Chapter XXVI

52 5 1
                                    

"S-sino ka? Hindi kita kilala!"

Hindi ko alam yung isasagot ko... Bakit hindi niya ako kilala?

May luha naman na bumagsak sa mga mata ko kaya agad ko yun pinunasan kaso...

"Bwahahahahahahaha!"Bigla silang tumawa at ganun din si Heiden.

Anong nakakatawa?

"Bwahahahahahahaha! Grabe! Heiden, napaiyak mo si Athena!"–Troy.

"Oo nga! Baka akala niya totoo na yun ah haha!"Tawa naman sabi ni Zac.

Nagtataka naman ako dahil ang saya nila maliban sakin na hindi ko maintindihan kung bakit nila ako pinagtatawanan.

Nagulat naman ako ng biglang nagsalita si Heiden.

"Wag ka ng umiyak.. Halika nga dito"Tawag sakin ni Heiden habang tumatawa.

Napalunok naman ako at akmang hahakbang naman ng bigla silang nagpaalam lahat maliban sa amin ni Heiden.

Malamang naka-confine si Heiden tapos ako naman yung bisita niya.

d-.-b

"Sa labas lang muna kami.. Mukhang may pag-uusapan ata kayo ni Heiden"Mahinahong sabi nung Dad ni Heiden.

Hindi naman kami sumagot ni Heiden pero binigyan lang namin sila ng matamis na ngiti.

Lumabas na sila kaya naman naiwan na kaming dalawa ni Heiden.

Humakbang naman ako sa kanya atsaka ko siya ulit niyakap. Niyakap naman ako pabalik ni Heiden at ramdam na ramdam ko yug tibok ng puso niya.

Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya atsaka tumingin ng deretso sa mga mata niya.

"Bakit mo naman ako niloloko na hindi mo ako kilala ha?!"Reklamo ko sa kanya. Natawa naman siya dahil sa sinabi ko.

"Wala lang trip ko lang haha... Ahm gusto ko lang makita yung reaksyon mo"Sagot naman nya habang natatawa pa rin.

Kinurot ko naman yung pisngi niya dahilan para siya naman yung magreklamo.

"Aray! Ang sakit non ah!"Reklamo niya habang nakahawak siya sa pisngi niya.

Natawa naman ako dahil sa reaksyon niya. Ang cute niya kasi ih!

"Bakit mo kinurot pisngi ko?"Reklamo niya ulit.

Napasimangot naman ako dahil mukhang nagalit siya sa pagkurot ko ng pisngi niya.

"Ang cute mo kasi eh"Sagot ko naman habang nakanguso.

Bigla naman siyang natawa.

"Tampo ka na agad? Joke lang eh! Halika nga ulit dito"Tawag niya ulit sakin. Lumapit naman ako sa kanya kaso nagulat ako dahil bigla niyang hinila yung kamay ko dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya.

Napalunok na lang ako habang nakatingin sa mga mata niya.

Nakatingin din siya sa mga mata ko hanggang sa...

I'm her lover (SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon