Chapter 10 The ex

228 12 8
                                    

Kath's Pov

Kanina pa tulala si Yna sa magkakapatid. Panay ang lingon nya lalo na kay Joseph. Lumapit sa akin si Yna at bumulong.

"Grabe ang gugwapo naman nitong mga magkakapatid. Walang tapon. Ultimo daliri nila grabe nakakainlove." sabi ni Yna.

"Grabe ka girl. Anong tapon sinasabi mo. OA mo naman pati daliri nila pinagnanasaan mo." sabi ko.

"Type ko sana si Joseph kaso may asawa na. Ayoko naman maging kabit. Di pwede si Migs kasi sayo na yun. Si Gabriel taken na din. Tapos yung bunso, ano patulan ko kaya. Kaso baka maging sugar mommy dating ko." sabi pa ni Yna.

"Di ka na naman ba nakainom ng gamot mo? Si Seb papatulan mo? Ang tanong papatulan ka ba nya? Isa pa hindi ka mapagkakamalang sugar mommy." sabi ko.

"Why naman?" tanong nya.

"Una sa lahat konti lang tanda mo sa kanya o magkasing edad lang kayo. Pangalawa wala kang pera para maging sugar mommy. Pangatlo mga mayayaman yan kaya nde kailangan ng sugar mommy. Gumising ka nga sa ilusyon mo. Dun ka na lang kay Robert." biro ko sa kanya.

"Eto naman. Pangarap na nga lang eh babarahin mo pa. Grabe ka pinapaiyak mo ako." Inirapan ko na lang si Yna. Kahit naman ganyan yan kaloka loka eh mabait yan. Isa pa parehas lang naman kami loka loka. Yun nga lang eh ako minsan lang siya immune na.

"Akalain mo yun kuya Migs, kasing tanda ng kambal ang anak mo. Natalo mo pa si kuya Joseph. Lupit mo din pala hahaha." biro ni Seb. Binatukan naman ito ng mama nya.

"Makapagsalita ka baka mamaya may lumutang na lang na anak mo at sasabihing ikaw ang tatay." sabi ng mama nila.

"Siya nga pala. Pwede ko ba kayong maimbitahan sa darating na birthday ko? Tayo tayo lang namang magpapamilya. Gusto ko lang makasama ang mga apo ko sa kaarawan ko." sabi ng mama nila Migs.

"Sige po tita. Kelan po ba?" tanong ko.

"Next month pa naman. Hindi ko pa din alam kung saan ko idaraos ang birthday ko." sabi nya.

"Sige po basta magaling na si baby Zach ay okay po sakin." sabi ko.

"Ay pampamilya lang pala. Sana ol pede sumama." paawang sabi ni Yna.

"Huwag ka mag alala. Pwede ka naman sumama. Hindi ka na iba kay Kath kaya kasama ka din." sabi pa ng mama nila. Nalungkot ako dahil naalala ko si mommy. Parehas silang mabait ni mommy at kwela. Sa kanya ko nga namana ang kalokohan ko eh.

"Ay wow. Salamat po! Saan po ba tayo? Sa beach? O sa pool? Ang tagal ko nang nagtatrabaho kay Kath pero hindi man lang nagpapaouting." sabi ni Yna. Hindi ko napigilang batukan si Yna.

"Sira ka ba? Ano ako kompanya na nagpapaouting kada summer? Pinili mong magtrabaho sa isang writer na mahilig magkulong sa bahay tapos magrereklamo ka? Sige bukas ang pinto. Alis na!" sabi ko sabay irap sa kanya.

"Ikaw naman binibiro lang kita. Masaya akong magtrabaho kay Bobitang Manunulat at kay baby Zach. Love ko kaya kayo. Joke lang naman yung reklamo ko. Pero kung gusto mong totohanin why not hahaha." sabi pa ni Yna. Napailing na lang ako. Alam ko namang biro nya lang yun.

"Ngayong malayo na sa panganib si baby Zach, uuwi muna kami ni mama. Hinahanap na siya ni papa." sabi ni Seb.

"Sabay na din ako. Kailangan ko pang bantayan si Dj." sabi ni Joseph.

"Ako naman dun muna sa kwarto. Babalikan ko na lang si baby Zach mamaya." sabi naman ni Gab. Lumapit ang mama nila Migs kay baby Zach.

"Pagaling ka apo. Ipapakilala kita sa mga pinsan mo. Babawi kami sayo. Mahal ka namin." sabi ni tita Letty.

It's Always been You (on going)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें