#WTChapter21

63.3K 542 64
                                    

"Tito pa rin ba ang itatawag ko sa'yo?" Inosente kong tanong sa kanya habang naka-upo sa shotgun seat.

Sumulyap lang siya sa akin saglit bago muling tignan ang kalsada. Nakahawak lang ang kanang kamay niya sa manibela habang ang kaliwang kamay naman ay hinahaplos ang mga patubo na niyang balbas habang nag-iisip sa isasagot niya.

Kung nag-aminin na kami sa isa't isa ng nararamdaman namin, ang awkward naman kung tito pa ang itatawag ko sa kanya. Hindi ko naman siya ka-dugo. Iyon nga lang asawa pa rin siya ni tita.

Matapos nga niyang umamin ay tinanong ko pa siya. Kung mahal niya ako, paano si tita? Kasi imposible namang magmahal ka ng dalawang tao ng sabay. Nagbigay lang siya nang isang makahulugang sagot. You can be in a relationship with two people at once, but loving them both at the same time and on the same level is not possible.

Napakunot-noo nga ako sa sinabi niya. Natawa lang siya sa reaksyon ko at pinaliwanag sa akin ng maayos. You know the problem with cheaters. Ang akala nila ay mahal nila pareho ang partner nila pero ang hindi nila alam, ang isa ay nagmumukha lang nilang mahal dahil convenient ito sa kanila. Sexually convenient, financially convenient, etc.

Tumango naman ako dahil na-gets ko na. Tinignan pa niya ako noong araw na 'yon na may lungkot sa mga mata niya. I know others will perceive me as a cheater. Pero may mga bagay kasi na nagmumukhang andyan pa pero matagal na palang wala.

Hindi ako nakasagot agad sa sinabi niya. Gusto ko pa sanang alamin kung ano ang ibig sabihin niya pero sinabi lang niya na sasabihin niya ang lahat sa tamang panahon kapag naayos na niya ang lahat. Hindi ko na pinilit. Sa ngayon ay magtitiwala na lang ako sa kanya.

"Kapag sa kama, tito pa rin. O, pwedeng Jake na lang din. Nakakalibog kasi kapag inu-ungol mo ang pangalan ko. Pero kapag ganitong nasa date tayo, babe na lang." Kinagat niya pa ang babang labi niya para pigilan ang pag-ngiti niya.

Kinikilig ba siya? Parang tanga. Ang tanda-tanda na.

"Okay babe." Sagot ko naman na nakangiti.

May jowa na ako!

Pinagpalit naman niya ang paghawak sa manibela. Ang kaliwang kamay na niya ang humawak dito habang kinuha ng kanang kamay niya ang kaliwang kamay ko at dinala ito sa labi niya. Nadama ko ang mainit niyang labi sa kamay ko.

"Alam mo ba na ikaw ang paborito kong insekto?" Walang-hiya niyang tanong sa akin.

Siningkitan ko naman siya ng mata. "Ah, talaga ba?"

Nagpigil naman siya nang tawa sabay halik ulit sa kaliwang kamay ko. Saktong huminto ang sasakyan dahil sa stop light kaya napatingin siya sa akin. "Kasi ikaw ang butterfly sa stomach ko, Inah."

Napakurap ang mga mata ko sa sinabi niya dahil ang tagal bago ko na-proseso 'yon. Unti-unti naman akong napangiti kaya kita ko rin na nagpipigil siya ng ngiti. Pumi-pick up line pa 'tong matandang ito.

"E 'di wow." Ang tanging naisagot.

Natawa na lang siya sa sinagot ko. Binaba na niya sa hita niya ang mga kamay naming magkahawak at nagsimula na muling magmaneho. Ang sarap pala ng ganitong feeling. Iyong may kasama ka. Dati kasi naiisip ko na okay naman ang maging single. Pero sa biyahe pala ng buhay, mas masaya kapag may companion ka.

Ilang saglit pa ay pumasok na ang sasakyan sa isang drive-thru. Binuksan pa ni Jake ang bintana sabay lingon sa akin. "Babe," Tawag niya sa akin na nakangiti. "Ano'ng gusto mo?"

"Ikaw." Wala sa ulirat kong sagot.

"Tss."

Natawa naman ako sa reaksyon niya. Mannerism din ni Jacob 'yan. Mag-ama nga talaga sila. "Ikaw na pumili. Alam mo naman kung paano ako busugin." Sagot ko.

Wild Things (Rewritten)Kde žijí příběhy. Začni objevovat