Chapter 25

91 3 0
                                    

Chapter 25

Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang maramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Aiden sa aking bewang. What is he doing? Nakita ko naman si Emmanuel na lumaki ang mata dahil sa pagdating ni Aiden.

"E-engineer Morgan! It's nice to finally meet you." Naglahad siya ng kamay ngunit tinignan lamang ito ni Aiden.

"Are you done talking? If you'll excuse us." Aiden said. I looked at him with confusion.

"Ah y-yes! Yes! I'll go.." Sabi naman niya. Nalilito pa siya pero in the end nauna na siyang lumabas ng conference room.

"What the heck is your problem!?" Inis kong hinarap si Aiden pero hindi niya ako pinansin. Sabay kaming napalingon ni Aiden sa babaeng lumapit sa amin, or more like, sakanya.

"Thank you, S-sir Aiden." Architect Cornago said. Wow, is this deja vu? Almighty Aiden nga naman.



Aalis na sana ako pero hinawakan ni Aiden ang aking kamay. Muntikan na akong magpapadyak sa inis! Napatingin naman si Architect sa kamay naming dalawa. Gosh! Aiden's making it awkward.




"No problem. If you need my help, just go to my office." Ngumiti pa siya. Mukhang nagdiwang naman ang babae dahil halatang kinikilig sa sinabi ni Aiden. Napataas ang kilay ko.

I look around the room. Kami nalang ang natitira dito! I rolled my eyes in annoyance. Kailangan bang intayin ko pa sila matapos mag-usap!? Tsk.




"Tapos kana?" Sarcastic kong tanong. Umiling-iling lang siya at hinatak ako paalis. Ang hilig talaga niya manghatak!

"Why are you talking to that Emmanuel?" Inis niyang sabi. I stopped and crossed my arms.

"Ano bang pake mo? It's not like I talked to him first!" I don't want to assume pero is he jealous? Sa matanda pa talaga? Okay, shut up brain.

"Stay away from that man, Architect." I scoffed. Wow, architect? Masyado naman ata siyang pormal.

"Anong pinaglalaban mo? Bakit hindi ka nalang pumunta sa office mo at paniguradong may babaeng nag-iintay sayo doon." I said. Naningkit ang mga mata ko pero hindi siya nagpatinag at nakipagtitigan rin.

"Sino? E, nandito ka naman." He smirked. I was taken aback! Hindi ako makatingin ng maayos sakanya, ang galing niya talagang magpaikot. He's up here messing with my heart again.





Dali-dali naman akong umalis at nilagpasan nalang siya. Nakita ko pa sa peripheral vision ko ang kanyang simpleng pag-ngiti. Malala kana, Aiden James!





"Aarrgghhh!" Napasabunot na ako sa aking ulo dahil sa frustration. Magfo-four pm na at hanggang ngayon hindi ko matapos ang design na ginagawa ko.

Ni hindi na rin ako nakapag-lunch! Wala talagang pumapasok na maganda sa isip ko simula kaninang umaga! Idagdag mo pa si Aiden! Nakakainis! Nakarinig naman ako ng katok.

"Ang sabi ko huwag ka muna magpapasok diba?" Inis kong sabi sa secretary ko. Pero ang naabutan ko ay si Kuya Ali na takang nakatingin sakin.

"Are you okay?" He said as he sit on my sofa.

"Obviously, not!" Uminom ako ng tubig para ikalma ang sarili ko.

"Okay, chill! Bakit hindi ka pa kumakain?" Sabi niya at napatingin sa tray ng pagkain na hindi ko pa nagagalaw.

"Sayo nalang." Walang gana kong sabi. Napailing iling siya sa inaakto ko.

"Well, I'm just here to talk about the mall project from earlier. Ikaw na ang maghandle." Napabangon ako sa aking swivel chair at gulat na napatingin sakanya.

"What!? Bakit ako?" Ang dami ko pang ibang hawak. I have the amusement park, museum, at condo!

