Chapter 38

1 0 0
                                    

Chapter 38

-Jinx's Point of View-

Ako lang ba pero parang weird ng paligid ko ngayon. Ang tahimik din nina Yamara na siyang kinakatakot ko. Maski sina Drich hindi man lang maibukas ang bibig at itong katabi ko naman ay hindi ko maintindihan.

"Jinx sa tingin mo may problema sila?" Tanong sa'kin ni Axel. Diba siya yung kasama palagi? Bakit biglang ako ang tinatanong?

"Never mind them. Baka natalo lang mga yan," Ngisi ni Prestley at sa sinabi niya tumingin sakan'ya sina Yamara, "Wala pa! Yung manok namin mabagal lang!"

Manok?

"Right! Inaantay niya pa na mapunta sakan'ya yung pagkain eh!"

???

"Bark all you want, but I can already see that I'm— we got this."

Er... "Manok? Nagsasabong kayo?" Tanong ni Yzac sa tabi ko and this is the first time na nalaman kong nagsasabong pala mga 'to?

"Hah?" Parang naiiritang sabi ni Yamara sabay kamot sa ulo, "Anong sabong? Pumupusta kami---"

"Yamara!" Biglang sinalpakan nina Xen si Yamara ng pagkain sabay tingin sa gawi ko.

Pumupusta...

"Then nagsasabong nga. May pusta ang sabong diba?" Tumango sa'kin si Yzac at sa di malamang kadahilanan tumawa ng malakas si Prestley sabay tayo at umalis sa tabi namin.

Ngayon ko lang siya nakita na sobra siyang natawa sa isang bagay, "Sabong, yeah right, pfft... HAHAHAHAHA!"

Kalaunan bigla na lamang din tumawa si Axel sabay hampas sa lamesa, "Tama. Nanyaya ng sabong kasi si Yamara, pfftt."

Yamara looks so betrayed right now, "Yung manok kasi nila ni Drich napakahina e. Paano ba naman naghihintay lang ayaw gumalaw!" Singhal ni Axel at parang umasim ang mukha ng dalawa.

"Tapos...?"

"Well, Yung manok ni Prestley, na pinusta ko din is gumagawa na ng paraan para manalo. Hays... I also feel the money is in my hands."

"Hell, no! Makikita n'yo yung manok ko mananalo din."

Okay... For a chicken they became like this.

"Oo nga pala, manood tayo ng sine mamaya."

Tumango ako kay Yzac at nakita ko ang pagngisi nina Yamara kay Prestley pero parang wala lang sakan'ya ang mga tingin na pinupukol sakan'ya

"Nga pala, malapit na din yung exam ah," paalala ni Xen sa'min sabay lapag ng mga notebooks, "Short reviewer lang 'yan."

ah, guardian angel!

"Hi, guys. What are you doing?"

Xen stood up to greet Talia saka sila umupo, "Reviewing. Malapit na din Graduation. Sabi nila baka wala ng exam sa last quarter at project nalang ipapagawa."

Yamara nodded, "Oo nga. Gusto nila mag-focus na yung mga students sa paghahanap ng papasukang school sa college. Pati na ng i-take na course."

Bigla namang nagningning mga mata ni Axel sabay tingin sa'min, "anong course pala kukunin n'yo?"

"Tourism sa'kin," wala nang bago d'yan dahil 'yan palagi ang sinasabi sa'kin ni Yamara, "Ako naman siguro Performing Arts."

Hindi na rin bago sa'kin yang naisip ni Talia pero... Sa abroad siguro 'yan mag-aaral.

"Xen and I will take BSIT." Parehas kami nagulat sa sinabi ni Prestley kahit si Xen e.

"Akala ko BSBA Management ka?" Prestley raises a brow and sighs, "Mali. BSIT kukunin ko. While Axel I bet he will take Architecture."

I Fell In Love With A Kiss StealerWhere stories live. Discover now