Chapter XXXI

62 5 1
                                    

ATHENA'S POV

6 Months Later...

"Nak, aalis ka ba ngayon?"Tanong ni Mama.

Napatingin naman ako kay Mama.

"Opo, may pupuntahan po kami ni Heiden"Agad na sagot ko.

Napatango-tango naman si Mama saka na siya umiwas sakin. Nagpatuloy naman ako sa ginagawa ko. Nagtitiklop kasi ako ng mga damit ko dito sa may salas habang si Mama naman inaayos niya yung gamit niyang nasa bag.

"Saan po pala kayo pupunta?"Tanong ko.

Tumingin naman si Mama sakin.

"May lalakarin lang akong mga papeles"Sagot ni Mama.

"Ahh"

"Alis na ako"Paalam ni Mama.

"Sige po, ingat ka, Ma"

Umalis naman na si Mama kaya ako na lang naiwan sa bahay. Tinapos ko lang tiklopin yung mga damit ko pagtapos 'non ay naligo na rin ako.

After ko naman maligo ay nagbihis na ako atsaka umalis ng bahay. Nagkita naman kami ni Heiden sa may Mall pero syempre doon na rin kami kumain ng lunch.

"Gusto mo bang manood ng sine pagkatapos natin kumain?"Biglang tanong ni Heiden.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Ano naman papanoorin natin?"Tanong ko.

Napaisip naman siya bigla tapos saka siya tumingin sakin.

"Ikaw ba? Gusto mo ba ng horror, comedy, action or love story?"Tanong niya rin.

Napaisip din ako sa sinabi ni Heiden. Ano bang magandang panoorin?

"Ano bang maganda panoorin?"Taka kong tanong.

"Horror"Agad na sagot ni Heiden.

Napanganga naman ako.

"S-sure ka? Diba takot ka sa dilim?"

Bigla naman siyang natawa dahil sa sinabi ko.

"Sinong nagsabing takot ako sa dilim? Atsaka palabas lang naman yun"Natatawang tanong at sagot ni Heiden.

"Ah basta takot ka sa dilim"Pang-aasar na sabi ko naman sa kanya.

"Hayyy.. Tapusin na nga nating kumain para makanood na tayo ng sine"Buntong na sabi na lang ni Heiden.

So ayun na nga tinapos na lang namin kainin yung pagkain pagkatapos 'non ay nanood na kami ng sine.

Nanonood naman kami ng sine ni Heiden at yung pinapanood namin ay yung Anabelle. Natatawa nga ako kay Heiden dahil nakayakap siya sakin habang nanonood tapos pag may nakakagulat na part dun sa palabas na Anabelle saka siya pipikit at tumitili kasabay nung mga babaeng nagsitilian din dahil sa gulat. Haha!

"Hanubayan! Nagyaya kang manood ng nakakatakot tapos ikaw din pala 'tong takot!"Reklamo kong sabi habang natatawa.

Namumutla na kasi yung mukha ni Heiden sa takot hahaha!

I'm her lover (SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon