Chapter XVII

60 4 0
                                    


"Y-Yuna?"Sambit ko.

Nakatalikod sakin si Yuna pero naririnig kong humihikbi siya. Dahan-dahan naman siyang humarap hanggang sa matulala na lang ako dahil mugto yung mata niya.

Napatakbo naman ako papalapit sa kanya at agad ko siyang niyakap. Naramdaman ko namang niyakap niya din ako pabalik habang umiiyak pa rin siya.

"Sshh tahan na..."Pagtatahan ko sa kanya habang hinihimas ko yung likod niya.

Bigla naman siyang bumitaw sa pagkakayakap sakin saka tumingin ng deretso.

"A-alam mo bang ilan taon din akong nagpaka-tanga sa kanya tapos pagtatabuyan niya lang ako Huhuhu"Hagulgol na sabi ni Yuna.

Hindi naman ako sumagot.

Bigla ko tuloy naalala noong pinagtabuyan ko din si Athena noon dahilan para bigla siyang umalis at hindi magparamdam ng halos apat na taon.

"Narinig mo naman kanina d-diba? P-pinagtabuyan niya ako tapos p-parang iba ako sa kanya! Parang wala kaming pinagsamahan noon ah! Nakakabwesit siya! Sana hindi ko na siya nakilala noon... S-sana i-ikaw na lang yung nakilala ko"Hagulgol pang sabi ni Yuna. Natulala na lang ako sa huli niyang sinabi.

Sana ako na lang daw yung nakilala niya?

Bigla naman akong natauhan kasabay ng pagkagulat ko ng bigla akong niyakap ni Yuna. Dahan-dahan ko din siyang niyakap pabalik kaso sa hindi ko inaasahan ay bigla kong nakita si Athena.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siyang nakatingin sa amin ng seryoso.

Bigla naman bumilis ng malakas ang tibok ng puso ko.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa mag-iba yung ekspresyon ng mukha niya at napalitan yon ng lungkot.

Teka? Bakit malungkot? Diba masaya naman siya kay Hyu-Ri?

Tsk! Hindi mo ba naisip na baka nagseselos siya?

Nakakalungkot ba ang magselos? Oo! Dahil kapag nakita mo lang may ibang kasama yung taong mahal mo makakaramdam ka ng lungkot dahil iisipin niyang hindi mo siya mahal.

At nakakalungkot ang hindi ka mahal ng mahal mo! Diba?

Hays!

Tama na nga hugot Heiden! Yung isa oh mukhang nagseselos na!

Agad naman akong bumitaw sa pagkakayakap kay Yuna kaso bigla ng tumalikod si Athena.

Hays! Baka nga nagselos na yon!

"S-sorry Heiden... Nalulungkot lang kasi ako"

Napatingin naman ako bigla kay Yuna ng marinig kong sabihin niya yon.

"Ah eh okay lang... H-halika, sabay ka na lang samin"Sagot ko na lang.

Tumango na lang si Yuna at saka na kami bumalik sa loob ng hospital para sunduin yung tatlo. Hinatid na muna namin si Minho tapos umuwi na rin si Zac at Troy samantalang magkasabay naman kaming umuwi ni Yuna dahil naalala kong nasa iisang Subdivision lang pala kami nakatira.

I'm her lover (SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon