#WTChapter23

57K 517 91
                                    

Kinagabihan, saktong hapunan ay dumating naman sina Tita Betsy, Tito Edward, at Jacqi. Mahigpit naman na nagyakapan ang magkapatid na sina Jacob at Jacqi, halatang na-miss nila ang isa't isa. Sobrang mapagmahal talaga na kuya ni Jacob. Buti siya ang panganay ni Jake.

Tumayo rin si Jake para kargahin si Jacqi. Tuwang-tuwa si Jake na makita ang bunso niya at ang unica hija niya. Ang cute nilang panoorin na mag-aama.

"Jacqi, ang laki mo na para magpabuhat sa daddy mo." Sita ni tita na seryoso lang kumain at hindi man lang sinalubong ng yakap si Jacqi.

Natahimik naman ang mag-aama. Binaba na lang ni Jake si Jacqi. Nakita ko ang mabilis na pagbabago sa mukha ni Jake. Iyong saya niya kay Jacqi ay napalitan ng sakit. 'Di ako sigurado pero agad naman siyang ngumiti ng pilit. Si Jacob naman ay napayuko na lang.

Lumapit naman si Jacqi kay Tita Macy. "Sorry po." Sambit niya sabay halik sa pisngi ni tita.

Tinapik-tapik lang ni tita ang ulo ni Jacqi. "That's okay."

'Yon na 'yon?

Hindi ko alam pero parang may mali.

"Jacqi," Tawag ko sa bata. Tinapik ko pa ang upuan sa tabi ko. "Tabi tayong kumain."

Ngumiti siya sa akin at naupo sa tabi ko. "Ate!"

Nginitian ko naman siya at nagyakapan kaming dalawa. Hinaplos ko pa ang buhok niya. She just turned 8. Magkakalapit lang talaga ang edad nilang tatlo na sina Iyah at Jacob. Halos hawig niya rin si Jake, pero si Jacob talaga ang kamukhang-kamukha ni Jake.

Tinuro ko naman si Iyah na nasa isang tabi ko. "Laro kayo ni Iyah. Marami siyang dolls dito."

Nagtinginan naman silang magpinsan. Nakangiti si Iyah kay Jacqi at kumaway pa siya. "Doon ka sa kwarto ko matulog, Jacqi."

Masaya namang tumango si Jacqi. Sila talagang dalawa ang close kahit malimit lang sila magkita. Dahil siguro sa pareho silang babae.

Naging tahimik naman ang pagsasalu-salo namin sa hapunan. Halos sila-sila lang na matatanda ang nag-uusap. Si Jacqi at Iyah ay nagkukulitan din. Gusto nga sanang makisali ni Jacob sa kanila pero itong si Iyah, feeling maganda para supladahan si Jacob. No boys allowed daw.

Matapos ang hapunan ay silang mga matatanda ang naiwan pa sa lamesa para mag-inuman. Si Jacqi ay nasa kwarto na ni Iyah at naglalaro na silang dalawa. Nang matapos akong manghugas ng mga pinagkainan ay umakyat na ako sa kwarto ko. Nadatnan ko naman si Jacob na nakahiga sa kama ko at hawak lang ang cellphone niya.

"Wow," Bungad ko sa kanya pagpasok ko. "Hindi po rito ang kwarto mo."

"Ayoko do'n sa amin. Sa papag ako mahihiga. Dito na lang ako. Wala ka namang katabi." Sagot niya sa akin na hindi man lang ako tinitignan.

'Yong daddy mo kasi sana ang katabi ko pero hindi pwede. Charot.

Sabagay si Iyah at Jacqi kasi ay kasya sa iisang kama dahil pareho naman silang maliit. Kasya rin naman kami ni Jacob sa kama ko kung sakali kaya tumabi na ako kay Jacob. Baby pa rin naman 'tong si Jacob kahit malapit na niya akong matangkaran.

Tinignan ko naman ang cellphone niya. Busy siya maglaro. "Touchscreen 'yan?" Tanong ko sabay touch ko sa screen ng cellphone niya.

"Tss!" Tinignan niya ako nang masama bago muling bumalik sa paglalaro. "Epal..."

Natawa naman ako sa kanya kaya kinurot ko siya sa pisngi. Ang pogi talaga ni Jacob. Sana maging kamukha niya ang magiging anak namin ni Jake. "Pasensya ka na kay, Iyah, ha? 'Di ata sanay na may poging kalaro."

Napabuntong-hininga naman si Jacob sabay patay na ng phone niya at linagay ito sa gilid ng unan. Tapos na ata siya maglaro. Tumagilid pa siya paharap sa akin na nakapikit na.

Wild Things (Rewritten)Where stories live. Discover now