Chapter 4 Thea and Jean

221 13 9
                                    

Kath's Pov

"Tatlong tao tayo kada room. Huwag kayong mag alala tatlong kama din yan kada room. Pinaayos yan ng boss natin. Hahayaan ko kayong mamili ng mga karoommate nyo. Sila na din ang magiging teammates nyo." sabi ng supervisor namin.

Kasalukuyang nasa DT hotel kami para sa aming team building. Lumingon lingon ako para mamili ng kagroup. Nakita ko si Thea na papalapit sa akin.

"Oh paano ba yan teammate na tayo ha." sabi ni Thea.

"May magagawa pa ba ako eh ikaw lang kilala ko dito." naiiling na sabi ko.

"Tingnan mo yung matabang babae, ayaw nilang isali." sabi ni Thea habang tinuturo yung babaeng chubby na nakaencounter ko sa starbucks. Katabi ito nung 3 pang babae na umalipusta kay bobitang manunulat. Ay! Ako pala yun. Lumapit ako sa kanila.

"Hello, may kagroupo ka na ba?" tanong ko kay babaeng chubby.

"Wala pa eh." sagot nya.

"Gusto mo teammates na lang tayo?" tanong ko ulit.

"Talaga? Di ka nagbibiro? Ay wag na lang, baka kasi matalo kayo sa mga games kapag kasama nyo ako." malungkot na sabi ni chubby girl.

"Naku huwag mong alalahanin yun. Di naman ako mahilig sa mga games. Okay lang kahit matalo ako. Baka nga di pa ako sumali." sabi ko.

"Eh kasi..." sabi ni chubby girl.

"Ay naku halika na. Swerte mo inaaya ka na. Akala ko idol mo si bobitang manunulat. Choosy pa girl?" sabi ni Thea.

"Malas nyo." sabi nung isang witch girl. Tama witch girls tatawag ko sa kanila dahil bruha sila.

"Aba!" naiinis na sabi ni Thea.

"Huwag mo nang patulan." awat ko kay Thea. Inaya ko sila sa gilid. Sa tabi lang din ng nga witch girls.

"Okay nakapag group na ba kayo? Mukha oo ang sagot. Ngayon sasabihin ko na ang mga rooms ninyo. Team Bobitang Manunulat sa presidential suite kayo. Team skynight, team Erika Divina at team Love Saga sa executive suite kayo. Sa apat pang group eh sa triple room kayo." sabi ni supervisor. Sorry di ko kasi kilala ang name nya.

"Wait sir! Ang unfair naman po ng bigayan ng rooms. Bakit sila nasa presidential suite?" tanong ni witchy girl. Leader ata ito ng mga witch.

"Nessy, si boss ang namili nyan. Isa daw yan sa mga rewards ng mga writers o editors na marami na ang nagawa. So paano naging unfair yun? Ilan na ba ang naiambag mo sa kumpanya?" tanong ni supervisor. Syet ang galing mo bisor.

"Aangal angal pa kasi." mahinang sabi ni Thea habang umiirap sa witchy girls. Natawa naman ako kay Thea.

Pinayagan na kami umakyat sa kanya kanyang kwarto. Nang makarating kami sa labas ng kwarto namin ay agad na binuksan ito ni Thea. Napanganga kami sa ganda ng presidential suite.

"Grabe ang ganda!" sigaw ni chubby girl.

"Oo nga! Mabuti na lang nakipag group tayo kay bobitang manunulat. Iba na ang sikat! Ang daming freebies." masayang sabi ni Thea. Napailing naman ako sa kanya.

"Siya nga pala. Ano nga palang pangalan mo? O pen name?" tanong ko kay chubby girl.

"Jean Herera. Pero kilala ako sa pen name na Jean Hugot." pakilala nya.

"Oh wow! Magaganda din ang mga sinusulat mo. Nakakatuwa ang mga hugot sa libro mo." nakangiting sabi ko.

"Idol kasi kita. Natuwa kasi ako sa libro mong ang babaeng hugotera." sabi ni Jean.

"Weird nyo din dalawa. Ganda ng pen name nyo noh!" sabi ni Thea.

"Atleast madaling makilala. Patok naman sa mga readers ang ganyang pen name." sabi ko.

It's Always been You (on going)Onde histórias criam vida. Descubra agora