Chapter 5 Migs Family

169 14 7
                                    

Kath's Pov

Hinila ko si Migs palabas pagkatapos nya kumain. Ang panget naman kung hihilahin ko sya ng di nakain o habang nakain. Ang bastos ko naman ata nun. Dinala ko siya sa labas ng hotel.

"Ano na naman bang kalokohan yun Migs? Pwede bang huwag mo akong tatawaging love sa harap nilang lahat. Nagkakaroon sila ng maling akala." sabi ko.

"Eh kapag tayo lang pwede na?" tanong nya.

"Hindi pa din." sabi ko.

"Ang gulo mo naman love. Pagbigyan mo na ako. Kapag sinagot mo din naman ako eh love din naman tatawag ko sayo." sabi nya.

"Ewan ko sayo. Humanap ka kausap mo. Kapag ako napahamak sa kakalove love mo naku masasapak kita talaga." sabi ko.

"Love naman....." naputol ang sinasabi nya ng dumating ang mga witch.

"Hi boss Miguel! Pwede ka bang makausap?" sabi ni Nessy.

"O boss Migs, alis na ako. Kakausapin ka daw nila. Sige bye!" bago pa ako makaalis ay napigilan nya na ako.

"Dito ka lang Kath." pigil nya sakin tapos humarap sya sa tatlong witch.

"Busy kami at may pinag uusapan. Ang alam ko wala tayong dapat pag usapan." masungit na sabi ni Migs.

"Boss Miguel, gusto ka lang naman namin makilala. Siyempre bagong boss ka namin." sabi nung isang witch.

"Dapat ko ba kayong makilala?" tanong ni Migs. Ang sungit ng lolo mo. Napahiya tuloy yung tatlo.

"Kung wala na kayong sasabihin pwede bang umalis na kayo. May importante pa kaming pag uusapan." sabi ni Migs. Sinunod naman ng tatlo si Migs. Tinitigan pa nga ako ni Nessy ng masama. Tapos bubulong bulong pa sila.

"Ano ka ba naman, bakit ang sungit mo? Napahiya tuloy sila." tanong ko sabay mahinang hampas sa kanya.

"Wala akong ganang makiharutan sa kanila. Ikaw lang gusto kong kaharutan." sabi pa nya.

"Baliw ka talaga. Naku for sure kung ano ano na naman sinasabi ng mga yun sakin. Bibigyan na naman nila ng kahulugan ang mga ginagawa mo. Naku pag talaga ako nagkaproblema sa kanila ikaw ang sisisihin ko." sabi ko.

"Pwede ba kitang maimbitahan? Birthday kasi ng hipag ko. Maliit na salo salo lang." sabi nya.

"Hala bakit ako? Ayoko nga! Nakakahiya sa pamilya mo noh." sabi ko.

"Hindi yan. Kasi..." napakamot sya ng ulo.

"Kasi ano?" tanong ko.

"Kasi yung hipag ko gustong gusto kang makilala. Nalaman nya na binebenta ang company na pinagtatrabahuan mo kaya binili ko. Fan mo kasi yun. Balak ko sana ikaw gawing surprise sa kanya." paliwanag nya.

"Wow! Ang bait mo naman sa hipag mo. Close kayo? Mabait ba hipag mo?" tanong ko. Nacurious ako.

"Mabait sina ate Ella at ate Jordan. Buti nga sila napangasawa ng mga kuya ko. Sige na pumayag ka na. Para hindi ko na dalhin sayo mga libro mo na binili nya. Papaautograph daw kasi sya. Lahat ata ng libro mo nasa library nila. Sige na love, please...." sabi nya.

"Sige na nga. Ano ba gusto nun regalo? Nakakahiya naman kung wala akong dala." sabi ko.

"Ikaw lang sapat na dun. Tatalon pa sa tuwa yun." biro nya.

"Ikaw talaga. Yung bago ko na lang kayang libro na hindi pa narerelease. Okay na kaya yun? Teka kelan ba?" tanong ko.

"Bukas." sabi nya.

"Ano? Eh may team building tayo diba?" tanong ko.

"Aalis tayo bukas ng umaga. Tapos babalik naman tayo ng gabi. Next day ko pa balak simulan ang team building. Gusto lang kitang makita agad kaya ko inagahan. Dapat nga next week pa sched ng team building." naiiling na lang ako sa sinasabi nya.

It's Always been You (on going)Where stories live. Discover now