EPILOGUE

98 6 2
                                    

HEIDEN'S POV

"Heiden! Buksan mo 'tong pinto!"

Naalimpungatan naman ako dahil sa sobrang lakas ng kalabog na yun sa may pintuan ng kwarto ko.

Agad naman ako bumangon dahil kilala ko yung boses na yun. Si Troy!

Pinagbuksan ko naman siya ng pintuan.

"Bakit ba ang lakas mong kumatok——"Hindi ko naman natapos yung sasabihin ko ng bigla niya akong hinawakan sa dalawang balikat habang nakatingin sakin ng deretso.

"Si Athena!"Malakas na sabi ni Troy. Bigla naman kumunot noo ko.

"B-bakit? Anong nangyari kay Athena?"Tanong ko habang nakakunot noo pa rin.

"Aalis na siya!"Agad na sagot ni Troy.

Bigla naman lumaki yung mga mata ko dahil bigla kong naalala na ngayong araw na pala aalis si Athena papuntang America dahil doon na sila titira nung Mama niya.

"Maligo ka agad! Baka maabutan mo pa siya sa Airport! 3pm yung flight nila eh 2:15pm na! Dalian mo baka maabutan mo pa siya"Patuloy na sabi ni Troy. "Nasa baba si Zac, siya magda-drive para makaabot tayo ng Airport"Dagdag na sabi pa ni Troy.

"Sige, antayin mo ako!"Mabilis na sagot ko at agad akong kumaripas ng takbo patungong C.R para agad na maligo.

Pagkatapos ko naman maligo ay agad kaming umalis ng bahay para pumunta ng Airport.

Mabilis naman pinaharurot ni Zac yung kotse habang si Troy naman natataranta, samantalang ako naman hindi ko alam ang gagawin ko dahil isa din akong natataranta sa nangyayari.

"Sana maabutan pa natin si Athena!"Sabi ni Troy.

Napansin ko naman na mukhang malapit na kami sa Airport kaso bigla pang nag-traffic.

Napatingin naman ako sa phone ko para icheck yung oras. 2:35pm na!

Ang bilis ng oras!

Mabilis naman sana kami makakarating sa Airport dahil sobrang bilis mag-drive ni Zac saka muntikan pa nga kaming makasagasa ng pusa sa sobrang bilis niyang magpatakbo.

d>>__<<b

"Maabutan pa natin siya kaso na-traffic pa. Takbuhin mo na lang Heiden"Biglang sagot ni Zac.

Nagkatinginan naman kami ni Troy.

"Tama si Zac! Para maabutan mo pa siya. Malapit naman na yung Airport dito eh"-Troy

Napantango ako dahil sa sinabi ni Troy kaya naman agad akong lumabas ng kotse at tumakbo ng tumakbo para makarating agad ng Airport.

Kahit hingal na hingal na ako sige pa rin ako sa pagtakbo para maabutan ko lang si Athena.

Konting tiis na lang! Sobrang lapit ko na at makakarating na din ako sa Airport.

Sana maabutan ko pa siya!

Mayamaya pa ay nandito na rin ako sa may Airport at akmang papasok na sana ako sa loob ng bigla naman akong hinarang nung Guard.

"Sir, Passport mo po?"Tanong sakin nung Guard.

Napapikit naman ako dahil wala ako dalang Passport.

"Ahm kailangan ko makita yung girlfriend ko"

"Pero po sir, bawal kayong pumasok ng walang pinapakitang Passport"

Napapikit na lang ulit ako pero may naisip akong paraan para makapasok sa loob.

Minulat ko naman yung mata ko saka sabay na napahinga ng malalim.

I'm her lover (SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon