Back off

56 5 0
                                    

Kath’s Pov

Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari sa akin. Sobra akong busy sa pagpaplano ng pagpupublish ng libro ko at sa gagawin naming mga pakulo. Maghapon kong kausap ang team ko nang makaramdam ako ng gutom. Nagpresinta na akong bumili ng pagkain dahil alam ko naman na pagod na ang team ko. Pagkadating ko sa canteen ay biglang tumahimik ang paligid. Naririnig ko naman sila kanina pa sa labas at alam ko na ako ang pinag uusapan nila. Pumunta ako agad sa counter para umorder at makaalis agad dahil ayokong marinig ang mga sinasabi nila na puro paninirang puri.

“Sobra talagang yabang! Akala mo siya ang may ari ng publishing. Halata mo naman na nilalandi niya si boss Miguel.” sabi ng isang babae. Hindi ko kilala ang mga ito mukhang mga baguhan. 

“Oo nga ang yabang. Masyadong mataas ang tingin sa sarili, hindi naman kagandahan.” sabi pa nung isa. 

Natawa na lang ako sa mga naririnig ko. Teka manalamin muna siya bago niya ako husgahan. Hindi naman sa pagmamayabang pero kahit naman sino makakakita sa itsura niya ay pagtatawanan siya. Ang kapal kaya ng make up niya lalo na yung foundation niya sa mukha. Nagpatuloy ako na lang ako sa pag order. Wala akong balak patulan sila. Lumapit sa akin ang isang babae at tinabig ako. Hindi ko parin siya pinansin. 

“Kita mo napakasama ng ugali, hindi man lang nagsorry.” sabi nung pangatlong babae. Tumaas ang kilay ko at tinignan ko siya.

“Seryoso ka? Kanina pa ako nakatayo dito at naghihintay ng order ko. Hindi ba ikaw ang bumangga sakin?” mataray na sabi ko. Napansin kong nagkakagulo na ang lahat at nag uusyoso. Lakas kasi ng boses ng impaktita na ito. Bagay nga silang magkakaibigan. Parang may mga megaphone ang mga bunganga nito. 

“Hindi porket na magaling ka magsulat ay pwede mo nang tapakan ang lahat ng writer dito. Sino ka ba? Ikaw lang ba ang kailangan ipublish ang libro? Bakit hindi mo kami pagbigyan kumita?” sabi nung babae. Nagulat na lang ako ng buhusan niya ako ng kape. Ang isa ko pang kinagulat ay ang pagsulpot ni Migs. Pinupunasan ang damit ko na tinapunan ng babae. Buti na lang hindi na ito gaanong mainit dahil kung hindi ay panay paso na ako.

“Anong nangyayari dito? Sinong may gawa nito sa bagong may ari ng publishing na ito?” tanong ni Migs. Naku eto na po, mukhang malalaman na nila. Papakiusapan ko pa nga lang sana si Migs dahil ayokong may makaalam nito.

“Sir Miguel, hindi po namin kayo maintindihan. May bago pong may ari ang publishing na ito?” tanong nung head editor ng publishing.

“Oo, at si Kath ang bagong may ari ng Blue Publishing. Lahat kayo pumunta sa meeting room. Now!” galit na sabi ni Migs. 

Lumabas kami agad ng canteen at nagpunta sa opisina ni Migs. Binigyan niya ako ng pamalit. Buti nalang may tshirt siya doon at pantalon. Nilagyan ko na lang ng sinturon ang pantalon para hindi mahulog sa akin. Tinupi ko din sa ibaba kasi masyadong mahaba sakin. Matangkad kasi ni Migs.

“Anong nangyari Love at binuhusan ka ng kape ng babaeng yun?” tanong ni Migs.

“Hindi ko alam sa kanya. Hindi ko na nga pinapansin nung panay parinig nila sa akin kaso sumobra na nung binangga ako at gusto pa na ako magsorry. Kasalanan ko ba na hindi bumenta mga libro nila?” paliwanag ko.

 
“Mukhang malaki ang inggit nila sa iyo. Dati mo na bang nararanasan ito?” tanong ni Migs.

“Hindi naman. Kasi nga nagtatago ako di ba. Walang nakakakilala sa akin.” sabi ko.

“Tara na sa meeting room. Makakatikim silang lahat sa akin.” galit na sabi ni Migs.

Nagpunta kami ng meeting room. Pagdating namin doon ay tahimik silang lahat. Pinagmamasdan ko ang mga babae kanina na panay ang parinig sa akin na ngayon ay mga nakayuko. Nandoon lahat ng mga editor, mga writers at iba pang empleyado. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ako sanay sa ganitong atmosphere. Hindi ako sanay na marami ang nakatingin sa akin. 

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Jul 13, 2023 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

It's Always been You (on going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin