Chapter XIV

61 4 0
                                    

Nandito kami ngayon sa reunion habang nakaupo sa may sariling table namin.

Apat kami sa table habang pinagmamasdan naman namin yung mga taong masayang nagtatawanan, kwentuhan at yung iba naman ay sumasayaw sa gitna.

Nagugutom na nga ako eh kaso bawal pang kumain.

d>>__<<b

Bigla namang may lumapit na kaklase namin noong high school.

"Uy! Yung F3 nandito! Musta na kayo mga tol?"Nakangiting bati nung kaklase namin dati nung high school.

Si Troy at Zac naman yung sumagot dahil wala ako sa mood makipag-usap.

Nilingon ko na lang si Minho na nakatingin lang sa mga tao.

Napansin ko naman na mukhang nagugutom na din siya kaya naman kinalabit ko siya. Tumingin naman siya sakin.

"Gutom ka na?"Tanong ko.

Napatango naman agad siya saka sabay iwas ng tingin sakin. Iginala ko naman mga mata ko para tignan kung may kumakain na ba kaso wala namang kumakain dahil halos lahat ay busy sa pagtatawanan at kwentuhan ngayon.

Napabuntong na lang ako saka tumingin ulit kay Minho.

"Tara, sa labas na lang tayong kumain. Matagal pa yan bago magsimulang kumain eh... Gutom na ako"Sabi ko kay Minho.

Tumayo naman na ako at ganun din siya. Bigla naman nagtaka si Troy at Zac.

"Saan kayo pupunta?"Tanong ni Zac.

"Ah eh magpapahangin lang muna sa labas"Sagot ko kay Zac.

"Bakit magpapahangin pa kayo sa labas eh ang lamig na nga dito?"Biglang sabat naman ni Troy.

"Tsk! Gusto kasi namin makalanghap ng sariwang hangin"Sagot ko naman kay Troy.

Hindi naman na sila nagtanong pa kaya tumalikod na ako at saka na kaming umalis ni Minho.

Bigla naman nagsalita si Minho.

"Kuya Heiden? Bakit hindi tayo naka-tuxedo? Hindi mo ba napansin kanina na naka-tuxedo yung mga lalaki at naka-gown naman yung mga babae? Ito pa rin yung suot natin kanina nung nag-performed tayo"Biglang tanong na sabi ni Minho.

Bigla naman ako napatigil sa paglalakad saka ko tinignan yung suot ko.

Napapikit na lang ako dahil pang hip-hop yung suot ko at ganun din yung kay Minho.

"Hays! Nakalimutan kong magpalit! Iba kasi nasa isip ko eh"Reklamo ko naman sa sarili ko. Sinabunutan ko pa sarili ko dahil sa katangahan ko.

Buti na lang walang nakapansin sa suot namin ni Minho dahil busy sila sa pagkukwentuhan at tawanan.

"Baka isipin nilang nagpunta lang tayo ng birthhday party"Biglang rinig kong sabi ni Minho.

Tumingin naman ako sa kanya.

"Wala naman nakapansin ah"Sagot ko. Bigla naman siyang napangiwi.

I'm her lover (SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon