#WTChapter25

51.4K 548 277
                                    

"Pwede ba tayong mag-usap, Inah?"

Napakurap lang ang mga mata ko sa mungkahi ni tita. May kung ano ang bumara sa lalamunan ko. Nanuyo bigla ang lalamunan ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Sinubukan kong lunukin ang sarili kong laway para mawala ang tensyon sa dibdib ko.

Nakatingin lang siya sa akin. Nakangiti habang sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang mga kamay niya. "Lalo kang gumaganda Inah habang nagdadalaga."

Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Ngayon lang kami nag-usap ng ganito kasinsinan. 'Di ko mabasa kung anong gusto niyang ipahiwatig. At kung bakit gusto niya kaming mag-usap na dalawa.

Alam niya na ba?

Sana hindi pa.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Sinubukan ko na lang ngumiti habang siya ay patuloy pa rin ang pag-suklay sa buhok ko. Iba ang pakiramdam ko sa kanya ngayon. Hindi magandang pakiramdam.

Muli naman niya akong tinignan sa aking mga mata habang nananatili ang ngiti sa kanyang mga labi. "Kumusta na kayo ng tito mo?"

Tangina.

Ramdam ko ang panginginig ng buong laman ko at ng buong pagkatao ko. Maski ang mga kamay ko ay nanginginig. Bigla akong nahirapang huminga. Huminga ako nang maraming beses para kumalma. Pero hindi pa rin niyon matanggal ang kaba sa dibdib ko.

"P-po?" Pagtataka ko at umaasang ibang pangangamusta ang ibig niyang ipahiwatig.

Napabuntong-hininga si tita at hinawakan ako sa mga kamay ko. Umaasa ako na hindi pa rin niya alam ang kung ano ang mayroon sa amin ni Jake. Ang dali lang pa lang sabihin na ipaglalaban ko ang pag-ibig ko kay Jake pero bigla akong nabahag nang kaharap ko na si tita.

Pinagmasdan ko lang ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko bago siya tignang muli sa kanyang mga mata. Hinihintay ang kanyang isasagot.

"Hindi ka pa rin ba nabubuntis ng Tito Jake mo?"

A-ano?

Tama ba ang narinig ko?

"Hindi ko po kayo maintindihan." Sagot ko na naguguluhan.

Sinubukang ngumiti ni tita at hinawakan pa nang mahigpit ang mga kamay ko. "Dapat ay nagdadalang-tao ka na ngayon kay Jake. Dapat ay nabuntis ka na ngayon ni Jake."

Bagsak ang panga ko sa sinabi niya. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero walang salita ang lumabas. Nahaluan nang pagkagulumihanan ang kaba ko. Tama ba ang lahat ng narinig ko?

Inaasahan niyang mabubuntis ako ng asawa niya? Na mabuntis ako ni Jake?

Napailing ako sa sobrang kaguluhan. "H-hindi ko po alam ang sinasabi niyo. A-ano pong sinasabi niyo, tita?"

Lumapit pa sa akin si tita at sinubukang ngumiti. Hinawakan naman niya ang magkabila kong pisngi. "Makinig ka, Inah. Gaya ng Tita Betsy mo ay baog din ako. Hirap kami ni Jake na makabuo ng bata."

Baog? Nanlaki naman ang mga mata ko sa pag-amin niya. Hirap silang makabuo? Paano?

Si Jacob?

Si Jacqi?

Hindi sila kay Tita Macy?

Kung gan'on ay kaninong ina sila nanggaling?

Tila nabasa ni tita ang nasa utak ko. May namuong mga luha sa mga mata niya. "Hindi ko anak si Jacob at Jacqi. Anak siya ng tito mo sa ibang mga babae."

'Mga'

So magka-iba pa ang ina ng dalawang bata.

Bumabaliktad na ang sikmura ko sa mga nalalaman ko.

Wild Things (Rewritten)Where stories live. Discover now