#WTChapter24

60.4K 542 65
                                    

Lumipas ang pasko at kakatapos lang din ng bagong taon. Halos pagod at puyat ang mga tao sa bahay dahil madaling araw na nang magsi-tulog.

Nang madama ko na ang katahimikan sa buong bahay ay bumangon na ako sa kama at inayos muna ang kumot ni Jacob bago lumabas sa kwarto ko. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at nagtungo sa likod ng bahay kung saan nag-aabang na sa akin si Jake. Ngumiti siya sa akin at kinuha ang kamay ko para hawakan.

Madilim pa rin ang paligid dahil halos mag-a-alas kwatro pa lang ng umaga. Nauna na akong maglakad habang nakasunod lang siya sa akin.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya.

"Ssshhh..." Sita ko sa kanya. "Sumunod ka na lang."

Buti na lang ay kabisado ko ang daan dahil kahit madilim ay alam ko ang linalakaran. Kaunting lakad pa ay narating din namin ang spring. At sa dulo ng spring ay ang falls. Dama ng balat ko ang lamig ng hangin na nagmumula sa spring at falls.

"Maliligo tayo? Madaling araw, malamig." Reklamo niya.

Tinignan ko naman siya sabay ngisi. "E, 'di painitin natin."

Hinawakan ko na ang dalawang strap ng dress ko at ibinaba ito sa braso ko kasabay niyon ang pagkahulog ng dress ko diretso sa lupa. Tumambad kay Jake ang hubad kong katawan dahil wala akong suot panloob.

"Putangina." Mahinang mura ni Jake habang pinagmamasdan ang katawan ko na tanging liwanag lang ng buwan ang tanglaw.

Ngumiti ako at naglakad na pasulong sa tubig. Malamig ang tubig pero nag-iinit ako. Nag-floating pa ako sa tubig kaya kita ko ang madilim na kalangitan at ang milyun-milyong mga bituin at ang nag-iisang buwan.

Muli ko namang tinignan si Jake. Kita kong naghuhubad na siya ng mga suot niya hanggang sa hubo't hubad na siyang lumusong sa tubig. Lumangoy siya palapit sa akin. Hinawakan niya ako sa bewang at hinapit padikit sa katawan niya kaya nadama ko ang alaga niya sa tiyan ko. 

"Ang wild mo." Komento niya.

Ngumiti lang ako sa kanya. Ini-angat ko ang kamay ko na may salong tubig at binuhos ito matitipunong dibdib ni Jake. Pinahid ko pa ang kamay ko sa dibdib niya na ginawang oil ang tubig.

"Jake," Tawag ko sa kanya sabay pasada pa ng kamay ko sa balikat niya habang nakatingin lang siya sa akin. "Gusto na kitang ipagdamot. Akin ka lang."

Umangat rin ang kamay ni Jake at sumapo ito sa kanang pisngi ko. Nadama ko naman ang paghaplos ng hinlalaki niya sa pisngi ko. "Sa'yong sayo lang ako, Inah."

Pumikit naman ang mga mata ni Jake nang ilapit niya ang mukha niya sa akin para halikan ako. Pumikit din ang mga mata ko para damahin ang mga labi niya.

It's always him.

Ang una't huli.

Tanging ang agos ng tubig, ang ingay ng kuliglig at ang tibok ng aming mga puso ang maririnig mo.

Gumalaw na ang kamay ni Jake sa likuran ko. Humaplos ito pababa sa may pwetan ko at ina-abot ang aking linya. Naramdaman ko naman ang paninigas ng alaga niya sa tiyan ko kaya hinawakan ko na ito at sinimulang salsalin.

Magkatitigan lang kami habang kapwa namin nilalaro ang ari ng isa't isa sa ilalim ng tubig.

Lumapit pa ang mukha ko sa dibdib niya at dinilaan ang mga butil-butil na tubig sa dibdib niya. Umakyat pa ang dila ko sa balikat niyan at dama ng dila ko ang lamig ng balat ni Jake.

Muli akong bumalik sa dibdib niya. Mahina kong sinisipsip ang ilang parte niya doon para lagyan ng chikinene. Dinaanan ko rin ang utong niya na naninigas na dahil sa kalamigan. Tinigasan ko lang ang dila ko para ihimas sa naninigas niyang utong.

Wild Things (Rewritten)Where stories live. Discover now