Chapter 31

91 1 0
                                    

Chapter 31



Nagising ako dahil sa sunod sunod na tunog ng aking alarm. Freak! Nang marealize ko kung gaano ako ka-late ay dali dali akong bumangon at naligo. Hindi na rin ako nagbreakfast dahil kulang na sa oras.


Hangover plus early meeting is really not a great combination. Kasalanan to ni Adela eh! Anyway, today is Friday, meaning last day of work. Tiis Astrid!



"Eto na! Nakaalis na ako!" Tarantang sabi ko sa kausap ko sa phone.


"20 minutes na akong nandito!" Binaba ko na ang tawag dahil paniguradong susumbatan niya lang ako.



Ni hindi ko na nagawang ayusin ang outfit ko ngayon and take note that I have a meeting after this! Naka black shirt lang ako at white pants. Kinuha ko lang rin ang pinaka una kong nakitang lightbrown blazer at Chanel classic slingback shoes and a brown Birkin. Simple lang, right?

I didn't even put make up on my face. Si Calista pa lang naman ang imimeet ko.



"Bitch, you're 30 minutes late!" She frustratingly said.


"No, you're just 30 minutes early." I murmured while taking a seat. Masama pa naman sayangin oras ni Cali! I'm really dead.


"I heard that, Astrid Luna." Umirap siya. I smiled at her and made a peace sign. Hindi naman ako matitiis niyan!


"Anyway, I thought you're in Batangas. Why are you here?" I asked. Ininom ko nalang ang tea sa aking harap dahil may kaunting hangover pa ako from yesterday.


"Something happened sa bahay." Sabi niya at nagiwas ng tingin. Nagkibit balikat nalang ako at kinuha ang inabot niya sa aking envelope.

"Reed Financial Bank." I read. Masyado itong importante kaya hindi ko na ikakalat rito at sa bahay ko nalang babasahin.


"Are you sure about this, Luna?"


"I am more than sure." This will not only benefit me but a lot of people.


"Bakit nga pala ikaw ang nandito?" Lito kong tanong habang hinahanda ang inorder kong meal.


"Something happened." Pag-uulit niya. Tumango nalang ako at nagsimula nang kumain. I know my friend, if she doesn't want to talk about it then we won't. Pero nandito lang kami kapag kailangan niya ng tulong.


"I better go, Luna. Sumaglit lang ako rito. Just call me if you need alak!" Sigaw niya at sinara na ang bintana ng kanyang sasakyan. I laughed. Kawawa naman yung atay ko!







Dahil nga sunod sunod ang projects ko ay wala na akong panahon para lumiban sa trabaho. Bago ako bumaba ng sasakyan ay naglagay na muna ako ng make up. I want to lool presentable dahil may meeting mamayang 3pm at ala una na.



I was busy scanning my documents when my secretary knocked on my door.







"What is it?" I asked. Mukha naman siyang kinakabahan kaya inulit ko ang aking tanong.


"Yna, what's wrong?" Lumunok muna siya bago magsalita.


"A-architect ano kasi, yung head ng engineer department inadjust yung meeting." She nervously said. Tumaas ang kilay ko.


"When?"


"N-ngayon na po." Medyo nagulat ako at tinignan ang aking relo.


"Ala una pa lang! We still have two hours before the scheduled meeting! Anong rason niya!?" Kaya naman pala siya hindi mapakali dahil alam niyang magagalit ako.





That freaking guy! He knows I always follow my sched at dapat nasusunod iyon dahil kapag may nabago ay lahat damay! Well, except kanina. Pati na rin sa site visit, sa dinner na rin pala. I think sa lahat? Hehe





"I'm sorry, Architect. Pero urgent raw po." I sighed. Wala akong nagawa kundi ayusin ang gamit at maglakad papunta sa conference room.



Pinatawag ko na rin ang aking team para sa project na 'to. This is for a vip client. He wants to build a mansion in Cebu. If you think about it mansyon lang ang itatayo pero kung kilalang senator ang kliyente ay hindi mo ito matatawag na 'lang'.



"What's this urgent meeting all about?" I coldy asked. Napaiwas naman ng tingin ang mga nasa loob.


"May k-kailangan pa po kasing gawin si Engineer." I scoffed. Nakita ko naman na tumaas ang kilay ng bagong dating na si Aiden sa akin.


"Hindi naman ata tama na babaguhin mo ang nakatakdang oras nang dahil lang may kailangan ka pang gawin, Engineer. All of us have a heavy workload kaya isipin mo rin ang iba." Matigas kong sabi habang nakatitig sakanyang mata.


"Let's proceed." He boredly said. I was stunned. Walang kwenta ang pagkakaupo ko sa kabisera na 'to kung babastusin niya lang ako!



Galit ba siya sa nangyari kagabi? Probably yes. Amazing talaga!




Si Architect Cornago ang magprepresent. Kuya Ali isn't here kundi ang kanang kamay niya lang kaya ako ang inatasang maupo sa CEO's chair.




While she's preparing, I noticed how she's wearing a tight skirt and a fitted top. Tinignan ko si Aiden, nakita ko namang nakatingin rin siya kay Claire. I think he likes her outfit. Gusto niya ata makakita ng pwet eh!





Kung hindi lang sana ako na-late ng gising ngayon ay maganda sana ang nasuot ko! Argh!





My mind was interrupted by the dimming of the lights. Uminom ako ng kaunting tubig para makapag-focus ulit. She started introducing her ideas until one thing caught my attention.




"You like the shock value?" I asked. Napatingin sa akin ang lahat. Tinaasan ko sila ng kilay.


"Yes, Architect. Magandang response 'to for our side. Nakakadagdag positive feedbacks pa." Taas noo niyang sabi.


"Aanhin ng senator ang bowling alley? I think you forgot the difference between the needs and wants, Architect." I stated. This is the multi millionare senator we're talking about!





Matanda na iyon at matanda na rin ang anak! Sayang ang lupang sasakupin ng sinasabi niyang bowling alley kung pwede pa naman ito mas mapakinabangan.





"Architect Grimaldi, she wouldn't be one of the senior architects here if she isn't doing her job right. Anong mali sa bowling alley?" Aiden asked. Napairap ako.


"You wouldn't be the head engineer if you aren't doing your job right as well. That bowling alley you're talking about is just a waste of money and space." Napailing iling ako. Sumang ayon naman ang iba sa akin.


"If my house would have a bowling alley, I will be excited! In fact, saan pa natin mailalagay ang ating pera? Might as well put up my own bowling alley." Nakakarindi! Edi siya na mayaman, bumili na rin sana siya ng manners!


"I wouldn't want a bowling alley in my case. That's not what you call a home anymore!" Sabi ko pabalik. Walang nagawa ang iba kundi sumang-ayon sa akin.


"Alright, no bowling alley for us." He whispered. Tumikhim ako at napainom ulit ng tubig.



"Any better suggestions?" Tanong niya sa lahat.



"Gawin mo akong suggestions." Bulong ko. Saglit siyang napatingin sa akin at napa-ngisi ngunit nawala rin. My lips rose up in amusement.

Fireflies In My Heart (Blueprint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon