Chapter XV

59 5 0
                                    


*PAAAKKKKK!*

Sinampal niya ako.

Sinampal niya ako ng sobrang lakas! Feeling ko parang matatanggal ulo ko!

dTT__TTb

"Alam mo?! Kinakausap kita ng
matino pero bakit ganyan ka sumagot ha?!"Biglang sigaw niya sakin.

Napahawak na lang ako sa pisngi ko.

"Ah eh ano bang sasabihin ko? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko"Sagot ko naman sa kanya.

"Hays! Maghanap ka na lang ng kausap mo! Peste—–"

"KUYA HEIDEN!?"

Nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Minho.

"H-huh?"

Teka? Nag-iimagine lang ba ako?

"Kanina pa kita tinatawag pero bakit hindi mo ako pinapansin? Tsk! Tulala ka na naman diyan! Hindi ka pa ba kakain? Kumakain na sila oh"–Minho

Natutulala naman akong tumingin sa mga taong nasa paligid ko. Kumakain na nga sila at ako na lang pala yung hindi pa kumakain.

Hays! Ano bang nangyayari sakin?

d>>__<<b

Nilingon ko naman si Minho.

Kumakain na siya ngayon at mukhang nag-eenjoy siya sa pagkain habang kasabay si Troy at Zac kumain.

"Oh hindi ka pa ba kakain?"Biglang tanong ni Zac.

Kay Zac naman ako napatingin.

"Ah eh kukuha na ako ng pagkain ko"Sagot ko na lang kay Zac.

Tumayo na ako para kumuha ng pagkain. Dinala ko naman yung plato ko para paglagyan ng pagkain na kukunin ko.

Habang papalapit naman ako para kumuha ng pagkain ng biglang sumigaw at magsitilian yung mga tao dahilan para mapalingon ako sa mga taong sumisigaw at nagtitilian ngayon.

Anong meron?

"H-Heiden?"

Nabigla naman ako ng biglang may tumawag sakin at pagkalingon ko halos matulala na lang ako.

"A-Alexandra?"

Ngumiti naman siya sakin.

"Long time no see hehe..."

Natutulala pa rin ako dahil ngayon ko na lang ulit siyang nakita.

"B-bakit ka pala nandito?"Tulala kong tanong.

Bigla naman siyang natawa.

"Ayos ka lang ba Heiden? Hello! reunion kaya natin kaya halos lahat ng students ng Brentwood nandito maliban na lang sa mga hindi nag-aral sa Brentwood at wala dito dahil may work sila...Ahm alam mo mas lalo kang naging gwapo ngayon haha siguro may inspirasyon ka 'no? Ay wait! Si Athena ba yun? Wow! Ang laki ng pinagbago niya mas gumanda siya ngayon but sino naman yung gwapong lalaki na kasama niya? Kapatid niya?"Sagot ni Alexa.

I'm her lover (SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon