#WTChapter26

50.5K 598 169
                                    

"Ate, hindi ka pa ba luluwas?" Pangungulit sa akin ni Iyah.

Nagtalukbong lang ako ng kumot. Isang linggo na ang nakalilipas simula nang malaman ko ang lahat. Dahil sa nangyari ay alam na rin ng mga magulang ko, actually lahat sa pamilya ay alam na.

Galit ang mga magulang ko kay Jake at Tita Macy. Sobrang nasaktan si papa kay Tita Macy dahil magkapatid sila and yet, nagawa ni tita 'to sa akin.

Galit din sa akin ang mga magulang ko dahil bakit hindi raw ako nagsumbong at nagawa pang pumatol kay Jake. Masakit dahil iyong tingin sa akin ng mga magulang ko ay nakakababa. Alam ko naman na may mali rin ako kaya tanggap ko ang mga galit nila sa akin. Ni hindi ko nga magawang lumabas dahil pakiramdam ko ay huhusgahan lang nila ako.

Tinatawagan nga ako ni Jake pero hindi ko siya sinasagot. Hindi ko siyang kayang kausapin. Hindi ko matanggap na nagpaloko ako. Hindi ko alam kung magagawa ko pang magpatawad. Ayoko ng bumalik pa sa bahay na 'yon.

"Ate," Pagpupumilit sa akin ni Iyah. "May pasok na ulit. Bakit hindi ka pa lumuluwas? Sabi ni papa, mag-dorm ka na lang daw o dito ka na lang ulit mag-aral."

Tumulo na naman ang mga luha ko. Buti natatakpan ng kumot ang ulo ko para hindi makita ni Iyah. Apektado na ang pag-aaral ko. Ang hirap pa ng sitwasyon ko dahil wala naman akong mapagsabihan nang nararamdaman ko dahil feeling ko ay huhusgahan lang nila ang nararamdaman ko.

Naramdaman ko naman ang yakap ni Iyah mula sa likuran ko. "Hindi ka pa rin dumadalaw kay tita hanggang ngayon. I know na ang hirap ng sitwasyon mo. Hindi ko man ma-gets ng buo ngayon pero we're sisters. Andito lang ako, ate."

Napapikit naman ako. Masyado pang bata si Iyah para idamay ko sa sitwasyon ko. "Iyah, gusto kong magpahinga."

Nanahimik lang si Iyah. Nananatili lang siya sa tabi ko. Ilang araw na niya akong kinukulit pero hindi ko pa kayang magkwento. Hindi ko kayang humarap sa kanya bilang ate dahil naging makasalanan din ako.

Naramdaman ko na lang ang haplos niya sa braso ko. "Ate, may sinabi sa akin si Jacob. Hindi ko gets pero sasabihin ko na rin sa'yo. Ang sabi niya, dati raw ay lagi niyang nakikita si Tito Jake na malungkot, pero itong mga nagdaang buwan, iba raw ang saya ng daddy niya. Kaya masaya siyang nakikitang masaya ang daddy niya."

Kasi nga pinaglalaruan nila ako. Lahat naman ng naglalaro ay masaya.

Pagod na ako.

Lumipas pa ang mga araw ay kinausap na ako ni papa. Ako raw ang magpasya kung saan ako mag-aaral. Kung sa Maynila ay dapat maghanap ako ng dorm at lumayo kay Jake, o mag-transfer dito sa probinsya.

Humingi ako nang tawad sa kanya pero sa ngayon ay hindi pa raw niya matatanggap. Mas galit pa rin daw siya kay Tita Macy at Jake. Pero nag-aalala pa rin siya sa akin dahil sa pwedeng maging epekto ng ginawa nila sa akin. Humingi rin siya ng tawad sa akin dahil nagkulang siya sa pagprotekta sa akin. Ang sabi ko ay okay lang ako at babawi.

Kinagabihan ay nagpaalam na ako sa mga magulang ko at kay Iyah. Kailangan kong harapin ang problema ko sa Maynila. Ipagpapatuloy ko ang pag-aaral at lilipat ako ng matitirhan. Pero para makalipat ay kailangan kong kunin ang mga gamit ko sa bahay nila Tita Macy.

Kanina pa ako nasa harap ng gate nila. Pasikat na ang araw pero hindi ko pa rin kayang pumasok. Bumabalik lang ang trauma ko. Bumabaliktad ang sikmura ko. Naalala ko lang lahat ng mga panloloko nila sa akin. Ang sakit.

"Ate?"

Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Si Jacob. May bitbit siyang plastik na naglalaman ng mga itlog at isang bote ng mantika. Mukhang gumising siya ng maaga para magtungo sa tindahan.

Wild Things (Rewritten)Where stories live. Discover now