#WTBonusChapter

10.7K 99 5
                                    

Posible pa bang makahanap ako ng pag-ibig kahit sa kabila ng edad ko? Hindi naman ako gan'on katanda. Nasa mid-30s pa lang ako.

Pwedeng maging sagot ay oo. Madali lang kung single ka, marami rin namang single na babae d'yan. Ang problema ko, hindi ako single. Nakatali ako sa kasal, at may dalawang anak. Baka isipin niyo, bakit ka naghahanap kung may asawa ka pala? 

Marriage is often portrayed as a blissful union, a symbol of love and commitment between two individuals. However, the reality is that not all marriages work. This is not a pessimistic view, but a realistic one that acknowledges the complexities and challenges inherent in a marital relationship.

Hindi naman ako sumuko agad. Linaban ko pa rin ang marriage namin. Napagod na lang ako. Alam ko namang hindi biro ang buhay mag-asawa, pero hindi na healthy kung hindi na kayo pareho ng gusto sa tinatahak ng marriage life niyo.

Despite not having children, I found great happiness in our marriage. She has Primary Ovarian Insufficiency, a condition that prevents her ovaries from regularly releasing eggs. We attempted to treat her condition, but unfortunately, there is currently no confirmed treatment that can restore normal function to her condition.

That is something I have accepted. My decision to marry her wasn't solely based on the desire to have a child, but rather, it was about wanting to unite with her in life's journey. While a child is indeed a blessing and an extension of our family, I've embraced her situation. However, she's finding it hard to do the same.

"Dad..."

Naputol ako sa iniisip ko nang may tumawag sa akin, at napatingin kay Jacob na nakaupo sa tabi ko. Si Jacob ang panganay kong anak. Produkto ng surrogacy namin sa ibang babae. Hindi nga lang sa egg cell ng asawa ko, sa mismong na-hire na naming surrogate mom.

Akala ko ay babalik na sa dati ang asawa ko kung sakaling dumating na si Jacob sa buhay namin, pero hindi pala.

Magkasama kami ngayon ng anak ko sa gilid ng batis, kapwa kami nakaupo sa batuhan at pinagmamasdan ang papalubog na araw. Masaya ako na dumating siya sa buhay ko---silang dalawa ni Jacqi. Sila ang rason ko kung bakit nagpapatuloy ako.

Napatingin din sa akin si Jacob na nililipad ng hangin ang buhok niya. "Sa tingin mo po ay magiging okay pa po ang family natin?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Ito iyong iniiwasan kong mangyari, ang maapektuhan sila sa sitwasyon naming mag-asawa. Dahil kahit ano'ng tago namin sa mga bata, malalaman pa rin nila dahil nagkaka-isip na sila. Sa kagustuhan mong manatili sa marriage para sa mga bata ay hindi na ito nagdudulot ng healthy environment sa kanila. Natatakot ako na lumaki sila at isipin na ganito talaga ang isang normal na pamilya.

"Gusto ko kayong magkaroon ng kumpletong pamilya, Jacob." Sagot ko sa kanya. "Kailangan tayo ng mommy mo ngayong hindi siya okay."

Matagal naman akong tinitigan ni Jacob bago siya mapabuntong-hininga. "Kahit unfair na  po siya sa'yo? Narinig ko po kayong nag-aaway noong isang gabi, dad. Lagi na lang siyang may gustong ipagawa sa'yo na labag sa kagustuhan mo po. Dad, gusto ko rin pong maging happy ka. Baka pwede naman po tayong maging okay kahit tayo na lang po?"

Napatitig din ako kay Jacob. Sa totoo lang, matagal ko ng gustong umalis. Kaya ko namang buhayin at alagaan ang dalawa kong anak ng ako lang. Tanggap ko ng failed ang marriage life ko, pero ayokong umabot sa punto na mag-fail din ako bilang ama sa dalawa kong anak. 

"Magiging okay pa tayo, Jacob." Sagot ko sa kanya kahit wala akong kasiguraduhan.

Tumango-tango naman si Jacob. "Sana nga po, dad."

Muli naman naming pinagmasdan ang papalubog na araw. Natahimik na lang kaming mag-ama. Alam kong matalino si Jacob kaya aware na siya sa nangyayari. Kailangan ko sigurong pag-isipan ng mabuti ang susunod kong magiging plano. Alam kong magbabago ang buhay ko, pero kung ito lang ang tanging paraan, handa akong magsimulang muli kasama ang dalawa kong anak.

"Tito Jake..." Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. "Ready na po ang hapunan."

Nginitian ko naman siya sabay tango. "Salamat, Inah."

Rediscovering love after a failed relationship is like a resurgence of hope. It embodies the bravery to open your heart once more despite past disappointments, and the resilience to still see the beauty of love, even after witnessing its harsher side.

—MidnightEscolta 😉

Wild Things (Rewritten)Where stories live. Discover now