Chapter 18

40 0 0
                                    

Migs' Pov

Alam kong mabilis ang pangyayari. Hindi ko na papalampasin ang pagkakataon na ito. Gusto ko na maprotektahan ang mag ina ko at magagawa ko lang iyon kapag nasa tabi ko na sila at may karapatan na ako sa kanila dahil kasal na kami. Katulad na lang nang nangyari kay ate ella at kuya Gab. Nagpakasal na agad sila at naprotektahan nila ang mga asawa at anak nila. Natulog na kami ni kath sa isang kwarto pero katabi namin si Zach. Ipinangako ko naman kay Kath na makikipagtalik lang ako sa kanya kapag handa na siya. ayaw ko naman na pilitin siya sa mga bagay bagay. Simpleng kasal lang ang nangyari. Pirmahan lang at salo salo sa pamilya ko at mga malalapit na kaibigan. Dapat talaga ay may honeymoon kami ngayon. Balak ko nga kahit isang linggo lang sa cruise ship ko pero nagkaproblema ako sa kompanya ko.

“Kanina ka pa ba gising? Aalis ka na ba? May maitutulong ba ako sa iyo?” tanong ni Kath.

“Kakagising ko lang. Hinihintay lang kitang magising para magpaalam. Hindi ko naman kailangan pumunta ng opisina ng maaga. Hayaan mo kapag bumalik na yung sekretarya ko ay mapapadali na ang mga trabaho ko at magkakaroon na ako ng maraming oras sa inyo ni Zach. Babawi talaga ako sa inyo.” sabi ko.

“Ano ka ba, hindi naman dapat bumawi pa.” sabi ni Kath.

Hinalikan ko siya sa labi at binati ng good morning. Nakakatawa nga ang reaksiyon nya nung hinalikan ko siya. Alam ko naman na nahihiya pa siya at hindi pa sanay. Pumasok na ako sa banyo at naligo. Paglabas ko ng banyo ay nakahanda na sa kama ang mga susuotin ko. Napangiti naman ako. Ganito pala kapag may asawa na. Pinaghahandaan ng asawa ng susuotin at gigising ka sa umaga na katabi siya. Sa totoo lang kahit na sabihin nyo na kabaklaan ito pero sa totoo lang masyado akong kinikilig at sobrang saya ko. 

“Tara nang kumain. Tatawagin ko na lang si yaya para bantayan si Zach.” pag aaya ko sa kanya pagkatapos kong magbihis. Bumaba kami at dumiretso sa hapagkainan. Nadatnan namin ang buong pamilya, si Jenny, kuya Tony at Yna. Naupo kami sa pwesto namin. 

“Ayaw nyo bang maghoneymoon? Gusto mo bang ako muna ang umasikaso sa problema mo sa kompanya mo?” tanong ni papa Emilio. 

“Hindi na po Pa. Maghahoneymoon na lang kami pagtapos ko itong asikasuhin.” sabi ko.

“Eh paano si Kath? Nakakahiya naman sa kanya. Kakakasal nyo lang tapos hindi kayo makakapagbakasyon at makakapagrelax.” sabi naman ni mama.

“Ayos lang po sakin mama. Nag usap na po kami ni Migs. Hindi naman po kami nagmamadali at isa pa po importante po yang kompanya.” sabi ni Kath.

“Gusto mo bang maggala? Shopping tayo ng mga girls.” alok pa ni mama kay Kath.

“Bukas na lang po mama. May plano po kasi akong gawin ngayong araw. Kailangan ko po kasing magpunta sa Blue Publishing para po ayusin ang mga bagay bagay duon. Irerelease na po kasi yung isa ko pang libro. Kailangan pong magmeeting para sa distribution ng mga libro.” paliwanag ni Kath.

“Ay may libro ulit! Pabili ako ha! Lagyan mo na agad ng pirma mo.” masayang sabi ni ate Ella. 

“Kami din!” sabay na sabi nila mama at ate Jordan.

“Don't worry po, nakahiwalay na po ang mga libro na para sa inyo. Special kaya po yung sa inyo.” sabi ni Yna.

“Ay thank you!” biglang lumapit si ate Ella at saka niyakap nya si Kath habang nakatalikod ito at nakaupo sa silya.

It's Always been You (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon