Chapter I

181 6 0
                                    


       I'M HER LOVER

4 years later...

"Hey! Are you okay?"Troy's asked. Nasa bar kami para mag-inom at makalimot sa problema. Kasama din namin si Zac kaso bigla na lang siyang nawala kanina.

Saan kaya nagpunta yon?

"Feeling broken bro? Alam mo, forget her na kasi sigurado akong may iba na yun"Troy's said while laughing.

"No way! I love her"Matigas kong sabi kay Troy. Ininom ko naman yung alak na kanina ko pa iniinom.

"Whews! Lasing ka na nga..."Tawa pa ni Troy pero hindi ko na siya pinansin."Kasalanan mo din naman diba kaya siya lumayo sayo noon?"Dagdag na sabi ni Troy dahilan bigla akong napatigil sa pag-inom ng alak.

Oo, kasalanan ko nga kung bakit siya lumayo sakin noon dahil sinabi kong wag na niya akong kakausapin o lalapitan.

"Pero paano na lang kaya 'no kapag nagkita kayo bigla? So anong gagawin mo? Hihingi ka ng sorry or what?"Tanong ni Troy dahilan bigla na lang ako napabuntong.

"Hindi ko alam"Deretsong sagot ko kaso bigla siyang napahalakhak sa tawa.

"Alam mo, kung talagang mahal mo dapat noon palang pinaglaban mo na! Look... diba dapat sinabi mo na agad sa kanya noon na mahal mo siya kaso ano?! Sinabi mong si Alexa pa rin mahal mo, kaya ayun! Nang umalis na siya at bigla na lang siyang nawala at hindi nagparamdam saka ka naman maghahabol!"

Tama siya.

"Oo na! Ako naman talaga ang may mali. Pero gusto ko na siyang makita...Nami-miss ko na yung ngiti niya at nami-miss ko na rin siyang asarin. At siguro nga kapag nagkita kami yayakapin ko agad siya at hihingi ako ng tawad sa kanya saka ko ulit siya liligawan."Sagot ko naman at bigla na lang ako napayuko.

Ganun nga ang gagawin ko kapag nagkita na kami at sana mapatawad niya ako. Hindi ko naman na talaga mahal si Alexa noon kaso kinausap ako ng Mommy niya na kapag hindi ko binalikan si Alexa baka tuluyang magpakamatay anak niya. Tsk! Hindi ko naman na yon kasalanan ah!

"Tsk! Ikaw bahala...Oh ano tapos ka na ba? Tara, uwi na tayo baka umuwi na rin kasi si Zac kaya biglang nawala."Si Troy. Napaangat naman ako ng ulo saka tumingin sa kanya.

"Mauna ka na, dito lang muna ako"Sagot ko naman dahilan biglang ikinakunot ng noo niya.

"Wala kang kasama dito at saka baka mamaya pagtripan ka pa diyan"Kunot noo na sabi ni Troy pero napailing lang ako.

"Kaya ko na ang sarili ko at saka baka hindi nila kilala ang binubunggo nila tsk"Matapang na sagot ko pero biglang napangisi si Troy.

"Gunggong! Yabang nito baka mamaya mabalitaan na lang kitang na-hospital ka na. Hahaha! Sige na, mauuna na ako sayo, inaantok na rin ako, bye!"Natatawang sabi ni Troy. Nagpaalam na din siya at saka umalis.

Naiwan naman na akong mag-isa dito sa bar at wala pa akong balak umuwi ngayon. Gusto kong mag-enjoy kahit ako na lang ang mag-isang nag-eenjoy ngayon.

Habang umiinom pa rin ako ay bigla na lang ako nakaramdam ng hilo dahil na rin siguro sa lasing na ako. Iisang bote na lang ng alak ang natitira at malapit na mauubos na yun kaya nagsalin na lang ako sa baso ko at saka ako kumuha ng sigarilyo at sinindihan iyon.

Habang humihithit ako ng sigarilyo ng bigla naman may lumapit na babae sakin pero hindi ko siya pinansin kaso bigla na lang niya ako niyakap-yakap kaya napatayo agad ako at tinulak ko siya.

"Pwede bang huwag mo akong niyayakap diyan!"Sigaw ko sa babae na yon dahilan bigla siyang natakot saka sabay na umalis. Tinawag ko naman yung Waiter.

I'm her lover (SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon