Chapter 12 The fake Kath

236 12 7
                                    

Migs Pov

"Hindi talaga ako yun Migs. Maniwala ka. Hindi nga ako nalabas ng bahay kaya paano ako makikipagkita kay Ryan. Isa pa lagi kong kasama si Yna o sila Ella at Jordan." paliwanag ni Kath. Lumapit ako kay Kath at hinawakan ko siya sa pisnge.

"Naniniwala ako sayo love. Alam kong hindi ikaw yun. Di ba sinabi ko sayo nuon na may naging girlfriend ako at nagpanggap na Kath. Malamang siya yun. Kamukhang kamukha mo kasi." sabi ko.

"Pero sino siya? Bakit siya nagpapanggap na ako? Naguguluhan na ako." takang sabi ni Kath.

"Wala ka bang kapatid? O sabihin nating kakambal?" tanong ko. Maski ako nagtataka na din.

"Wala. Mag isa lang talaga akong lumabas sa mommy ko. Isa pa kung meron man, walang dahilan ang parents ko na ipamigay siya dahil may kaya kami at kayang buhayin kaming magkapatid. Kung katulad ni Jordan na nawala o dinukot eh hahanapin siya ng parents ko at sasabihin din nila sakin ang mga bagay na yun." paliwanag ni Kath.

"May punto ka dun." sabi ko.

"Sobrang hawig ba namin? Nagcucurious ako sa itsura nya." sabi ni Kath.

"Magkamukha talaga kayo. Konti lang ang pinagkaiba nyo. Sa boses pero slight lang ang difference. Ang magkaiba ay ang kulay ng mata nyo. Dati nagcocontact lense sya ng kulay blue kaya paniwalang paniwala ako. Nahuli ko siyang nagtanggal nito at sabi sakin matagal nang brown ang mga mata nya. Gusto nya lang magkaroon ng blue na mga mata kaya nagcontacts sya." sabi ko.

"Paano mo nalaman na hindi ako yun?" tanong nya. Ngumiti ako.

"I have my ways. Saka mo na malalaman kapag kasal na tayo. Hahaha!" masayang sabi ko. Hinampas nya naman ako.

"Ikaw talaga ang loko mo. Di pa nga kita sinasagot eh tapos kasal agad." sabi nya.

"Siyempre kapag sinagot mo ako eh kasal agad. Saan pa ba papunta yun. Anyway bakit ka nga pala nandito?" tanong ko.

"Ah oo nga pala. Pinadala ni Gab itong mga papeles. Importante daw ito. Hindi sila makakapunta kaya ako na nagprisinta na magdala nito." sagot ni Kath.

"Dumating na pala ito. Oo mahalaga ito at ibinilin ko na huwag ipapahawak kung kanikanino lalo pa at may taksil sa kompanya ko." sabi ko.

"Kamusta ka naman? Naayos na ba problema mo?" nag aalalang tanong ni Kath. Ngumiti ulit ako sa kanya.

"Don't worry kaya kong resolbahan ito. Hindi pa tapos at hindi ko pa nahuhuli ang taksil sa kompanya ko pero i'm sure malapit na. Teka diba sabi mo gutom ka na? Ano nga pala yang dala mo?" sabi ko hang nilalaro si baby Zach habang karga ko.

"Ay muntik ko nang makalimutan. Nagpadala si Ella ng mga pagkain para hindi na daw tayo bumili sa labas. Nag aalala sila baka hindi ka pa nakain." sabi nya.

"Oo nga sobrang busy. Sige kain na tayo." sabi ko. Inihanda naman ni Kath ang mga dala niya sa lamesa at ako naman ay ibinaba sa stroller si baby Zach. Naglalaro ito ng dala nilang laruan.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang dalawang taong nagpapasaya sa buhay ko ngayon. Nawala lahat ng pagod ko simula ng dumating sila kanina. Hindi na naiilang si Kath makipagkwentuhan sakin. Nakakatuwa lang kasi maganda at mabait si Kath na dahilan kung bakit botong boto ang pamilya ko sa kanya. Mabuti na lang at nagkaroon kami ng baby kaagad kasi parang ang baby ang naging dahilan kung bakit kami naging okay na dalawa.

"Uuwi ba kayo kaagad ni baby? May gagawin ka ba? Pwede bang dito muna kayo?" tanong ko.

"Okay lang naman sakin. Wala naman akong gagawin. Nakapagpasa na ako ng sinulat ko kaya pwede na akong magbreak muna. Isa pa wala si Yna ngayon kasi sinama ni Jenny na magbakasyon." sagot ni Kath.

It's Always been You (on going)Where stories live. Discover now