na ang labi nito na at nakatingin siya sa'kin na parang ngayon lang siya nakarinig ng sagot na gan'to.

"H-Hey, are you sure about this?" Tumango akong muli.

"JUST WHY?!"

"Wala na si Yzac kaya ako kinukulit mo ng ganyan ngayon?"

Parang umiikot lang usapan namin lalo na papauwi na kami. Hindi ko na din siya maintindihan.

"Yzac!" Gagawin talaga nito ang lahat para lang makita akong mainis...

I Fell In Love With A Kiss StealerWhere stories live. Discover now