Chapter XI

69 4 0
                                    

"Nakausap ko si Yuri at sinabi niyang magdu-duet daw kayong dalawa sa halip na si Alaina ang makaka-duet mo Heiden, tama ba?"Seryosong tanong ni Mr Lee.

Hindi naman kami sumagot ni Wolf habang nakaupo lang kaming dalawa habang magkaharap.

Bigla naman ako napaisip... Bakit kaya gusto niya akong maka-duet kung ayaw naman niyang maka-duet ko si Athena? Dahil ba magseselos siya?

Hays! Iba din talaga utak ng gunggong na yon!

d>>___<<b

"Okay, kayo ng bahalang magsabi kay Yuri kung anong kanta ang kakantahin niyo bukas. Sige na, umuwi na kayong dalawa para makapaghanda kayo bukas sa performance niyo. Good luck!"Dagdag na sabi ni Mr Lee.

Napatango na lang kamin dalawa ni Wolf saka tumayo at umalis ng office ni Mr Lee.

Hindi naman ulit kami nagpapansinan ni Wolf dahil kahit kailan hindi ko naman siya pinapansin. Siya lang 'to masyadong papansin.

d-.-b

Bigla naman ako sinalubong ni Minho.

"Kuya Heiden? Uuwi na ba tayo? Sabay na tayo——"Hindi naman natapos ni Minho yung sasabihin niya ng biglang sumabat si Wolf.

"Sakin ka na sumabay..."Seryosong sabi ni Wolf.

Tumingin naman sa kanya si Minho.

"Hindi na"Agad na sagot ni Minho. Bigla naman kumunot noo ni Wolf.

"Bakit hindi?"Seryosong tanong niya habang nakakunot noo pa rin.

"Never naman kasi akong sumabay sayo at sainyo"Agad na sagot ulit ni Minho. "Tara na, Kuya Heiden"Hinila agad ako ni Minho hanggang sa tuluyan na kaming nakalayo kay Wolf.

Sumakay naman na kaming dalawa ni Minho ng elevator.

"Alam mo, kunwari lang yon na gusto niya akong isabay pero kahit kailan hindi ako sinasabay non dahil si Ate Athena lang naghahatid sakin"Biglang rinig kong sabi ni Minho.

Alam ko naman na nagpapakitang tao lang talaga yung Wolf na yon para masabing mabuti siya. Pwe!

d>>__<<b

Hays! Kawawa talaga si Yuna pero buti na lang nakipag-break yung gunggong na Wolf na yon dahil una sa lahat hindi naman deserve ni Yuna ang masaktan.

"Siguro ganun na talaga ugali niya na nagpapakitang tao lang siya para masabi ng mga uto-uto niyang fans na mabait siya kahit ubod naman ng yabang tsk! Saka nakita mo naman kanina na kinuwelyuhan niya ako kahit wala naman akong ginagawang masama!"Sagot ko kay Minho habang may halong inis dahil sa Wolf a.k.a Hyu-Ri na yon! Bigla naman siyang tumingin sakin.

"Tama ka, Kuya Heiden. Ahm Oo nakita ko nga yon kanina..."

"Nakita mo pala eh! Bakit hindi mo ako tinulungan?"Kunot noo kong tanong.

Bigla naman siyang napakamot sa batok niya. "Natakot kasi ako ih"Sagot naman niya.

Napapikit na lang ako dahil hindi lang siya basta isip bata kundi isa din siyang duwag!

I'm her lover (SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon