Chapter 13 Trauma

150 13 7
                                    

Migs Pov

Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito si Kath. Nakatulala lang siya mula kanina at umiiyak. Mabuti na lang at nakatulog si Zach dahil hindi ko alam kung paano sila aasikasuhin. Mabuti at nakisama ang anak ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kanina kaya tinawagan ko si kuya Gab. Dumating naman ang mga kapatid ko pati na din sina ate Ella at ate Jordan. Hindi nagsalita si Kath kanina kahit tinatanong siya nila ate Ella. Parang may kumurot sa puso ko habang nakikita si Kath na ganun.

"Tulog na si Kath. Pwede mo na bang iexplain samin ang nangyari? Mukhang may trauma si Kath." sabi ni kuya Gab.

"Trauma?" tanong ni ate Ella.

"Mukhang nga. Parang ganyan si Jordan dati." sabi ni kuya Joseph.

"Tara dun tayo sa couch. Baka magising pa sa ingay natin si Kath. Iwanan na lang nating bukas ang pinto ng kwarto." sabi ko.

Nasa loob kasi kami ng kwarto sa opisina ko kung saan namin inihiga si Kath. Binigyan ito ng pampatulog ni kuya Gab. Sa kwarto na yun duon ako madalas natutulog kapag subsob ako sa trabaho. Lumabas kami ng kwarto at naupo sa couch.

"Kausap ko kanina ang isa kong kliyente. Siya yung nagbenta ng cruiseship sa akin. Habang nag uusap kami eh dumating si Kath galing sa mall. Uncle pala ni kat si Mr. Mercado. Nung makita pa lang ni Kath ang uncle nya eh nanginig na ito. Nung makalabas si Mr. Mercado ay nagsimula na siyang umiyak. Wala din nababanggit si Kath na kahit ano sakin. Nung tinawagan namin si Yna ay halata mo ang pag aalala sa boses nito at sinabi na bantayan ko maige si Kath at huwag kong iwan. Kahit ako naguguluhan. Pauwi na nga pala si Yna. Siguro siya ang makakapagpaliwanag ng lahat." paliwanag ko.

"Mukhang ngang si Yna lang makakasagot sa mga tanong natin." sabi ni ate Jordan.

"Bakit naman nagpunta si Mr. Mercado dito? Teka marami nang bad record yung tao na yun. Nakipagdeal ka sa kanya?" tanong ni kuya Joseph.

"Hindi! Gusto nya ibenta ko sa kanya ang Blue publishing company." sagot ko.

"Oh yung bago mong bili na kompanya kung saan nagtatrabaho si Bobitang Manunulat. Bakit naman nya gustong kunin." tanong naman ate Ella.

"Sabi ni Mr. Mercado ay sa kapatid nya daw ito. Tapos naalala ko may nabanggit si Kath na sa daddy nya ito kaya gusto nyang bilihin. Binenta lang daw ng uncle nya. Natawa nga ako sa tawag nya sa uncle nya, uncle Shrek daw sabi nya kay Yna kanina." sabi ko.

"Magkapatid? Bakit hindi magkaapelyido?" tanong ni Seb.

"Ewan natin. Malay mo anak sa labas. Masama ugali eh." sagot ni ate Ella.

"Anong plano mo kuya Migs?" tanong naman ni Seb.

"Balak ko muna dito pansamantala habang inaalam ko muna ang mga bagay bagay." sabi ko.

"Bakit hindi mo iuwi sa bahay. Tutal malaki naman ang mansion. Matutuwa si mama at isa pa safe sa mansion." sabi ni kuya Gab.

"Malaman ko. Gusto ko muna makausap si Yna. Siya nga pala kuya, nasan si kuya Tony? Kailangan ko ang serbisyo nya." sabi ko.

"Naku ayun tulog na. Lasing na lasing na. Ginawang tubig ang alak." biro ni Seb.

"Sumunod ka?" tanong ko kay Seb.

"Oo. Akala ko nga nandun ka na." sabi sakin ni Seb.

"Bukas mo na kausapin si Tony kapag nasa katinuan na." sabi ni kuya Gab.

"Naku nagchat si Jenny. Masama daw ang panahon kaya hindi sila makakabiyahe. Baka bukas pa daw ng umaga sila makasakay ng eroplano." sabi ni ate Jordan.

"Kung ganun ay umuwi muna kayo. Bukas na lang tayo mag usap usap." sabi ko.

"Okay ka lang ba dito? Uwi na lang kayo sa mansion. Mas safe kayo duon." nag aalalang sabi ni kuya Joseph.

It's Always been You (on going)Where stories live. Discover now