#WTChapter1

132K 997 444
                                    

"Tuloy ka." Paanyaya sa akin ni Tita nang mabungaran niya ako pagbukas niya ng pinto ng bahay niya.

Gumilid pa si Tita sa pinto para papasukin niya ako sa loob ng bahay. Bitbit ko ang mga bag ko na puno ng mga damit at gamit ko pang-eskwela. Galing kasi ako sa probinsya at nakapasa sa isang unibersidad dito sa Maynila. Nangako naman si tita na sa kanila ako tutuloy kaysa mag-boarding house ako kaya dito ako agad dumiretso.

Katamtamang laki lang ang bahay nila na nasa loob ng isang subdivision. May garahe para sa dalawang sasakyan, at tatlong palapag na bahay. Tumuloy ako sa sala kung saan nandoon ang nakababata kong mga pinsan na busy manood ng TV.

Napalingon sila sa akin nang maramdaman nila ang presensiya ko kaya kumaway ako sa kanila. "Hello..."

Gumanti naman sila nang ngiti at kumaway pabalik sa akin. Kasunod ko naman si tita kaya pinakilala ako sa mga pinsan ko. Ang panganay ay lalake na nasa sampung taong gulang—si Jacob, ang bunso naman ay babae na nasa pitong taong gulang—si Jacqi.

Sabay naman kaming napalingon ni tita sa hagdanan nang marinig namin ang yabag ng mga paa. Si Tito Jake—ang asawa ni Tita.

Nagtama agad ang tingin namin ni tito pagkababa niya sa huling baitang ng hagdan. Lumapit siya sa akin at nakipag-kamay. "Hello, Inah. Welcome sa aming bahay. Feel at home."

Ngumiti naman ako pabalik sa kanya at nakipag-kamay. "Salamat po sa pagpapatuloy, Tito."

Medyo nahihiya ako kay Tito Jake dahil hindi ko naman siya nakakasalamuha madalas. Kapag umuuwi sila sa probinsiya, tanging si Tita Macy lang ang nakakausap ko o 'di kaya si Jacob ay nilalaro ko.

Si Tito ay nasa edad na late 30s na, halos 'di nagkakalayo ang edad nila ni tita. Pero kahit gan'on, kita mo pa rin ang kanyang ka-gwapuhan. May katamtamang laki ang katawan niya dahil nasa 6 ft. ang taas. Trimmed ang beard, bigote, at balbas niya na mas lalong nakadagdag sa ka-gwapuhan niya. At amoy ko pa ang gamit niyang sabon na halatang kakatapos lang maligo.

Saglit kaming naupo sa sala para mag-kumustahan at mag-kwentuhan. Huli kasi kaming nagkita-kita ay noong debut ko pa sa probinsiya. Parte nga si Jacob at Tito Jake sa 18 roses ko. Hiyang-hiya nga ako noong nagsasayaw kami ni Tito Jake, hindi kasi talaga ako sanay na kasalamuha ko siya. Wala naman akong choice dahil konti lang ang kaibigan kong lalake.

Maya-maya ay tumayo na si tita para magluto ng hapunan. Napahaba na pala ang kwentuhan namin. Inutusan naman niya si tito na samahan ako sa magiging kwarto ko. Binuhat na ni tito ang gamit ko at dinala ako sa second floor. Linibot niya muna ako para matignan ko ang kwarto nilang mag-asawa at nang dalawa nilang anak.

Matapos n'yon ay dinala niya ako sa may ikatlong palapag kung saan ang magiging kwarto ko. Ako lang mag-isa sa floor na ito dahil ang isang kwarto ay naging bodega na nila. Binuksan ni tito ang kwarto at base sa nakikita ko ay halatang nilinis na nila ito para sa akin.

"Ito ang magiging kwarto mo, Inah." Sambit ni Tito habang linalapag ang mga bag ko sa kama at sahig. Muli naman niya akong hinarap matapos. "Ayusin mo muna ang mga gamit mo. Tas baba ka na lang para sa dinner. Kung may kailangan ka, h'wag kang mahiyang magsabi, ha?"

Tumango naman ako at nginitian siya. "Salamat po, Tito."

Tumango naman siya at tinalikuran na ako. Naglakad na siya papunta sa pintuan at lumabas sabay sara ng pintuan. Naiwan na akong mag-isa sa kwarto kaya linabas ko na ang mga gamit ko sa bag.

Ang mga damit ko ay linagay ko sa drawer, ang mga pang-alis ay sinampay ko naman sa loob ng tukador. Ang mga gamit ko namang pang-eskwela ay linagay ko sa study table. May sariling CR din pala ang kwarto ko kaya nailagay ko ang mga essentials ko.

Wild Things (Rewritten)Where stories live. Discover now