Chapter 3

167 3 0
                                    

Chapter 3




Iniintay lang ako makapasok ni Aiden sa bahay. Habang naglalakad papunta sa aming malaking gate, hindi ko maiwasan na lingunin siya. There he is, naka sandal sa kanyang sasakyan. Ang lakas ng dating.





Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya napahigpit ang hawak ko sa towel na bigay niya. What are you doing to me, Aiden?





I was drunk by my thoughts. Until I heard, loud noises coming from our estancia. Ang masaya kong mukha ay bigla ring napawi dahil pagdating ko ay nakita ko si Mommy na nagwawala.





Nanaman.





Broken glasses everywhere. Mga alak na natapon. Ang layo ng itsura sa maayos naming estancia! Hindi mapigilan ng mga kasambahay ang pagaaway ni Mom and Dad. It's not new to us anyway.





They're fighting almost everyday. Tinignan ko si Dad. Nakikita kong pagod na ang kanyang mga mata. Mom started to be like this since mawala si Abuela.





My Mom is very workaholic. She's a bit depressed because our grandmother was once an asset. Nang namatay si Abuela ay may isang major investor ang nagback-out.





Kaya medyo nagkaproblema sa kompanya.
Kinailangan lang namin magbawas ng empleyado. But all in all it's doing fine. Iniintindi nalang namin ang mommy dahil baka nalulungkot parin sa pagkawala ng aming lola.





My Mom's name is Priscilla Hope. But right now, I can't see hope in her. Ang tagal narin kasi. She's been drinking and smoking. Imbis na pagtuunan lalo ang kompanya ay wala naman siyang ginagawa. Unbelievable.





Even our Dad can't stop her. Pero mahal na mahal niya si Mom at lagi niya itong tinitiis. To the point na sarili niyang mga anak ay hindi niya mapagtanggol sa galit ng aming nanay. That's why Leila, my younger sister is still caged.





Hindi ko na ata kaya pang lagpasan ang nangyayari rito sa aking harapan. It's just too much. After what happened today at ito ang madadatnan ko?





I've decided to go ahead. Pumunta ako sa helpers quarter at hinanap si Mang Nestor at nagpahatid sa condo.





"Ayos ka lang ho ba, Ma'am?"





"Okay lang po ako, Mang Nestor. Pero pwede ba tayong dumaan kahit dyan sa drive thru? Hindi pa kasi ako kumakain." Mabilis naman niya akong sinunod. Ang daming nangyari ngayon. Nalipasan na ako ng gutom ngunit pipilitin ko padin kumain. Naalala ko na wala pala akong matinong kain ngayong araw. Dahil minadali ko lang rin ang pagkain kaninang lunch.





I am now here sa elevator. I looked at my wrist watch. It's eleven in the evening. Ang bagal ng mga hakbang ko. Nahihilo narin ang aking mga mata. Dire-diretso lang akong pumasok sa aking kwarto. Hindi ko na magawang maligo dahil sa pagod.





All I want to do now is rest.





I was awakened by the sudden urge to puke. Bumangon ako at halos madapa pa sa bilis ng takbo papuntang bathroom. After that horrible matter, I instantly felt my head throbbing. Tinignan ko ang labas at nakitang tirik na ang araw.





Second day namin ngayon hindi ako pwedeng umabsent. Dahil ngayon namin mamimeet ang ibang prof. But I can't manage to even stand up and think straight!





Pinatay ko ang aircon at bumalik sa kama pagkatapos kong magtooth brush. Itetext ko nalang si Adela na may sakit ako. Ipinapanalangin ko nalang na wala munang lecture mamaya.





Fireflies In My Heart (Blueprint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon