proposal

227 12 7
                                    

Kath's Pov

Hindi ako makapaniwala. Sa dinami dami ng tao ay si Migs ang batang lalaki. Kaya pala magaang ang loob ko sa kanya. Parang may something talaga pero hindi ko lang pinansin kasi ayoko na naman umasa at maloko tulad ng dati. May nagpanggap na kasi nuon na sya yung batang lalaki na sumagip sakin. Alam na alam yung nangyari sa akin sa totoo lang kapanipaniwala ang lahat ng sinasabi nya. Pero nung malaman ko na wala talaga sa kanya yung kwintas ay nagduda na ako.

"Grabe hindi ako makapaniwala na si Migs yung batang lalaki na kinukwento mo. Sobra magbiro ang tadhana. Sa dinami dami ng lalaki eh sya pa. Akalain mo nang dahil sa kagustuhan mong magkaanak ay ang mapipili mo pang maging ama ni Zach ay yung batang lalaki. Nakakatuwa naman." sabi ni Yna.

"Kahit ako hindi pa rin ako makapaniwala. Naguguluhan talaga ako." sabi ko. Nasa kwarto kami ni Yna. Pagtapos sabihin ni Migs na sya ang bata ay natulala lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Buti na lang at tinawag ako ni yaya Berta dahil ayaw daw tumahan sa pag iyak si Zach. Kaya eto kami ni Yna nag uusap habang pinapatahan si Zach.

"Maiba tayo, ano nang gagawin mo ngayon? May plano ka ba tungkol kay Olga? Mukhang kasabwat sya ng mga magulang nya." sabi ni Yna.

"Hindi ko alam. Sobra akong nashock sa nakita ko. Ang akala ko talaga patay na sya. Pinahirapan ako ng mga magulang nya dahil sa pagkamatay nya. Hindi na ako magtataka kung sila din ang dahil ng pagkamatay ng mommy at daddy ko. Pero bakit sya nagparetoke ng mukha?" tanong ko.

"Simple lang. Para makamkam lahat ng ari arian mo. Mabuti pa nga na nandito tayo. Hindi natin kaya ang uncle Sherk mo. Kailangan natin ng tulong. Hindi ka naman papabayaan ni Migs, lalo pa ngayong nalaman nya ang lahat." sabi ni Yna.

"Tara na nga. Tulog na ulit si baby Zach. Kailangan kong kunin ang ibang mga gamit ko sa bahay na yun." sabi ko habang ibinababa ko sa kama si baby Zach.

Hinabilin ko si Zach kay yaya. Lumabas kami ni Yna at nagtungo sa sala. Nandun pa din sila at nag uusap. Lumapit ako kay Migs.

"Magpapaalam sana ako, kailangan ko kasing kunin yung iba kong mga gamit lalo na ang mga gamit ko sa pagsusulat." paalam ko kay Migs.

"Samahan na kita." sabi ni Migs.

"Naku huwag na, kasama ko naman si Yna." tanggi ko sa kanya. Sa totoo lang kasi nahihiya pa ako humarap sa kanya. Lalo na nung malaman nya na first love ko yung batang lalaki. Bwisit kasing Yna to. Ang bibig parang armalite. Walang ka preno preno.

"Delikado pa lagay nyo. Mabuti pang isama nyo si Migs. Baka balikan kayo ng uncle Shrek mo. Mapapanatag kaming lahat kung kasama mo si Migs." sabi ng mama ni Migs.

"Ay sige po. Huwag kayong mag alala isasama na po namin si Migs. Nahihiya lang po yang si Kath." banat ni Yna.

"Aray!" sigaw nya. Binatukan ko kasi ito. Kanina pa ako hiyang hiya sa mga sinasabi nito.

Nagpaalam kami at sumakay sa kotse. Si Yna ang may dala ng sasakyan namin samantalang ako tinulak ni Yna para sumakay sa sasakyan ni Migs. Mabuti pa daw na dalawa ang sasakyan kasi madami kaming kukuhanin.

"Iniiwasan mo ba ako, Kath?" tanong ni Migs habang nakatingin sa kalsada. Napatingin ako sa kanya.

"Hindi naman. Nahihiya lang ako sayo. Tapos hindi pa ako makapaniwala na sa lahat lahat ng lalaki sa Pilipinas ay ikaw pa pala ang batang lalaki na hinanap ko." sabi ko.

"Huwag ka nang mahiya. Mas masaya nga ako ng malaman ko yun. Atleast may pag asa na ako sayo." nakangiting sabi ni Migs.

"Sya nga pala, sinabi mo kanina na may nagpanggap na sya yung batang lalaki? Sino ba napagsabihan mo ng tungkol sa atin nuon?" tanong ni Migs.

It's Always been You (on going)Where stories live. Discover now