Chapter 7 Argument

174 13 4
                                    

Kath's Pov

Hindi ako tinantanan ni Thea at ni Jean kagabi panay tanong sila ng tanong sa tungkol sa pag alis namin ni Migs kagabi. Lalo na ang paghalik sakin ni Migs. Kung itong mga bago kong kaibigan ay panay ang tanong sakin lalo na siguro yung mga witch na may gusto kay Migs. Bakit naman kasi nya ako hinalikan? Nakakainis! Binigyan pa ako ni Migs ng problema. Malamang lalo na naman ako pagpipyestahan ng mga witch.

"Wala ka bang balak bumangon at magpaliwanag samin? Pati ba naman kami paglilihiman mo pa eh kitang kita na namin." sabi ni Thea. Napabuntong hininga ako. Kagabi pa sila kulit ng kulit.

"Tama kayo, nanliligaw nga si Migs sa akin. Kagabi ay nagpunta kami sa birthday ng hipag nya. Mga fan pala sila ng libro ko kaya ako ang ginawang surprise guest ni Migs. Nakakatuwa nga dahil yung isang hipag nya ay may collection ng lahat ng libro ko. Pati nga ang mama ni Migs ay nagbabasa ng mga libro ko. Siya nga pala yung cake at cookies bigay ng mama ni Migs." paliwanag ko.

"Aayyyyy!" tili ng dalawa.

"Huwag nga kaung sumigaw dyan." saway ko sa kanila.

"Nakakatuwa parang meet the family ang nangyari kagabi. Naku for sure ay botong boto sila sayo. Sabi mo nga avid fan mo sila. Teka ano mga itsura nila? I mean may masungit ba o matapobre? Totoo ba ang balita na lahat sila ay mababait?" tanong ni Jean.

"Totoong sobra nilang babait. Wala ngang nagsungit sa akin dun. Nakakahiya nga kasi ako lang ang outsiders dun." sabi ko. Well technically hindi na ako outsider dahil mommy ako ng isang Dela Torre. Naisip ko nga, mapapatawad kaya nila ako sa pagtatago ko kay Zach. Sobrang yaman nila at makapangyarihan, malamang pagnagkortehan ay talo ako.

"Eh ang paghalik naman sayo ni boss Miguel? Kayo na ba? Pansin ko lang ha, ikaw lang ang natawag sa kanya ng Migs. May something na ba?" Tanong ni Thea.

"Wala! Bago pa kasi siya naging boss natin ay nagkakilala na kami. Isa pa eh Migs ang gusto nya itawag ko sa kanya eh. Nagagalit pa kapag boss ang tawag ko." sabi ko.

"Sagutin mo na si boss Miguel, mukha namang seryoso sa iyo." sabi ni Thea.

Sana nga ganun kadali. Hindi ko naman sa kanila masabi na may Zach na involve at baka magalit sakin si Migs at ang pamilya nya. Pero teka bakit sila magagalit? First of all hindi ko kilala si Migs o nakita man lang ang kanyang mukha nung gabing nagtalik kami. Sobrang lasing ko lang ng gabing iyon. Pero parang may mali talaga nung gabing iyon. Nakaramdam kasi ako ng sobrang init at feeling ko gusto kong maghubad pagkatapos kong uminom ng isang baso ng wine nung gabing yun. Ay ewan nangyari na, wala na akong magagawa pa kahit may mali ng gabing yun o wala.

"Sapat na yung narinig namin. Botong boto kami na maging kayo." sabi ni Jean.

"Baba na tayo para mag almusal. Teka di ba nakita ni Nessy yung halikan nyo ni boss Miguel? Naku sigurado yang pag iinitan ka na naman nila. Inggit kasi." sabi ni Thea.

"Yun na nga inaalala ko eh. Binigyan pa ako ng problema ni Migs. Bahala na!" sabi ko.

"Huwag kang mag alala nasa likod mo lang kami. Ipagtatanggol ka namin." sabi naman ni Jean.

Bumaba kami papuntang cafeteria. Pumasok kami at dumiretso sa kuhanan ng mga pagkain. nang matapos kami ay pumwesto kami sa bakanteng lamesa. Nag aalangan pa nga ako kasi nasa harapan namin sina Nessy. Panay nga ang tingin nila sa amin.

"Ang landi talaga. Malamang ikaw na naman ang bida dahil sa kakalandi mo ng sobra kay boss Miguel. Hindi ka nahihiyang humarap sa aming lahat? Ginagamit mo ang katawan mo para sa kasikatan." sarkastikong sabi ni Nessy.

"Nessy!" sabay na awat nila Jean at Thea.

"Problema nyo? Pinagtatanggol nyo pa eh kitang kita naman kagabi na nakikipaghalikan siya kay boss Miguel. Hindi ba totoo ang sinabi ko?" maarteng sabi ni Nessy.

It's Always been You (on going)Where stories live. Discover now