Chapter 27

103 3 0
                                    

Chapter 27

Nagaayos na ako ngayon dahil Javi's taking me out for lunch. It's Saturday kaya walang pasok so madaming time.

I chose to wear a simple white puffed sleeves dress tsaka Hermes sandals. I looked at my wrist watch, mageeleven na. Buti nalang malapit lang yung kakainan namin sa condo ko.

I saw him waving his hand kaya madali ko na siyang nahanap.

"Hello!" Bati ko sakanya at nakipagbeso bago maupo. "Hi! I ordered food for us already." He said.

"Sorry talaga ngayon lang ako um-oo. I've been busy with a lot of projects. Buti nga nasisingit ko pa ang pag-kain." I sighed.

"What the heck, Luna! Ayos lang 'no. Everything's good." Pag-aassure niya sa akin.

Natigil sandali ang paguusap namin nang dumating na ang mga pagkain. He ordered shrimp alfredo pasta for me. Tatanggalin ko nalang yung hipon.

"Naalala mo ba noong iyak ka ng iyak sa Spain?! Dahil nas-stress kana sa mga ex flings mong espasol!" Nagtawanan naman kami.

"E, nung gumawa pa ng gc yung mga ex mong baliw sayo!? That was the most epic!" Yeah, I remember. I chuckled, nandito parin yung gc na yun! They were really into it. We couldn't stop laughing while reminiscing our times abroad.

"She doesn't eat shrimp." Muntikan na ako mapatalon sa gulat. We were interrupted by a voice beside us. I looked at him, and it was Aiden. Napataas ang kilay ko.

"Allergic si Luna dyan." Sabi niya at kusang umupo sa tabi kong upuan.

"S-sorry bro, hindi ko alam." Nalilitong sabi ni Javi. Bakit ba nandito si Aiden? Tinignan ko siya at tinaasan niya lang ako ng kilay.

Sakto namang tumunog ang cellphone ni Javi, na mabilis niyang dinampot. He eyed me weirdly.

"Go on, take that call. I'll be fine here." I said, assuring him. Ngumiti naman siya pero pagtingin kay Aiden ay sumimangot uli. He got up at lumayo para sagutin ang call.

"What the hell are you doing here!?" Inis akong humarap sakanya. He's too close to me right now.

"Gc, really? So lame." He said while wearing a playful smirk.

"Eavesdropping, really? So rude." Nawala ang kanyang ngiti sa sinabi ko. I think I hit a nerve.


Napansin kong nakapang-gym siya ngayon. Probably he was working out at the gym beside this cafe. Tss. Naiilang ako sa mga tingin niya. Nagulat naman ako nang kuhanin niya ang tinidor sa aking kamay at nagsubo ng pasta! Wow!

"Hoy! Nalawayan ko na yan!" Inagawan pa ako ng pagkain?

"Come on, Luna. It's not like we haven't kissed before." Pinanlakihan ko siya ng mata. Napatingin ako sa aming gilid dahil baka may nakarinig. Ang sarap talaga tirisin ni Aiden James!

"Wala ka bang pambili?! At bakit ka umupo dito? Papansin ka ba?" I hissed. Hindi niya ako masagot dahil biglang dumating si Javi. Nagpaalam ka agad at naglapag ng bill dahil may emergency daw.

"So I'm stuck with you." I said to Aiden. Nginisian niya lang ako.

"Ex bonding, ayaw mo nun?" Walang kwentang sabi niya. Tumayo ako at inayos ang aking suot na dress. Nakita ko namang napatingin si Aiden sa aking legs. This jerk!

"Witwiw."

"Fuck off." Iniwan ko na siya doon at pumunta sa aking sasakyan. Just great, ni hindi man lang ako nakakain ng maayos. Bakit ba bigla nalang sumusulpot yon!

Fireflies In My Heart (Blueprint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon