Chapter 12

83 2 0
                                    

Chapter 12



Walang nakakaalam na umalis ako sa bahay. I locked my room at nagiwan ng note sa mga kasambahay na huwag istorbohin ang tulog ko. Dumaan rin ako sa backgate kung saan kaunti lang ang mga cctv.

Buti nalang nasa underground rin ang garage kaya nakaalis ako ng walang nakakarinig sakin. Dinala ko lang ang mga gamit ko sa school pati narin ang ilang cards.

I chose to wear a simple outfit dahil diretso nalang akong papasok sa school mamaya. Ripped jeans and tube top lang ang sinuot ko. Nagbaon lang rin ako ng cropped cardigan in case lamigin.


I was greeted with the loud noise inside the club. Pinili ko ang bar malapit lapit sa school para hindi ako mahirapan mamaya. I quickly moved my way towards the bar counter dahil mag-isa lang naman ako at hindi na kailangan ng private table.

"One shot of vodka." I coldy said.

"Solo mode?"

"May nakikita ka bang kasama ko?" Sabi ko sa bartender.

"Ay olay! Chillax ka lang miss!" Inirapan ko nalang siya. Olay? What's that word?

Weirdo.

I looked around the club. This is my first time here. Hindi namin trip nila Adela dito kasi baka madaming taga McArthur.

This place is actually great. Malaki ang dancefloor compared sa Pinnacle. Mahahalata mo rin na puro college students ang pumupunta dito.

Kinakabahan ako dahil mag-isa lang akong iinom ngayon. Drunk Luna is very scary for me. Walang sasalo sa kahihiyan ko!

"One vodka for the problematic lady!" Rinig kong sigaw ng bartender. Is he talking about me? Wow.

Masyado bang halatang problemado ako?

Hindi ko siya pinansin pero pinatong niya sa harap ko ang shot. So ako nga?

"Mukha ba akong problemado?" I winced after I took the shot.

"Omshrimp!" What the heck. Hindi pa ako lasing pero ramdam ko na yung sakit ng ulo ko dahil sakanya!

"Can you please talk in our language!?" Inis kong sabi sakanya na tinawanan niya lang.

"Hala hindi mo alam yon?"

"Magtatanong ba ako sayo kung oo? Tss. Weirdo."

Napakamot lang siya dahil sa sinabi ko. I faced him and noticed his one earring on his left ear. Hindi nga siya weirdo, he looks kind of cute.

Hindi ko na pinansin pa ang pinagsasabi niya dahil wala akong maintindihan! Nakailang shots narin ako ngayon. I turned off my phone dahil alam kong hahanapin ako ni Kuya.

Nang mabored magisa ay pumunta ako sa dancefloor.

It is passed four in the morning. Mamayang eight pa ang pasok ko. I don't know if I will still attend class kasi nararamdaman ko na ang pagkalasing.

I drank one bottle of black label alone!
My head hurts so bad pero kaya pa naman. Mataas ang alchohol tolerance ko. Pero mababaw ang puso. Funny.

Nandito nga pala ako para takasan nanaman ang problema sa bahay. Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Mom at bakit ganon nalang siya kumilos these recent weeks.

Wala pa akong balita na bumabagsak ang kompanya namin kaya paniguradong may iba pang rason. I remembered Kuya's words earlier. That was the first time he shouted at our Mom.

I shooked my head. Kaya mas pinipili kong sa condo nalang magstay para makaiwas sakanila.

"Maredudes tumitilaok na yung manok nandito ka padin?" Him and his words. I ignored his question at binigay lang sakanya ang card para magbayad.

Fireflies In My Heart (Blueprint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon