Chapter 23

96 4 0
                                    

Chapter 23


"Hello, Luna? Anong oras alis mo? Ngayon na talaga!?" I rolled my eyes at Javi's oa reaction over the phone.


"Ang kulit, yes nga! Ang arte neto!" I said. I am done checking my things. Mukhang wala na naman akong nakalimutan pa. Kaya sinarado ko na ang aking luggage.


"Are y-you ready to face them?" Javi asked.


"Bakit naman sila nasali sa usapan? I have moved on and you know that." Isa si Javi sa mga taong nakasama ko rito sa Spain. Along with Adela. Sina Jax at Cali naman masyadong kina-career ang pagyo-yolo kaya ilang beses bumibisita samin rito sa Espanya at nagaaksaya ng pera.


"Fine. Ingatan mo ang sarili mo doon. I will be home after a week." Ani naman niya. Our mission here is done, kaya lahat rin kami magsisi-uwi na. I did my masterals here and at the same time earned my hours, working in our company dito sa Spain.


"Noted, Javi. See you soon! I really gotta go. Bye." I said before ending the call.


I scanned the whole house. I will definitely miss Spain. Hindi rin biro ang pagtira ko dito. It was hard to adjust lalo na dahil mayroong language barrier. It was also hard to study and cooperate with my classmates because we were obviously in a new environment tapos idagdag mo pa ang pinagdaraanan ko noon.



Everynight my thoughts weighed heavily on my heart. Pero pipilitin ko parin ang sarili ko bumangon. It had been a cycle. All the pain, the frustation, and heartbreak. I can truthfully say that I have survived it all.



It's really during those toughest times in your life where you'll learn and be able to swim through all your problems just to save yourself from drowning. Kasi wala ka namang ibang aasahan kundi ang sarili mo. The best thing you can do is to keep going.



I just landed in the Philippines. Finally, after four years of keeping myself busy. Ito na yung oras para harapin ang realidad. I was meant to be here anyway.



"Kuya Ali! Kanina pa ako nandito sa airport, my gosh! Ang dami ko pang dala." I complained.


"Kanina, mga five minutes ago? Huwag ako, Luna!" Napairap nanaman ako sa sinabi niya. Kung nasa harap ko lang siya ngayon, babatukan ko na yun!


"May balak ka pa bang sunduin ako ha?" I am wearing cardigan for freak's sake! Ang init.


"Ipinasundo na kita sa driver ko. My time is expensive. Busy ako." Tignan mo 'to! Sariling kapatid hindi masundo sa airport kahit thirty minutes away lang from our main branch!


"Kaya ka tumatandang single eh! Puro ka trabaho." Sabi ko at umiiling-iling kahit hindi naman niya ako nakikita.


"Sinong may sabi? Don't underestimate me, my dear sister."


"HOLY!?" Medyo napalakas ata ang sigaw ko kaya nagtinginan sakin ang ibang tao. I lowered my head in embarrassment.


"Water." Boring niyang sabi.


"You need to introduce me to that woman! Hindi mo naman siya siguro ginayuma no? Baka desperado kana kasi talaga eh." Worried rin ako! Kawawa naman yung girl. I hope she's amazing though.


"Ako ang desperado o ikaw? Tsk. Umuwi kana lang! Your driver is probably there. Audi ang dala." K. Binaba na rin niya ang telepono pagkatapos niyang sabihin iyon. Who says I'm desperate?


Sa dinami daming naging flings ko sa Spain, hindi ako lugi no! Medyo autumn nga lang. In other words, kiss lang walang sex.



Nakita ko naman ang black Audi namin na pumara sa harap ko. Lumabas ang driver at bigla nalang binuhat ang mga bagahe ko at inilagay sa loob. Tinaas ko ang aking kilay, paano niya ako nakilala agad?


Fireflies In My Heart (Blueprint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon