Chapter 3

212 12 16
                                    

Kath's Pov

Dinala ako ni Migs sa isang Italian restaurant malapit sa publishing company. Ayoko sanang pagbigyan siya kaso naalala ko yung plano ko. Panget naman kung sasabihin ko agad na bibilihin ko ang company. Naisip ko kaibiganin ko muna kaya. Pero baka malaman nya ang tungkol kay Zach. Ay naku ewan ko, nalilito na ako. Napatingin ako kay Migs na busy sa pagtingin sa menu habang kausap ang waiteress.

"May napili ka na ba Kath?" tanong sakin ni Migs.

"Lasagna and garlic bread lang." sagot ko.

"2 Lasagna ang 2 order of garlic bread." sabi ni Migs.

"Anything else sir? How about your drinks?" tanong ng waiteress.

"Pineapple juice." sabi ko.

"And you sir?" nang aakit na tanong nung waiteress. Hindi naman siya tinatapunan ng tingin ni Migs.

"Pineapple juice na din." sabi ni Migs na sa akin pa din nakatingin.

Natawa ako sa waitress nang umalis itong nakasimangot. Hindi man lang kasi pinansin ni Migs kahit anong landi nito.

"Beautiful!" napalingon ako kay Migs.

"Ano?" maang maangang tanong ko sa kanya. Narinig ko naman kahit mahina pero baka nagkamali lang ako ng dinig.

"Sabi ko ang ganda mo." diretsong sagot ni Migs.

Natawa ako sa reaksyon ng waitress na sumimangot dahil narinig nya si Migs kasi nasa likod sya nito at hawak hawak ang drinks namin. Inilapag nito nang dahan dahan ang drinks kay Migs samantalang sakin ay padabog. Umalis ito pagkatapos. Di din naman nagtagal ay dumating ang mga pagkain namin. Walang nagsalita sa amin dahil sabi nya kumain muna kami bago mag usap. Nakakailang nga dahil nakatitig lang ito sakin habang nakain. Nang matapos kami kumain ay nagsalita na ako.

"Ano ba ang pag uusapan natin?" tanong ko.

"Yung tungkol sa atin." sabi ni Migs. Napakunot ang noo ko.

"Anong atin?" nagtatakang tanong ko.

"Yung relasyon natin. Di ba sinabi ko sayo nung gabi na naangkin kita ay akin ka na." very confident nyang sabi.

"Wow mister confident much! Nauntog ba yang ulo mo sa pader at kung ano ano ang sinasabi mo? Eh isang gabi lang yun kaya walang tayo o atin period!" naiinis na sabi ko.

"Matino ako. Bakit hindi, tutal ako nakauna sayo. Ano pang problema?" sabi pa nya.

"Ay ewan ko sayo! Hindi naman kita mahal para maging tayo. Isa pa eh hindi ka naman nanligaw sa akin. Hindi ko rin naman ikaw sinagot. Ay naku! Akala ko pa naman usapan na maayos ito. Paano ko pa sasabihin sayo ang gusto ko kung ganyan ka." sabi ko.

"Maayos naman ako. Yun lang pala eh. Kung gusto mong ligawan kita eh gagawin ko. Teka ano bang sasabihin mo?" tanong nya.

"Pwede mo bang ibenta ang company sakin? Sa daddy ko naman talaga ito kaso binenta ng uncle ko. Pwede ba? Please...." nagmamakaawang sabi ko.

"Pwede naman." sabi nya.

"Talaga! Naku thank you talaga." napatalon ako sa tuwa sa sinabi nya.

"Pwede pero dapat pakasalan mo muna ako." natulala ako sa sinabi nya.

"Ano! Nasa tamang pag iisip ka bang talaga?" tanong ko.

"Yap! Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay!" sabi nya.

Naiinis na ako sa lalaking to ah. Akala mo kung sino. Alam kong hot siya pero parang nagdidiliryo na ito at kung ano ano ang sinasabi. Anong akala nya sakin, easy to get? Kaladkaring babae? Sa inis ko ay napatayo ako.

It's Always been You (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon