#WTChapter29

54.8K 596 169
                                    

Hindi na nga pumasok sa trabaho si Jake. Siya naman ang boss kaya okay lang. Gaya nga ng sinabi niya kanina ay may ipapakita raw siya sa amin ni Jacob kaya matapos ang tanghalian ay pinuntahan namin si Jacob sa school niya para sunduin.

Kumaway na agad si Jacob pagkakita niya sa kotse ng daddy niya. Agad siyang sumakay sa backseat na may pagtataka dahil ito ang unang beses na susunduin namin siya ni Jake nang magkasama. "Ano pong mayroon?"

Liningon naman siya ni Jake. "Sinusundo ang panganay namin."

Nakalingon din ako kay Jacob kaya nakita ko ang pagngiti niya. Alam kong ito rin ang hiling niya, ang pamilyang buo at masaya. Naramdaman ko naman ang kamay ni Jake na humawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya pero nakatingin pa rin siya kay Jacob.

"Magiging kuya ka na ulit." Banggit ni Jake kay Jacob sabay tingin sa akin at hinalikan ang kamay ko.

"Yes!" Sigaw naman ni Jacob na mukhang masaya sa ibinalita ng ama niya. Napatingin ulit ako sa kanya kung saan ay nakatingin lang siya sa tiyan ko. "Gusto ko baby brother!"

"Baby sister!" Sabat pa ni Jake. "Desisyon ka? Ikaw ba 'yong tatay?"

Talaga bang pinatulan niya si Jacob?!

Mukhang gugulo rin ang buhay ko sa asaran lagi ng mag-amang ito. Buti na lang talaga ay parehong pogi. Natahimik naman na 'yong dalawang boys ko nang magsimula na ulit si Jake na magmaneho. Ano pa kaya iyong sikretong hindi sinasabi ni Jake sa akin?

Anak sa labas? Papasukin ko na lang.

"Lagi na po tayong lalabas?" Tanong pa ni Jacob mula sa likuran.

Kita ko namang tinignan siya ni Jake mula sa rearview mirror. Nginitian siya ni Jake. Alam kong marami pang gustong gawin si Jake sa mga anak niya na malaya na niyang magagawa ngayon.

"Lagi ko na kayong ilalabas. Tayo. Kasama ang Mommy Inah mo." Sagot naman ni Jake sa bata sabay tingin sa akin.

Napangiti rin ako sa kanya. Naghawak ang dalawang kamay namin sa harap ni Jacob. At mula rin ngayong araw na ito, hindi na kami maglilihim kay Jacob. Magiging kasama na namin siya sa bagong journey ng pamilyang ito.

Ilang saglit pa ay pumasok na ang kotse sa isang village. Napakunot-noo naman ako dahil high-end village itong pinasukan ni Jake. Ilang liko pa ang ginawa ng kotse bago ito huminto. Huminto ito sa harap ng isang mansion.

Nagtanggal naman si Jake ng seatbelt bago kami harapin ni Jacob. "Baba na kayong dalawa."

Bumaba naman si Jake para umikot sa side ko at pinagbuksan ako ng pinto. Binuksan din niya ang pintuan ni Jacob sa likod kaya sabay na kaming bumaba ni Jacob na nagtataka kung ano ang ginagawa namin sa village na ito.

Nakangiti lang si Jake habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Jacob at tinitignan ang reaksyon namin. Naka-akbay siya sa akin habang nakahawak naman si Jacob sa kamay ng daddy niya.

"Ang bago nating bahay..." Bulalas ni Jake kaya agad kaming napatingin ni Jacob sa kanya.

"Wow!" Reaksyon agad ni Jacob sabay yakap sa ama.

Napangiti naman si Jake sa bata at hinaplos ang buhok nito. Tinignan naman niya ako na tila hinihintay ang reaksyon ko. Malaki na ba ang kinikita ng start-up business niya para makabili siya ng ganito kagarang bahay?

Ngumiti lang siya sa akin sabay kuha sa isa kong kamay para hawakan ito. "Matagal ko na itong binili at pinagawa, at ngayon lang natapos. Alam kong darating talaga kami sa hiwalayan ni Macy. Kumukuha lang ako ng tiempo para tapusin ang lahat sa kanya. Plano ko na talagang bumukod kasama ang mga anak ko at magsimula ng bagong buhay. Kaming mag-aama lang sana pero...dumating ka Inah. May ilaw na ang bago kong tahanan."

Wild Things (Rewritten)Where stories live. Discover now