Chapter 2

161 3 0
                                    

Chapter 2



What's a Mercedes doing in front of me? May isang sasakyang pumara sa harapan ko. Napaatras naman ako bigla dahil inaakala kong kidnapper ito.



Mayroon bang kidnapper na gagamit ng mamahaling sasakyan!? Tch.



"Where's your ride?"



Oh geez. It's none other than the annoying man, Aiden James. Should I answer him? Maayos naman ang pagkatanong niya. I am kinda speechless right now. Hindi ko alam kung ginagago lang ako nito dahil kanina lang ay nagbabangayan kami!



"Are you deaf?" Medyo ouch.



"How dare you! Bakit ka ba nandito!?"



"I was just asking if you have a ride. I can help you, you know. I'm trying to be good here." Sungit. Napangisi ako. May tinatago din palang kabaitan ito no? Baka nakonsensya.



"Sasagutin mo ba ako o hindi? I can surely leave you right now."



"U-uhmm nalimutan ko kasi na coding yung sasakyan ko ngayon. Yung mga driver naman sa bahay hindi sumasagot. Okay lang naman ako dito, I'll just wait for a cab."



Hindi na siya sumagot. Tumango lang siya at umalis na. Wow. Ang sungit talaga!



Hindi ko alam kung ilang oras na ako nagaantay dito. I went here earlier, mga three in the afternoon. Ang shunga ko lang dahil liblib nga pala ang university namin at halos private ang property na nasa palagid kaya wala masyadong public vehicles.



As if on cue I started to feel raindrops pouring! Just great! Sobrang malas.



Tumingin tingin ako sa paligid kung mayroong waiting shed. Nakita ko naman ang mga vending machine and luckily may silong doon.



Nawawala nadin ang liwanag. Should I just walk? I'm starting to lose hope. Dead bat narin ako and I am starving! Hindi ko naman kasi naisip na mangyayari ito! I should've known better.



Well, lesson learned.



Magdala ng payong. Tsk.



Kung lalakarin ko ito, it would be atleast twenty minutes walk. Para marating ang sakayan. Wala ng mga estudyante dito dahil tanging kaming fourth year students lang ang assigned pumasok ngayon. Nilingon ko ang guard post. Walang bantay! Probably nagroronda na iyon dahil siguro ala sais na ng gabi!



But why would they leave the gate? Tss. Not my problem anymore. Isip pa ng paraan, Claudia!



Oras. Ilang oras na siguro ang tinagal ko dito. Takot na takot ako sa kidlat. Lalo lamang lumakas ang ulan. Hindi ko na ata kaya pang maglakad. Naiiyak na ako sa takot. Okay lang naman siguro? Hindi pa naman siguro ako mamamatay. Baka magising lang ako bukas at mahanap nila ako dito.



Napasigaw ako ng malakas dahil may kidlat nanaman! Gusto ko ng umuwi.



Lord, help me please.



Habang nagiisip ay nakakita ako ng ilaw hindi kalayuan. Dali-dali akong pumunta palapit at kinaway ang aking kamay para makita ako.



It's the same Mercedes like Aiden's.



Hindi kaya?



"Claudia! Sabi ko naman sayo sumabay kana sakin!" Right. Aiden James Morgan.



Nakakatakot ang mga mata niya. Parang nakakasunog. Bumaba siya ng sasakyan at may binuksang payong. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.



"Are you insane!? Speak up!"



Niyugyog naman niya ako. I can feel my eyes tearing up. Akala ko mangingisay na ako sa lamig dito. Hindi ko alam pero naramdaman ko nalang ang sarili kong nakayakap sakanya.



"T-thank you, I was very afraid awhile ago. B-buti dumating k-ka." Naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik.



I definitely owe him one. Sobrang nagpapasalamat ako dahil kanina lang ay halos mawalan na ako ng pagasa.



"I'm here now, Claudia. Stop crying." It feels great to hear that from him. Parang nawala lahat ng inis ko sakanya dahil sa asaran namin kaninang umaga. I am happy.



Inalalayan naman niya ako pumasok sa sasakyan. Tinitignan ko siyang umikot papunta sa driver's seat. I am relieved.




Pagka-upo niya ay pinatay niya rin ang ac. Binigyan niya ako ng towel. Nakita ko ang gymbag niya sa likod. Inalok niya rin ako ng tubig.




Naniniwala na ako na action speaks louder than words. Kung kanina ay parang magpapatayan na kami sa asaran, ngayon naman ay nakikita kong mabuti siyang tao.



Napaisip ako. Is he really like this? With other girls?



Tinuro ko ang daan papunta sa aming mansyon. Walang nagsasalita ni isa samin tanging kamay ko lang ang nagtuturo sakanya. Sobrang tahimik.



"Dito nalang ako. Aahh salamat nga pala. Babawi nalang ako. Thank you talaga."



Nakakahiya. Nabasa ko pa yung loob ng sasakyan niya. Pinahiram pa ako ng towel! Di bale lalabhan ko nalang.



Tumigil ang sasakyan. Ngunit diretso lang ang tingin niya. Hindi ko alam kung bababa na ako o hindi dahil sa mga kinikilos niya. Kailan ka pa naging ganto kabalisa, Luna!



"Do you have someone in your house? Are you sure you're not alone? Probably kaya walang sumundo sayo ay dahil umalis sila."



"May mga helpers naman sa l-loob. I can manage."



"Di mo magets no? I was asking you to let me in!" Tawa niyang sabi. K?



"Ewan ko sayo, Aiden."



Tinignan niya naman ako. Nanigas ang katawan ko sa biglang paghawak niya sa noo ko! God, Aiden. You're too close.




"Ang init mo! Ano ba kasing pumasok sa isip mo at nagpaulan ka! I asked you to hop in earlier pero you declined! Huwag mong sabihin your pride got in the way. Tss." Napairap siya sa sinabi. Okay, I'm guilty. Hindi ko naman kasi inisip na matatagalan ako doon! Napabuntong-hininga nalang ako. Binuksan niya ang pinto at pumunta sa side ko.




I was about to go out pero ikinulong niya ako sa aking upuan! Hindi ako makahinga sa sobrang lapit ng mukha niya saakin. This is too much. Lalo lang ata uminit ang pakiramdam ko!




Tinitigan ko ang kanyang mukha. I noticed his eyes. Those beautiful dark hazel eyes. I think I was captivated by his gaze. Napansin ko din ang mahaba niyang pilik mata. Bumaba naman ang tingin ko sa kanyang labi. May naisip akong kakaiba.



Umayos ka nga Claudia! May sakit kana at lahat pero ang landi mo padin!



Napansin niya siguro ang pagtitig ko sakanyang labi. Lalo lang siyang lumapit.



He stopped a few inches from me. Nararamdaman ko nadin ang hininga niya. He smiled.



And all I could say is, "Oh shit."

Fireflies In My Heart (Blueprint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon