#WTChapter22

59.2K 515 22
                                    

"Ate!" Tawag sa akin ni Iyah nang makita niya ako pagbaba ko sa kotse.

Gaya nga ng nasabi ni tita noong nakaraan, dito kami ngayon sa probinsya namin magdi-diwang ng pasko. Si Iyah ang nakababata kong kapatid. Dalawa lang naman kami. Medyo malayo ang agwat namin sa isa't isa. Siya iyong tinatawag nilang menopausal baby.

Ngumiti at kumaway naman ako sa kanya kaya tumakbo siya sa akin palapit sabay yakap sa akin. Gumanti rin ako nang yakap sa kanya dahil na-miss ko 'tong pasaway kong kapatid na nagbebenta ng mga test papers na may sagot.

"I miss you, ate." Sambit naman niya sa akin.

Pinisil ko naman ang magkabila niyang pisngi. "Mas na-miss ka ni ate. Nag-aaral ka ba ng mabuti? Baka pasaway ka na naman kina papa at mama."

Sasagot na sana siya nang sabay kaming napalingon na dalawa nang bumaba na rin sa kotse sina Jake, Tita Macy, at Jacob. Hinaplos ko naman ang buhok ni Iyah. "Mag-bless ka muna kina tito at tita."

Tumango siya at lumapit sa dalawa para magmano.

Si Jacob naman ay sinubukang ngumiti at tinaas pa niya ang kamay niya para kumaway kay Iyah. "H-hi..."

Tinignan lang siya ni Iyah sabay talikod at tumakbo papasok sa bahay. Naawa naman ako kay Jacob. Hindi kasi nakikipag-close si Iyah sa mga lalake. Minsan, naiisip ko na lang na baka tomboy si Iyah.

Sumunod na rin ako sa loob ng bahay at sinalubong ako ng mga magulang ko at nagmano rin sa kanila. Kasunod ko na pala sina Jake, Tita Macy at Jacob kaya sila ang kinausap ng mga magulang ko kaya nagtungo na lang ako sa kwarto ko sa itaas.

Hindi kalakihan ang kwarto ko, hindi gaya ng kwarto ko sa bahay nila Tita Macy. Simple lang, halos de-kahoy ang lahat. Napalingon naman ako sa pintuan nang bumukas ang pinto.

Sumunod pala sa akin si Iyah. "Ate, nakakaganda pala sa Maynila. Ang daming nagbago sa'yo!"

Nagsalubong naman ang mga kilay ko. Hindi ko lang masabi sa kanya na nakaka-glow talaga ang sex. "Binola mo pa ako. Wala akong pasalubong sa'yo, hindi pa naman ako nagtatrabaho."

"Luhh, 'di naman 'yon." Sagot naman niya na tinaasan pa ako ng kilay. "E, gumanda ka naman talaga."

Nagpigil naman ako ng tawa dahil sa ka-cute-an niya. Tinapik-tapik naman ng daliri ko ang maliit niyang ilong. "Bakit ka ba sa akin nakabuntot? Makipaglaro ka kaya kay Jacob. Wala siyang kilala dito, ilibot mo naman siya."

Nagmaktol naman siya sa tabi ko. "E, hindi naman kami close! Si Jacqi ang close ko."

Napairap naman ako sa kanya. "Pa'no kayo magiging close n'yan ni Jacob? Kung 'di mo siya kakausapin. Mabait naman si Jacob, ah. Ang arte mo, Aliyah."

Tumayo na s'ya at padabog na naglakad papunta sa pintuan ng kwarto. "Hmp! Bahala ka nga d'yan ate!" Singhal niya sa akin bago lumabas ng kwarto.

Napailing na lang ako at inayos ang mga gamit ko na iniuwi galing Maynila. Nadagdagan kasi ako ng mga damit so dinala ko na lang iyong iba rito sa bahay. Habang nag-aayos ay may narinig akong ingay mula sa labas ng bahay.

Binuksan ko naman ang bintana ng kwarto ko at nakita sina Iyah at Jacob. Natawa na lang ako sa sagutan nilang dalawa. Nakapameywang pa si Iyah sa harap ni Jacob. "Ano'ng akala mo sa akin? Lalake para maglaro ng basketball?!"

Napakamot ulo naman si Jacob. Bukod sa mas matanda si Jacob ng tatlong taon kay Iyah ay matangkad talaga siya kaysa sa kapatid ko. "E, hindi naman ako naglalaro ng manika. Ano ba ang pwede nating laruin together?"

"O, e 'di taya!" Mabilis na hinawakan ni Iyah sa tiyan si Jacob sabay takbo.

Hinabol naman siya ni Jacob pero binabagalan lang ni Jacob ang takbo kasi mabagal tumakbo si Iyah. Feeling tuloy ni Iyah ay mabilis siyang tumakbo. Ang hindi niya alam ay pinagbibigyan lang siya ni Jacob.

Wild Things (Rewritten)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें