Chapter 47

167 4 0
                                    

Nagising ang aking diwa mula sa sinabi ni Aiden nang makaramdam ako ng paghila sa aking buhok. Bago pa man ako maka-react ay bigla niya naman akong sinampal. This bitch. Nakakarami na 'to ha. I caught the sight of the people's faces. I feel embarrassed but despite the evident shock and judgement on their eyes ay ginantihan ko rin ng sampal si Sydney. I am about to lose my temper but I managed to control my emotions since naalala ko na may bata sa sinapupunan niya. She's pissing me off pero hindi niya ako kasing sama! 


Agad lumapit sa akin si Kuya Ali pero naunahan na siya ni Aiden. He made me face him and fixed my hair. "Babe, are you okay?" I nodded. He clenched his jaw while checking if I am hurt. Hawak-hawak ako ni Aiden at bahagyang itinago ako sa kanyang likod. When I finally thought my brother got a hold of that girl, she went ballistic. 


"Huwag kang magpaka-inosente, Astrid! Harapin mo ako at nang magkalinawan tayo!" She's freaking crying. Nakakahiya siya! Andaming mga pasyenteng nabubulabog! 


"Shut up, Sydney! Kailan mo ba itatatak sa kokote mo na hindi sayo si Aiden! Wake up!" Irita kong buIong. I feel breathless with anger but I swallowed down my irritation. 


"Syd, please. Stop it.." Aiden said, persuading her. 


Tinignan ko naman si Kuya Ali at halata na ang sobrang pagka-inis niya. Who wouldn't? This immature woman is spitting nothing but nonsense.


"Sa kanya ka talaga kakampi, hun?" I almost want to vomit. May mga nurse na nagtangkang lumapit sa amin ngunit para ata silang napako dahil namukhaan nila na isa kaming mga Grimaldi at Morgan. Si Aiden naman ay umiiling-iling na lamang. Aalis na sana kami nang magsisigaw nanaman siya, but this time, what she said caught our attention. "Pardon? Ano ang sinabi mo?" I coldly asked. A fresh swell of rage rose in my system. 


"Tama naman ako diba? You, Grimaldis are all full of shit! Mga sakim sa pera!" Akmang lalapit na sana siya sakin nang mapigilan ulit siya ni Kuya. 


"Miss Baltazar, huwag ka rito gumawa ng eksena, pakiusap." Kuya Ali said but it was no use because anger already swept over her. "Ako pa ang gumagawa ng eksena? Why? Can't accept the fact that all of you are evil? At mang-aagaw katulad niyang prinsesa niyo! Ang mga tulad ng inyong pamilya ay walang ibang iniisip kundi kayamanan. Bakit ba kayong mayayaman ay hindi makuntento sa dami ng pera niyo? Nandadamay pa kayo ng iba! Mga walang puso!" I am bewildered. 


"What are you talking about, Sydney?" Takang tanong ni Aiden. Maski ako ay naguguluhan na sakanyang ibinibintang. "Oh, don't you dare protect her, Aiden. I am warning you. Makakarating ito sa mommy mo!" 


"I will protect her by any means because I love her. Kaya tumigil kana bago pa ako may magawang masama sa iyo." I felt flushed. I am finding it difficult to hear dahil isang palaisipan pa rin sa akin ang mga sinabi ni Sydney. Sakim sa pera? Since when did our family became like that? 


"Gugustuhin mo pa rin ba siyang protektahan kapag sinabi ko na ang mga Grimaldi ang pumatay sa nanay ko? They took away my mother from me! At a young age, I was left alone in the orphanage...kinailangan kong buhayin ang sarili ko lalo na nang walang kahit sinong gustong kumupkop sa akin! Dating nagtratrabaho ang mama ko sa kompanya ng Grimaldi, she was working there for almost ten years pero bigla nalang siyang tinanggal nang walang dahilan! Makita na lamang namin na pagkatapos ng isang taon ay napakalaki na ng kompanya nila kasabay ng balita na ang nanay na nila Astrid ang tuluyang magpapatakbo ng Grimaldi Towers Corp. My mother died because of poverty! Dahil tinanggalan siya ng trabaho ay naghirap kami at wala nang makain! That's why I loathe you to death, Astrid! Inagaw mo na nga ang nanay ko pati ba naman si Aiden!?" 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fireflies In My Heart (Blueprint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon