Prologue

551 13 19
                                    

Miguel's Pov

Inaya ako ng isa kong kaibigan na magstay sa cruise for a week. Kakausapin kasi namin ang client duon. Ako na kasi ang namamahala sa mga pag aari naming mga hotels. Ang DT hotels. Merong 27 na DT hotels sa buong bansa.

Isa ang pamilya namin sa pinakamayaman sa Pilipinas. Ang ama ko ay si Emilio Dela Torre. Marami siyang negosyo tulad ng Dt hospital, DT architecture and DT hotels. Pati na din DT University. Ibinigay na ni papa sa amin isa isa ang mga negosyo nya.

Si kuya Gab ay ang DT hospital. Si kuya Joseph ay ang DT Architecture. Si Seb naman ang DT university tapos ang akin ay DT hotel. Ang mama naman namin na si Leticia ay nasa bahay lang kaya minabuti ni papa na magretired na at samahan na lang si mama magcruise.

"Anong oras ba darating si Mr. Mercado? Hindi nya ba alam na mahalaga ang oras ko. Kung hindi lang siya matanda hindi ko papatulan tong transaction na ito." sabi ni Liam.

"Pwede ba Liam, matanda pa din yun. Gumalang ka nga. Isa pa anong oras pinagsasasabi mo eh isang linggo tayo dito? Si Mr. Mercado pa nga ang nagbook satin dito hindi ba?" sabi ko.

"Sorry na. Gusto ko lang magparty ng maaga." sabi nya

"Langya ka eh galing ka pa lang sa club mo kagabi tapos party pa din nasa isip mo. Bwisit ka!" sabi ko sabay batok sa kanya.

Hindi naman nagtagal ay dumating si Mr. Mercado. Nasa isang pribadong kainan kami nag uusap. Nawala ang focus ko kay Mr. Mercado dahil sa babaeng dumaan. Maganda siya ngunit bakit parang napakalungkot ng kanyang mga mata. Di ko namamalayan na napatayo na pala ako dahil unti unting nawawala sa paningin ko ang babae. Natauhan lang ako ng batukan nya ako.

"Hoy! Hindi ka nakikinig! May problema ba Migs.?" tanong ni Liam.

"Wala." yun lang ang nasabi ko. Pagkatapos at pinagpatuloy namin ang meeting.

Nang matapos ang meeting nagpahinga ako sa kabina ko. Nakatulog ako sa pagod dami kasing trabaho. Gabi na ng magising ako at napagdesisyunan kong pumunta sa may deck para magpahangin. Masarap kasi ang hangin kapag naglalayag ang barko. Malapit na ako sa pupuntahan ko nang mapansin ko ang babaeng nakita ko kanina. Teka bakit parang naiyak ito? Fuck! Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong suntukin ang taong nanakit sa kanya. Pinagmasdan ko lang ito sa malayo. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang lapitan. Hindi ko alam kung ilang oras ako nanatili sa pwesto ko. Maya maya ay may tumawag sa kanyang babae at umalis sila. Tinawag nya itong Kath! Bagay na bagay ang pangalan nya sa kanya.

Kinabukasan ay maghapon kaming busy ni Liam. Natatawa ako kasi may hangover pa itong kasama ko. Nagparty ba naman magdamag itong kaibigan ko kaya ayan may hang over. Si Liam kasi ang sekretarya ko. Sa tagal nya nang naninilbihan sa amin ay napagdesisyunan ko na bumili ng negosyo na club at hati kami sa ownership. Hindi ganun kayaman sila Liam kaya todo kayod ito. Hindi ito napalya sa trabaho kaya pinababayaan ko na magparty party.

"Alis na ako Migs. May date pa ako hahaha!" sabi nya.

"Gago! Huwag mong kalilimutan ang supot mo at baka makabuntis ka pa." biro ko.

"Maganda! Para malahian sila ng gwapo." sabi nito saka lumabas ng kwarto. Napailing na lang ako.

Nagbabalak akong matulog sana ng maaga dahil medyo masakit ang ulo ko. Napabangon ako ng may kumatok sa pinto ko. Sunod sunod ito at ayaw tumigil. Naisip ko baka prinaprank lang ako ni Liam. Binuksan ko ang pinto at laking gulat ko na hinalikan agad ako ng babaeng nakita ko kahapon.

"Teka miss huminahon ka, lasing ka lang." hinawakan ko ang kamay nya na panay ang haplos sa dibdib ko. Napaatras ako at napaupo sa kama nang tuloy tuloy siyang lumalapit sa akin. Umupo siya sa kandungan ko at tuluyang nagwala ang alaga ko. Fuck!

It's Always been You (on going)Where stories live. Discover now