"Bakit hindi ikaw? Your ideas at the meeting were quite impressive. Ni hindi napansin ng board ang complications sa gawa niya." I shrugged. There's too much on my plate.

"What do you mean, board? Dahil ba sa Emmanuel na iyon? Do you have any idea why he was there, Kuya? Hindi naman siya member ng board." Bumuntong hininga siya bago ako sinagot.

"Proxy daw ni Mommy."

"Proxy!? Are you kidding me? Bakit siya pa? Ang amazing talaga." Wala akong masabi. There's her secretary to attend the meeting!

"Do I look like I'm joking? Tss." Umirap ako.

"Think about my offer, Luna." Sabi niya bago umalis.




I give up. Inayos ko na ang mga gamit ko dahil wala talagang pumapasok sa utak kong matino. It's almost five pm kaya sakto lang din kung ngayon na ako maga-out. I'll stay at my condo for tonight nalang.




Paglabas ko ng aking office ay nadatnan ko ka agad ang masamang tingin sa akin ni Architect Cornago. Should I really accept the offer? Baka dumami lalo ang haters ko!





Bigla namang tumigil ang elevator sa 25th floor. Madaming pumasok na mga empleyado kasama na roon si Aiden! Tsk. Siniksik ko ang sarili ko sa gilid para makalayo sa kanya.

Hindi pa ata nakakarating ng ground floor ay naglabasan na lahat at kami nalang ang natira! Nanaman.





"What the heck are you doing?" Tanong niya sakin. Hindi ko siya pinansin at inirapan na lang tsaka umayos ng tayo. Bakit ba ang bagal ng elevator na 'to? Parang gusto ko mag-teleport bigla!

"Mukha kang tanga dyan. Are you seriously okay?" Medyo ouch ha.

"Concern ka ba talaga o iniinsulto mo ako?" I hissed.

"Ikaw bahala." He shrugged. Nakakabanas talaga! Gusto ko na magpakain sa lupa!

"I thought you don't talk to strangers?" Pagbabalik ko ng tanong. Inismiran niya lang ako.

"Yes, but ex-flings tayo diba?" I scoffed. Nasaktan ba siya sa sinabi ko na iyon sa bar? It's not like he didn't took me for granted!

Hindi naman ako makasagot. Sinamaan ko siya ng tingin. Natigil ang titigan namin nang bumakas na ang elevator. Revealing Javi! Nakita ko pa ang pumasok na si Emmanuel sa elevator. Gulat akong tumakbo papunta kay Javi at niyakap siya.





"You're here! Bakit hindi ka man lang nagsabi? Nasundo sana kita!" Excited kong tanong. I saw Aiden standing beside me at simpleng nakatingin kay Javi habang nakapamulsa. Bakit nandito pa siya?

"Edi hindi na surprise yun?" Alanganing ngumiti si Javi at napakamot pa sa ulo. I rolled my eyes.

"Kailan ka dumating? Let's eat dinner!" Yaya ko naman. Isinukbit ko ang aking kamay sa kanyang braso para makaalis na kami.

"Sure, tara na! My treat. Saan mo gusto kumain? Do you want seafood?" Javier said. May tumikhim sa gilid namin kaya sabay kaming napatingin kay Aiden.

"Architect Grimaldi, don't forget the design for the museum. It's due tomorrow." Sabi ni Aiden at biglang naglakad paalis.

What the freak!? Ang alam ko ay sa susunod na linggo pa iyon kaya hindi ko pa siya nasisimulan! I'm literally panicking! Nahihiya akong tumingin kay Javi.

"I'm so sorry, Javi! Next time nalang! Tatapusin ko lang yung sketch. Sorry talaga." I sighed. Tumango tango naman siya at sinabing ayos lang. Onti nalang iisipin kong sinadya ni Aiden iyon eh!

____________________________

{Author's Note: From Elizabeth to Celestine Morgan. Pinalitan ko po ang pangalan ng nanay nila Aiden.}

{Author's Note: I will combine two chapters when I finish the book because my target is only 40 chapters.}

Fireflies In My Heart (Blueprint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon