#WTChapter27

50.9K 627 195
                                    

Hindi ko na namalayan na nakatulugan ko na pala ang pag-iyak. Nagising na lang ako na may araw na sa bintana. Ang bigat pa rin ng puso ko matapos kong marinig ang lahat kagabi kay Jake. Hindi ko na alam kung ano ang mas masakit, iyong ginawang plano sa akin ni tita o iyong dinanas ng mag-aama kay tita.

Ang problema ko ngayon ay kung paano haharapin si Jake. Dalawang linggo siyang nakiki-usap sa akin na bigyan siya ng chance na magpaliwanag pero pinagdamutan ko siya. Ngayong alam ko na ang katotohanan ay wala na akong maramdamang kahit an'ong galit sa kanya. Mas nangingibabaw ang awa ko sa kanya at sa dalawang bata.

Wala naman akong choice kung hindi ang bumangon sa kama. Walang mararating kung magtatago lang ako sa kwarto. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa kusina. Mukhang natutulog pa ang mag-ama.

Nagluto na ako ng agahan para sa mag-ama. Naiintindihan ko ang hirap nitong nagdaan na mga linggo sa kanila—sa akin, sa amin. Alam kong matatagalan bago kami muling makabangon sa pagsubok na ito.

"Ate..." Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Si Jacob na papungas-pungas pa mula sa pagkakagising. "Sorry, na-late po ako ng gising. Ako na po ang magluluto d'yan."

Napatitig naman ako sa itsura niya. Mag-ama nga sila ni Jake. Dahil kahit bagong gising ay ang pogi pa rin, dahil kahit gulo-gulo ang buhok ay ang gwapo pa rin. Ang ganda talaga ng genes ni Jake---German-Filipino-Japanese.

Lumapit pa sa akin si Jacob. Naghahalo ang awa at tuwa ko sa kanya. Awa dahil sa mga naranasan niya; tuwa dahil sakabila ng nangyari, lumalaki pa rin siyang mabuting bata.

Ngumiti ako sa kanya at sinuklay ko ang magulo niyang buhok gamit ang kamay ko. Nakatingin lang siya sa akin habang inaayos ko ang buhok niya. Nang matapos ay tinignan ko rin siya sa kanyang mga mata.

"Ako na. Gisingin mo na lang ang daddy mo. Matatapos na 'to." Utos ko sa kanya.

Kita ko naman ang pagkurap ng mga mata niya bago sumilay ang mga ngiti sa labi niya. "Okay na po kayo daddy?"

Okay na nga ba kami?

Nawala lang ang galit ko pero hindi pa kami okay.

Matagal kong tinitigan si Jacob bago umiling. Agad namang nabalot ng lungkot ang mukha niya pero tumango naman siya agad na para bang na-uunawaan niya ang sitwasyon. Matalinong bata si Jacob. At marahil sa mga pinagdaanan niya kay tita, madali lang sa kanyang unawain ang sitwasyon.

Lumabas na siya ng kusina at tinungo ang kwarto ng daddy niya. Inayos ko naman ang mga pagkain sa lamesa nang sabay silang bumabang mag-ama. Sabay silang pumasok sa dining room.

"Daddy, si ate po ang nagluto." Bungad agad ni Jacob.

Nagtama naman ang tingin namin ni Jake. Nakatingin lang sa akin si Jake na mugto pa rin ang mga mata at halatang kulang pa rin sa tulog. Naghahalo na ang pagod, pag-iyak at puyat sa mga mata niya.

Sinubukan naman niyang ngumiti. "Salamat..."

Tumango lang ako at nagsalu-salo na kami sa lamesa. Silang mag-ama ang magkatabi habang kami ni Jake ang magkatapat. Ang awkward pa rin kaya hindi ko kayang tumingin sa harapan ko habang dama ko naman ang tingin ni Jake sa akin. Hindi ko na lang pinapansin.

Sinasalinan naman niya ng tubig ang baso ko sa tuwing nauubos ko na ang laman nito. Hindi ko magawang magpasalamat dahil hindi ko naman siya inuutusang salinan ang baso ko. Bakit ba kasi hindi na lang siya kumain?! Ang awkward na nga ng sitwasyon!

Si Jacob naman ay nagpapalipat-lipat lang ang tingin sa akin at kay Jake. Iyong habang palipat-lipat ang tingin niya ay nagpipigil siya ng ngiti. Parang tanga 'to si Jacob. Mas awkward tuloy ang sitwasyon dahil sa ginagawa niya. Masyado naman siyang fan ng loveteam ni Jake. #AkeNah (Akin Na) Charot!

Wild Things (Rewritten)Where stories live. Discover now