#WTFinale

74.1K 886 154
                                    

Lumipas ang anim na taon ay mas naging maayos ang buhay namin ni Jake. Naayos namin ang mga gusot sa nakaraan. Mas tumibay kami hindi lang mag-partner kung hindi bilang magulang.

Nakapagpalaki kami ng binata at dalaga, at nakapag-alaga ng kambal. Nakapagtapos din ako ng pag-aaral. Medyo mahirap nga lang pagsabayin ang pag-aaral at ang pagkakaroon ng mga anak. Naka-alalay naman si Jake sa akin kahit tutok din siya sa nag-e-expand na niyang IT business.

"Alam ko na emotionally at physically draining ito para sa'yo," Sambit ko sabay hawak sa kamay ng kliyente ko. "Pero gusto ko lang sabihin sa'yo na hindi ka nag-iisa sa laban na ito. Nandito ako, ang asawa mo, ang pamilya't mga kaibigan mo."

Matapos ang nangyari kay tita, pinili ko ang landas na tulungan ang mga kababaihan na may pinagdadaanan na katulad kay tita. Dahil alam kong hindi madali ito at minsan ko rin siyang naging takot. Nakapagtapos ako ng Psychology at pansamantalang nagta-trabaho bilang isang mental health warrior.

Gusto ko itong ituloy sa doctorate para maging dalubhasa pa sa pagtulong sa mga taong may pinagdadaanan. Alam kong kaya akong paaralin pa ni Jake pero ayoko namang umasa sa kanya kaya pinag-iipunan ko rin gamit sa sarili kong kita.

"Hindi mo kabawasan bilang isang babae ang hindi pagkakaroon ng anak. Hindi porke't hindi ka magka-anak ay hindi ka na pwedeng maging isang ina. Maraming aspeto para matawag kang isang ina. H'wag kang susuko, maghintay ka lang. Isang araw darating na lang ang blessing na 'yon sa hindi mo inaasahang panahon." Pagtatapos ko.

Tumango ang babaeng kausap ko at nagpunas ng luha niya. Inakbayan naman siya ng asawa niya at nginitian—isang simpleng paraan para sabihing hindi siya nagmamadali na magka-anak at willing maghintay sa blessing na darating sa kanilang mag-asawa.

Araw-araw akong may nakaka-usap na gaya niya. Malungkot pero hindi ako susuko na iparamdam sa kanila na may kasama sila sa laban na ito. It's always good to have a strong support system para hindi nila maramdaman na nag-iisa sila at para ma-feel nila na may kasama sila sa laban na ito.

Matapos ang session ay nagpaalam na silang mag-asawa sa akin. Napantingin naman ako sa kalendaryo sa ibabaw ng table ko. April 11. Birthday ni Jake.

Tinignan ko rin ang relo ko. Tapos na ang trabaho ko. Tumayo na ako at kinuha sa ref ang binili kong cake para kay Jake bago lumabas ng opisina. Paglabas ko ng building ay sumalubong na agad sa akin ang kambal.

"Mommy!"

Si Julian at Jillian. Kapwa limang taong gulang na.

Sinalubong ko naman sila ng yakap. Gumanti rin sila ng halik sa magkabila kong pisngi. Naalala ko pa noon na nagtalo pa si Jacob at Jake sa gender na gusto nila noong nagbubuntis pa lang ako pero pareho naman pala nilang makukuha ang gusto nila.

Lumapit din sa akin si Jake at hinalikan ako sa noo. "Ready?"

Ngumiti naman ako sabay pakita sa kanya ng kahon ng cake. "Happy 43rd Birthday, babe."

Ngumiti rin siya at kinuha ang cake sa akin. Muli niya akong hinalikan sa noo ko. "Thank you, babe. Nag-abala ka pa."

"Ngayon nga lang kita nabibilhan ng cake na mahal simula nang magtrabaho ako." Sagot ko naman.

Pinisil naman niya ang pisngi ko na parang kinikilig sa effort ko. "Hindi naman mahalaga ang presyo ng mga binibili mo sa akin, ang importante ay kasama ko kayo ng mga bata sa birthday ko."

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Taka ko namang tanong sa kanya.

"Basta." Sagot niya lang na may mapang-asar na ngiti.

Tag-isa na naming binuhat ang kambal para dalhin sa kotse. Sinigurado muna naming secured sila sa child car seat bago kami sumakay ni Jake. Masaya ang biyahe namin dahil ang daldal ng kambal. Sa ngayon ay kaming apat lang ang laging gumagala.

Wild Things (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon