Chapter XXIV

63 7 1
                                    

Nilipat na ngayon sa kwarto si Heiden atsaka nalaman ko lang din kanina sa Doctor na na-coma pala siya at hindi pa alam kung kailan siya magigising. Marami daw kasing dugo ang nawala sa kanya.

Hays! Akala ko ba stable na siya?! Pero bakit na-coma pa siya bigla dahil ba nawalan siya ng dugo?

Nandito lang ako sa may tabi niya habang hawak ko yung kamay niya. Sandaling umalis muna si Hyu-Ri para bumili ng pagkain.

Nagsimula namang tumulo ang luha ko hanggang sa napahagulgol na lang ako bigla habang hawak ko pa rin yung kamay ni Heiden.

"S-sorry talaga H-Heiden ah.. S-sorry kasi iniwan k-kita noon p-para kalimutan ka p-pero ang totoo h-hindi ko pala kayang kalimutan ka. Akala ko din kasi mawawala na yung nararamdaman ko sayo pero hindi pa pala... kasi kahit hindi kita isipin bigla ka na lang pumapasok sa isip ko. At kahit n-nasasaktan ako noon dahil hindi mo na ako pinapansin pero iniisip ko yung mga alaalang pinagsamahan natin kahit ayaw kong paniwalain yung sarili ko na... G-gusto mo ako, na mahal mo ako"Hagulgol ko. Hindi ko magawang patahanin ang sarili ko dahil gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko.

Hawak ko pa rin kamay ni Heiden at sa huling pagkakataon bago ako bumitaw ay paulit-ulit ko yun hinahalik-halikan.

Pagkabitaw ko sa kamay niya ay pinagmasdan ko ang napaka-gwapo niyang mukha kahit nakapikit yung mga mata niya.

Kaya hindi na ako magtataka kung bakit maraming babae ang nagkaka-crush at nagkaka-gusto sa kanya 'di lang dahil sa gwapo siya kundi dahil sa may mabuting puso din siya.

Bigla ko naman napansin na may luhang tumulo sa mga mata niya...

"A-alam kong naririnig mo ako Heiden, p-pero alam mo bang matagal ko ng gustong sabihin sayo na... Mahal kita. Mahal na mahal kita Heiden! Sorry talaga kung nasaktan din kita nung umalis ako ng wala manlang paalam sayo. G-gusto ko lang kasi talagang kalimutan ka ih pero..."Napabuntong na lang ako atsaka ko pinunasan yung luha ko.

"Pero kusa ka talagang pumapasok sa isip ko"

Napansin ko naman ulit na may luhang tumulo sa mga mata niya kaya naman nilapit ko ang sarili ko sa kanya at saka ko yun pinunasan gamit yung thumb ko.

"Wag kang umiyak k-kasi n-nasasaktan ako"Sabi ko sa kanya. Alam kong naririnig nya talaga ako kahit hindi sya sumagot pero ramdam kong nasa puso't isip niya yung sinabi ko.

Napatingin na lang ako sa labi niya. Mapula-pulang labi dahilan bigla kong maalala yung first kiss namin.

Nung ninakawan nya ako ng halik noon! Hays! Bakit kaya mga lalaki bigla na lang nagnanakaw ng halik? Atsaka hindi mo ba alam Heiden na FIRST KISS KO YUN?! Wala pa ni isang humalik sakin kundi IKAW LANG!

Dahan-dahan kong nilapit yung mukha ko para halikan ang labi ni Heiden kaso biglang bumukas yung pinto kaya agad akong napaatras at napaiwas kay Heiden.

"Kumain ka muna"Si Hyu-Ri.

Hindi naman ako sumagot habang pinagmamasdan ko lang si Hyu-Ri na nilalapag yung binili niyang pagkain sa lamesa atsaka niya yun nilabas sa loob ng paperbag.

Bigla naman siyang tumingin sakin.

"Ahm tinawagan ko na nga pala yung parents ni Heiden"Biglang sabi ni Hyu-Ri na ipinagtaka ko naman.

I'm her lover (SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon