Chapter XXV

51 6 1
                                    

ATHENA'S POV

Gulat na gulat si Mama dahil sa sinabi ko at hindi rin siya makapaniwala ng sabihin kong nasa hospital ngayon si Heiden at na-coma dahil daw naubusan ng dugo.

Tsk! Pwede naman sabihing nawalan lang ng malay eh!

d>>__<<b

Pero sana magising na si Heiden kasi gustong-gusto ko na siyang yakapin at pasalamatan dahil niligtas nya buhay ko.

Pero bakit hindi mo yan ginawa nung wala pang nangyari sa kanya? Masyado ka kasing ma- PRIDE Athena! Kung pinatawad mo agad siya edi sana wala siya ngayon sa hospital!

Napayuko na lang ako dahil sa iniisip ko. Sinisisi ko na rin ang sarili ko.

Bigla naman hinawakan ni Mama yung kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"B-bakit hindi mo agad sinabi sakin? Sorry, hindi ko kasi alam. Akala ko kasi nagkita lang kayong dalawa ni Hyu-Ri kagabi..."Nag-aalalang sabi ni Mama.

Bigla naman may luhang bumagsak sa mga mata ko dahilan para mas lalong nag-alala si Mama sakin at agad niya akong niyakap.

"Nag-alala ako kay H-Heiden kasi hindi ko alam kung kailan siya magigising..."Biglang hagulgol ko na lang sabi. Hinimas-himas naman ni Mama yung likod ko habang patuloy na humahagulgol.

"Kaya nga pupunta ako ngayon ng hospital para bantayan siya at antayin na magising... Dahil gusto ko ulit sabihin sa kanya na mahal ko siya"Dagdag kong sabi.

Bumitaw naman si Mama sa pagkakayakap atsaka tumingin sakin. Napansin ko naman na umiiyak din si Mama.

"Sasama ako dahil gusto ko siyang makita"Nakangiting sabi ni Mama dahilan para mapatango na lang ako.

"S-sige po"

ZAC'S POV

Naglalakad ako ngayon papasok ng Company namin dahil dito ako nagta-trabaho. Magkaiba kasi kami ng pinapasukan dahil may sariling Company sila Heiden pero doon nagta-trabaho si Troy kahit may Company naman din sila.

Well, para lang naman makalibre yung ugok na yun ng lunch!

d>>__<<b

Pasakay na sana ako ng elevator ng biglang may marinig akong malakas na tumatawag sa pangalan ko.

"Zac?! Zac?!"

Pagkalingon ko naman...

"Troy?"

Hingal na hingal si Troy na lumapit sakin.

"Anong nangyari sayo? Bakit parang hinahabol ka diyan ng sampung kabayo?"Kunot noo kong tanong.

Hindi naman siya sumagot dahil hinihingal pa rin siya habang nakahawak siya sa tuhod nya.

"Ano? Tsk! Kung wala ka naman sasabihin mauuna na ak——"Hindi ko naman natapos sasabihin ko ng bigla niyang hinawakan yung magkabilaang balikat ko.

"Si Heiden!"

Kumunot ulit noo ko.

"Oh anyare kay Heiden? Ah! Oo nga pala, ngayon na flight niya papuntang Palawan diba? May kasama na daw ba siya——"Hindi ko na naman natuloy yung sasabihin ko ng biglang nagsalita ulit si Troy.

I'm her lover (SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon