Chapter VII

72 4 0
                                    

"Sorry, hindi ko sinasadya"Seryosong sabi ni Athena saka sabay iwas sakin.

Tulala pa rin ako sa kanya at hindi ko inaasahang magkikita ulit kami.

Maraming tanong ang gusto kong itanong sa kanya kaso walang lumalabas sa bibig ko.

Natauhan na lang ako ng bigla akong siniko ni Minho.

"Kuya Heiden? Nakakuha ka na ba ng barbeque?"Tanong ni Minho.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Huh? Ah eh Oo meron na"Sagot ko na lang.

"Tara, ipa-ihaw na natin para makakain na tayo"Sabi ni Minho saka niya inagaw sakin yung mga nakuha kong barbeque at saka niya yon pina-ihaw.

Tumalikod na ako saka ko na lang sinundan si Minho.

"Minho?"Tawag ko.

Lumingon naman sakin si Minho.

"Bakit?"

"Nakita mo ba siya?"Tanong ko. Bigla naman nagtaka yung mukha niya.

"Sinong siya?"Takang tanong ni Minho habang nakatingin sakin ng deretso.

Napapikit na lang ako dahil hindi niya siguro napansin si Athena kanina na katabi ko habang kumukuha ng barbeque.

"Ah eh wala..."Sagot ko na lang.

Hindi na lang ako pinansin ni Minho at hinintay na lang niya maluto yung mga binili naming barbeque. Nang matapos ma-ihaw ay saka na kami naghanap ng mauupuan at nung may nahanap na kami ay saka kami umupo at nagsimulang kumain kaso nasa pangatlong row lang ng table sila Athena at Wolf.

Hindi ko naman maiwasang pagmasdan silang dalawa na sobrang sweet habang sinusubuan
siya ni Wolf ng barbeque.

"Si Ate Alaina at Wolf ba yan? Tsk! Magbe-break din yan!"

Nagulat naman ako ng bigla kong narinig si Minho kaya napatingin ako sa kanya saka sabay sabing...

"Ang bitter mo!"

Napatigil naman siya sa pagkain nung barbeque saka sabay na tumingin sakin.

"Totoo naman eh... Walang forever dahil kung totoong may forever bakit namamatay ang tao? Edi Wala ngang forever!"Sagot ni Minho.

Napapikit na lang ako dahil kahit kailan isip bata talaga 'tong isa!

d>>__<<b

"May forever kaya... Baka inggit ka lang kasi wala kang jowa!"Nang-aasar ko naman sabi sa kanya.

Bigla naman siyang napangiwi dahil sa sinabi ko.

"Never akong nainggit sa may mag-jowa 'no! Ang totoo nga support pa ako sa kanilang pagmamahalan"Sagot ni Minho sabay kagat nung barbeque.

"Weh? Eh bakit sabi mo magbe-break din sila at sabi mo pa walang forever?"Tanong ko naman.

"Hays... Hindi ako maniniwala sa forever kung sila, pero maniniwala lang ako sa forever kung kayong dalawa ni Ate Alaina ang magkakatuluyan"Sagot ulit ni Minho. Bigla naman akong kinilig dahil sa sinabi niya kaya agad akong napayuko para hindi niya mapansing kinikilig ako.

I'm her lover (SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon