Chapter XXIII

66 5 1
                                    

Nagising naman ako dahil sa malakas na tawanan na aking naririnig. Hindi ko alam kung nasaan ako pero feeling ko nasa panganib ang buhay ko.

Sino ba kasing humataw sakin kanina at nagdala sakin dito?! Anong kailangan nila sa akin?! Peste!

Bigla ko naman narinig yung dalawang taong nag-uusap kaya naman nakinig ako kung ano yung pinag-uusapan nila. Nakikita ko sila kasi medyo malapit lang ako sa dalawang taong yun habang nakagapos yung dalawa kong kamay at paa sa may bakal.

"Pre?! Nakausap mo na ba si boss? Sabihin mo sa kanya hawak na natin yung anak ni Mr Kim!"

"Sige! Para naman paghatian na natin yung perang makukuha natin  kay Mr Kim"

Mr Kim? So yung anak nung Mr Kim ang nakidnap? Pero bakit ako yung kinidnap nila? Ah baka akala nila ako yung anak ni Mr Kim?!

Sumigaw naman ako ng malakas dahilan biglang napatingin sakin yung dalawang lalaki na mukhang aso.

"HOY! PAKAWALAN NYO AKO DITO! HINDI AKO YUNG ANAK NUNG MR KIM NA SINASABI NYO!"Malakas na sigaw ko.

Bigla naman lumapit sakin yung lalaki habang nakangisi.

"Gising ka na pala bata! Wag mo kaming niloloko dahil hindi kami mga tanga! Diba sikat ka? Oo nga pala, kapag nakuha na namin yung perang hinihingi namin saka ka na namin papakawalan at isama mo na rin yung girlfriend mo!"Nakangising sabi nung lalaki na mukha namang aso.

d>>__<<b

Napangisi na lang din ako.

"G*go ka ba ha?! Nagkamali kayo ng kinidnap dahil hindi nga ako yung anak ni Mr Kim! Atsaka hindi ko naman kilala yung Mr Kim na yon! Pakawalan nyo na kasi ako dahil uulitin ko, hindi nga ako yun! Nagkamali lang kayo! Ako si Heiden!"Sigaw ko dun sa lalaki kaso ngumisi lang ulit siya.

"Wag ka ng magpanggap iho dahil hindi mo nga kami maloloko! Kilala ka namin dahil nga sikat ka at kaya ka samin pinakidnap ni BOSS para magkapera kami! Diba ikaw si Min-Jin?! At kung nakakalimutan mo... ako ang nag-message sayo!"Nakangising sabi pa rin niya.

Bigla naman nanlaki yung mga mata ko.

MIN-JIN?! SI HYU-RI YUN AH! Teka? Ibig sabihin si Hyu-Ri pala yung dapat nilang kikidnapin kaso ako yung nakidnap nila? Nagkamali nga sila!

"Gusto mo bang makita gerlpren mo?!"Biglang tanong nung lalaki sakin habang nakangisi.

Napalunok na lang ako.

Sinenyasan naman niya yung isa niyang kasama at nung nakalapit na yun sa kanya ay saka siya bumulong sa lalaki na yun. Pagkatapos naman niyang bulungan yung lalaki ay umalis na din ito. Pagkalipas lang ng isang minuto ay bumalik ulit yung lalaki pero biglang nanlaki yung mga mata ko dahil yung babaeng narinig ko kanina na humihingi ng tulong ay si Athena pala!

"Bitiwan nyo nga ako!"

Hawak siya nung dalawang lalaki habang may nakapiring sa mata niya. Nung malapit na siya sa akin ay saka tinanggal nung lalaki yun nakapiring sa mata niya atsaka sabay na tinulak dahilan para masubsob siya. Biglang nanlaki yung mga mata niya habang nakatingin sakin.

Agad kong napansin sa mga mata nya ang pag-aalala.

"H-Heiden?"Hindi makapaniwalang sambit niya.

I'm her lover (SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon