#WTChapter18

73.6K 598 72
                                    

"Bakit 'di mo sinabi sa akin?" Seryosong tanong sa akin ni Jake.

Nalaman niya na kasi ang tungkol sa pregnancy test. Ito namang Jacob ay hindi natahimik ang bibig at talagang kinuwento sa daddy niya. Kamping-kampi talaga siya sa ama niya kaya wala akong sikretong maitatago. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit kaya niya rin itago kay Tita Macy ang sikreto namin ng daddy niya dahil maka-daddy siya. Ang galing talagang mambudol ni Jake ng bata.

"At talagang kay Jacob ko pa malalaman?" Pangungulit niya pa sa akin habang nagdidilig ako ng halaman.

Kanina pa ako naglilinis ng bahay dahil wala si tita habang sila ay kagagaling lang nilang mag-ama sa pagba-basketball. Talagang dumiretso siya sa akin nang makita niya akong nagdidilig sa garden para komprontahin.

Napabuntong-hininga naman ako sabay harap sa kanya. Hindi ako nakasagot agad dahil na-distract ako sa nakikita ko. Wala kasi siyang pang-itaas kaya kita ko ang pawisan niyang katawan at ang matitipuno niyang dibdib, balikat, at biceps, samahan mo pa ang anim niyang abs at V line sa torso. Napalunok tuloy ako sa sarili kong laway.

Forever yummy daddy talaga 'tong si Mr. Jake Heinrich Suarez. Isang businessman ng isang start-up company. Pasok na pasok talaga siyang maging sugar daddy. Charot.

"Ma. Alinah..." Tawag niya sa akin kaya naputol ako sa pagnanasa sa katawan niya.

Napatingin tuloy ako sa mukha niya. Bakit may pagtawag sa buong pangalan ko?! Para naman siyang magulang ko na kapag galit ay tinatawag ako sa buong pangalan ko.

Napakamot naman ako sa noo ko. Nakaka-stress naman makipag-away sa jowa. Charot praktis lang!

"Negative naman, e." Sagot ko.

"Kahit negative, Inah." Sagot niya rin sa akin na may sama pa rin ng loob. "Ang gusto ko sa akin mo sabihin. Ako ang una mong sasabihan."

"Nahiya kasi akong bumili ng pregnancy test kit kaya sinabi ko kay Jacob para utusan siyang bumili." Pagpapaliwang ko naman.

"E 'di ako ang bibili. Ano bang akala mo sa ginagawa natin? Laro-laro lang na malabong may mabuo?" Panenermon niya pa sa akin. Galit talaga siya.

Pero natahimik talaga ako sa sinagot niya. So, may parte talaga sa kanya na nag-e-expect na mabuntis ako? At seryoso siya sa ginagawa namin? Hindi lang siya basta libog na para lang may parausan siya?

Napakagat-labi na lang ako. Ayoko ng makipagdebate. "Sorry."

Huminga ulit nang malalim si Jake bago ako lapitan at hawakan ako sa pisngi. Hinaplos ng hinlalaki niya ang pisngi ko. "Gets ko kung natakot ka. Pero dapat kasama mo ako sa lahat ng takot mo para damayan kita. Kahit pa nag-negative iyon, sa puso ko ma-e-excite ako kasi first baby natin 'yon kung sakali, Inah."

Hindi na naman ako nakasagot agad dahil sa sinabi niya. Ano ba 'tong mga pinagsasabi niya? Kinagat ko tuloy ang babang labi ko para pigilan ang kilig ko. Pakiramdam ko ay namumula ang mga pisngi ko. Masarap lang pakinggan na kahit paano ay handa siyang panagutan ang bata kung sakaling may mabuo.

Tumango lang ako at yumakap sa kanya. Hindi naman nakakadiri ang pawis niya. Ang bango pa rin ng katawan niya kahit nababad siya sa araw. Saka lagi rin naman kaming pawisan sa tuwing nagse-sex kami, dito pa ba ako mag-iinarte?

Umangat ang tingin ko sa kanya dahil mas matangkad talaga siya sa akin. Nginitian ko pa siya. "Okay. 'Pag nalaman kong delayed ako ulit, ipapaalam ko na sa'yo."

Ngumiti rin siya at hinaplos niya ang likod ko. "Kailangan ata makalimang putok ako sa'yo. Masyadong matapang ang pills na iniinom mo. Nade-dehado ako sa laban."

Para naman siyang tanga. Kung gusto niya talaga akong magdalang-tao ay sana pinatigil niya na ako sa pagpi-pills. Pero sabagay, may mga chances kasi talaga na may nabubuo kahit nagpi-pills. Lalo na kung nakalimot kang uminom ng pills.

Wild Things (Rewritten)Where stories live. Discover now