Chapter V

81 6 0
                                    

Kakatapos lang namin mag-rehearsal at ngayon naman ay iinterviewhin daw kami lalo na may bagong member ang Purple at syempre ipapakilala nila na ako ang bagong member ng Purple na yon.

d-.-b

Mamaya nila kami iinterviewhin dahil may iniinterview pang iba bago kami.

Katabi ko si Minho.

"Kuya Heiden?"Rinig kong tawag sakin ni Minho. Napalingon naman ako sa kanya.

"Bakit?"

"Hindi mo pa pala ako kilala pero magpapakilala muna ako para naman friends na tayo"Nakangiti niyang sagot.

"Sige, magpakilala ka na"

"Ahm Minho Joon nga po pala... Pinaka-bata sa lahat. Pure Korean ako at friendly din hehe"Pakilala naman niya sa tono na parang nahihiya.

"Kapatid mo si Wolf?"Tanong ko.

Nabigla naman siya dahil sa tanong ko na yon.

"Hala hindi kuya ah! Pero teka kilala mo si Wolf?"Sagot niya at tanong.

Napaupo naman ako ng maayos.

Anong sasabihin ko? Eh tinanong ko lang naman yun kay Yuna dahil die hard fan siya ni Ri.

"Ah eh narinig ko lang"Sagot ko na lang.

"Ahh... Pero alam mo ba kuya Heiden hindi kami close ni Ri"Biglang sabi ni Minho.

"Bakit naman?"

"Wag ka lang maingay ah pero kasi gusto niya siyang laging nasusunod"Sagot ni Minho.

"Bakit? Leader ba siya?"Tanong ko.

"Opo, pero siguro kung kayo ang naging leader namin mas masaya kasi madalas KJ yun eh tsk"Sagot ulit ni Minho.

Napabuntong na lang ako.

"Hayaan mo na lang siya basta ikaw mag-enjoy ka na lang at pasayahin mo yung mga fans mo"Sabi ko na lang saka ko tinapik-tapik yung balikat niya.

"Opo... thank you, kuya Heiden"Sagot ni Minho sabay ngiti kaya naman ngumiti na lang din ako.

Bigla ko naman naalala si Yuna... Mukhang mali ata siya ng inidolo dahil iba pala ugali ni Wolf pero wala pa rin akong karapatan manghusga lalo na hindi ko pa naman siya lubusang kilala.

"Boys! Halika na, kayo na ang iinterviewhin!"Tawag sa amin ni Yuri.

Tumayo na kami saka sumunod kay Yuri.

"Good afternoon, Purple boys! So nagkita-kita ulit tayo"Nakangiting bati nung babae.

Ngumiti lang naman yung mga kasama ko.

Mukhang hindi sila interesado ah.

Awkward tuloy!

d>>__<<b

Nagulat naman ako ng biglang napatingin sakin yung babae.

"Hi pogi? Ikaw ba ang bagong member ng Purple?"Nakangiting bati at tanong nung babae.

I'm her lover (SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon