#WTChapter2

104K 866 324
                                    

Tinitigasan ako, Inah...

Paulit-ulit ko pa ring naririnig sa utak ko ang huling linyang binanggit sa akin ni tito noong huling usapan namin sa sala. Nakahiga ako ngayon sa kama ng kwarto ko habang nakatulala sa kisame at iniisip si tito.

"Tinitigasan sa akin ang tito ko?" Sambit ng utak ko.

Paano? E, may asawa siya. Dapat sa asawa lang niya siya tinitigasan.

O, baka naman normal 'yon dahil ganon ka-sensual ang naging usapan namin? Saka lalake siya, baka mabilis lang talaga ang reaksyon sa kanila kapag gan'on ang usapan. Pero bakit gan'on siya ka-honest pagdating sa bagay na 'yon?

Napabuga na lang ako sa hininga ko. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto. Halos alas-kwatro pa lang ng umaga. Hindi na naman ako pinatulog ng naging kaganapan. Buong gabi ko na naman inisip itong usapan namin ni tito.

Hindi pa naman siguro sila gising, kailangan kong bumaba dahil nauuhaw ako kakaisip kay tito. Bumangon na ako sa kama. Agad naman akong napatingin sa dibdib ko. Wala akong bra dahil hindi ako nagsu-suot ng bra kapag natutulog. Hindi na lang ako magsusuot ng bra. Saglit lang naman ako at wala pa namang gising sa kanila.

Tumayo na ako sa kama at naglakad papunta sa pintuan. Pagbukas ko ng pinto ay tahimik ang buong bahay paglabas ko ng kwarto. Madilim pa at ang liwanag ay tanging sa poste lang ng ilaw sa labas. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at never ko ng tinignan ang kwarto nila tito at tita dahil ayoko ng maulit ang kahihiyang nagawa ko.

Narating ko naman ang kusina ng payapa. Kumuha ako ng pitsel sa ref at baso sa may drawer. Nagsasalin na ako ng tubig nang marinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa sala.

Shit.

Sino ang gising at galing sa labas?

Agad akong napatingin sa bukana ng kusina. Pumasok sa kusina si tito na tanging shorts lang ang suot. Halatang galing siya sa exercise dahil pawisan ang katawan niya. May nakasabit pang puting towel sa balikat niya. At kahit madilim, kita ko ang hubog ng maganda niyang katawan.

First time kong makakita nang magandang katawan ng lalake sa personal. Hindi man klaro dahil madilim, pero pansin kong may abs din si tito.

Ngumiti siya nang makita ako. "Good morning. Maaga ka atang nagising." Pagbati niya.

Napasandal siya sa counter at uminom din ng tubig mula sa dala niyang tumbler. Dahil may kaunting liwanag ang nanggagaling sa poste, kita ko ang paggalaw ng adam's apple niya na sumasabay sa paglunok niya ng tubig.

Ngayon ko lang napansin na ang sexy pala ng adam's apple sa mga lalake. O, baka kay tito lang? Ewan ko sa'yo, Inah.

Matapos niyang uminom ay muli niya akong tinignan. Bigla ko namanng naalala ang dibdib ko. Nakasando pa naman ako at walang bra. Hindi ko tuloy magawang uminom. Sa pag-alis na lang niya siguro.

"G-good morning po." Pagbati ko rin sa kanya.

Tumango naman siya at bumaba ang tingin sa basong sinalinan ko ng tubig. Muli naman niya akong tinignan na may pagtataka. "Oh, bakit hindi mo iniinom ang tubig mo?"

"Ah-eh," Bigla naman akong nataranta. Dahan-dahan kong ini-angat ang braso ko at itinakip sa dibdib ko.

Kita kong napatingin siya sa braso kong itinakip sa dibdib ko. Natawa naman siya sa ginawa ko. "Hindi ko naman napansin na wala kang suot na bra dahil madilim dito. Kung 'di mo pa ginawa 'yan ay hindi ko mapapansin. Saka, marami na akong nakitang ganyan, Inah."

Bigla akong nahiya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Hinintay ko na lang na umalis siya pero nananatili pa rin siya sa pwesto niya. Nakasandal pa rin siya sa counter habang naka-crossed arms. Pinagmamasdan lang niya ako.

Wild Things (Rewritten)Where stories live. Discover now