Chapter 14 Telling the reason

212 11 6
                                    

Migs Pov

Nag iiiyak si Kath ng magising. Agad namang lumapit si Yna at pinatahan si Kath. Matagal din bago mapatahan ito.

"Ano bang nangyari sayo at nagkaganyan ka na naman." tanong ni Yna.

"Natatakot ako Yna. Nagkita na naman kami ni uncle Shrek. Natatakot akong matunton nya tayo." natatarantang sabi ni Kath.

"Huwag kang mag alala. Tutulungan tayo ni Migs at nang pamilya nya." sabi ni Yna.

Tumingin si Kath ng may pag aalala sa amin. Lumapit ako kay Kath at hinawakan ko ang mga kamay nya. Malamig ang mga kamay nito. Namumutla din ito. Humarap ito sakin at saka ako nagsalita.

"Duon muna kayo mamalagi sa mansion. Safe kayo duon. Alam mo naman kung gaano kahigpit ang security duon. Tutulungan ka namin Kath kaya mapanatag ka. Kung maaari sana ay pagkatiwalaan mo kami. Pwede bang sabihin mo sa amin ang nangyayari sayo? Para naman matulungan ka namin ng maayos." sabi ko

"Madadamay kayo." sabi nya.

"Simula ng makilala kita Kath ay may pakialam na ako sayo lalo na ngayong may anak na tayo. Damay na talaga ako at hindi ako papayag na may mangyari sa inyo. Priority ko ang kaligtasan ninyo." sabi ko.

"Sige na Kath. Ayaw mong sabihin sa akin at sa pamilya ko ang lahat nang nangyayari sayo dahil madadamay kami. Alam namin wala kaming kalaban laban sa tito mo pero ngayon nandyan na sila Migs at alam ko na kaya ka nila tulungan. Parang awa mo na ayoko nang makita kang ganyan palagi. Taon taon tayong nagpupunta sa cruiseship at sinasamahan kita dahil alam kong may malalim kang dahilan. Pero sana naman ngayon ay sabihin mo na sa amin." nagmamakaawang sabi ni Yna.

"Bigyan nyo pa siya ng konting oras baka hindi nya maipaliwanag ng maayos ang mga sasabihin nya. Pakalmahin muna natin. Mas maganda siguro sa mansyon na tayo mag usap para kasama sila mama, papa at buong pamilya." sabi ni kuya Gab.

Ginawa namin ang sinabi ni kuya. Pumayag naman si Kath na umuwi sa mansion at kasama si Yna. Napagkasunduan namin na si Yna na lang ang kukuha ng mga gamit nila Kath kasama si kuya Tony para din naman ligtas si Yna. Hindi ko alam kung gaano kadelikado ang sitwasyon pero mas maige na ang handa para sa kaligtasan nila.

Bumiyahe kami papuntang mansion. Iisang kotse lang ang ginamit namin. Si kuya Gab ang nagdadrive at ako nasa harap din. Sila Kath, Zach, Jenny at Yna ang nasa likod. Naging kalmado naman si Kath sa palagay ko kasi medyo nababawasan na ang panginginig nito at hindi na siya maputla. Nang makarating kami sa mansion ay napamura si Yna.

"Ano ka ba! Bunganga mo! Marinig ng anak ko ang mura mo." saway ni Kath.

"Grabe kayo. Alam kong malaki pagsinabing hacienda pero ang lupain nyo malaking malaki. Nakakalula." manghang sabi ni Yna.

"Nakikita mo ba yung nasa harapan? Yun yung mansion. Yung medyo maliit dun sa kanan ay kay kuya Gab na bahay." sabi ko.

"Holly shit! Mansion yan? Kala ko palasyo tapos may bababang hari at reyna. Grabe kayo! Kayo na ang mayaman. Bakit naman kasi nagsabog ng kayamanan ang Diyos ay sinalo nyo nang lahat. Di man lang kayo nagtira sa mga katulad kong dukha." biro ni Yna. Nabatukan naman siya ni Kath.

Natawa na lang kami sa reaction ni Yna. Sabagay kapag may bisita ay ganyan din sila magreact. Nang makarating kami sa mansyon ay bumungad ang buong pamilya namin. Kinarga agad ni papa si Zach at si mama ay niyakap si Kath. Hindi naman napigilan ni Kath na umiyak.

"Tahan na. Huwag kang mag alala nandito kaming lahat para sayo. Pamilya na tayo." sabi ni mama kay Kath.

"Naaalala ko po kasi ang mga magulang ko huhuhu..." umiiyak na sabi ni Kath.

It's Always been You (on going)Where stories live. Discover now